[ CHAPTER 27 ]

54 11 20
                                    

[ Chapter 27 ]


[ Knowing Each Other's Secret ]



HINDI na napagtuunan ng pansin ni Rion ang disenyo at ganda ng bahay ng magulang ni Kyrion nang makapasok sila doon. Mas dumoble kasi ang kaba sa dibdib niya. Sa kabila ng pagiging cheerful at accommodating ni Mang Lucas at Yaya Gracia ay hindi niya maiwasan ang kabahan. Nawala na iyon kanina habang kausap niya si Kyrion sa kotse pero bumalik din ulit. Dapat wala siyang nararamdaman na ganito dahil nasa bahay siya bilang kaibigan ni Kyrion at hindi lover nito. Pero hindi na rin yata talaga maiiwasan ang ganoon na pakiramdam dahil kilala ang ama ni Kyrion na malaking tao, formidable at istrikto. The old guy was infamous for being blunt and frank.

Sabi niya noon ay hindi niya kailangang magpa-impress sa matanda dahil gusto niyang maging komportable kaharap ito. Pero ngayon, natataranta siya sa naiisip kung tama ba ang damit niyang suot. Rion was wearing a light blue polo shirt with printed design and he paired it with khaki pants. Puting sapatos naman ang kapares ng outfit niya.

"Kinakabahan ka?" Tanong ni Kyrion. Hindi niya namalayan na katabi na pala niya ito. Kausap kasi ng lalaki kanina ang mag-asawa. Naiwasan siya sa malawak na living room, nakaupo sa malambot na couch.

"Sino ba ang hindi?" Balik-tanong niya rito. "Ngayon ko lang na-realise na malaking tao at hindi basta-basta ang makikilala ko."

Natawa ito. "Huwag kang kabahan. Kasama mo ako. Hindi kita pababayaan."

With his assurance, kumalma siya. Alam niya na dependable ito at hindi talaga siya pababayaan.

"Just make sure. Dito ka lang dapat sa tabi ko."

"Oo. I will make sure." Sagot nito. "Bakit ang tagal naman yata bumaba?" Tanong nito saka bumaling kay Yaya Gracia. "Akala ko po ba ready na si Daddy."

"Kanina pa ready 'yon. Baka may ginagawang importante."

Dumaan ang iritasyon sa mukha ni Kyrion. "Alam niyang may dinner kami tapos uunahin niya ang trabaho niya. He's the one setting this up. Pupuntahan ko na siya."

Bago pa ito makalayo sa kanya ay pinigilan na niya ito.

"What?" Takang-tanong nito.

"Hintayin mo na lang dito ang daddy mo. Be patient."

"Be patient. How could I? Mas inuuna pa niya ang trabaho."

"Kung importante ang ginagawa niya dapat lang na unahin. Be understanding."

"Understanding? Walang magagawa ang understanding na 'yan. Inuunawa siya palagi ni Mo—"

"Kyrion, hijo, pakinggan mo si Rion," pagsabat ni Yaya Gracia. "Laging ganyan na lang ang pakikitungo mo sa daddy mo. Unawain mo siya. Alam mo naman na wala siyang katuwang sa pamamalakad ng kompanya niyo."

"Ginust—"

Bago pa nito matapos ang sasabihin ay tinampal niya ang mukha nito. Ikinagulat iyon ni Yaya Gracia ngunit napangiti rin sa huli.

"Why did you do that?" Hawak ang mukha na tanong nito. Paasik.

"Hindi ka kasi nakikinig. Sinabihan ka na na maging pasensyoso at maunawain pero hindi mo ginagawa. Kaya hindi kayo nagkakasundo na dalawa ng daddy mo dahil dinadaan mo palagi sa init ng ulo kapag nagkikita kayo."

"Sino ba ang hindi iinit ang ulo sa ganito? 'Yung ginagawa niya kay Mommy noon, ginagawa niya rin sa kin. I hate this."

Natahimik siya. Hindi rin niya masisisi si Kyrion kung bakit umaasta ng ganito dahil alam naman na niya ang pinagdaanan nito at ng ina. Kahit hindi nito sabihin, nakikita sa aksyon nito ang gustong ipahiwatig at iyon ay ang maging prayoridad ito ng ama.

From Reel to Real Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon