[ CHAPTER 12 ]

52 11 8
                                    

[ Chapter 12 ]

[ Unexpected Kiss ]

"NAGPAPAALAM ako sa 'yo dahil alam kong malaki ang naitulong mo sa akin, Kyrion Jay. Kagustuhan kong bumalik sa amin at sa ayaw at gusto mo ako pa rin ang masusunod. Buhay ko 'to. I don't want myself to be more indebted to you. Hindi mo na ako kargo. Wala ka---"

"Tingin mo ginagawa ko 'to dahil sisingilin kita sa lahat ng mga bagay na ginawa ko? Ganoon ba ang pagkakakilala mo sa akin, Austin?" Tanong ni Kyrion kay Austin. Hindi niya maiwasan ang magtampo sa mga sinabi nito. Hindi niya maiwasan na masaktan sa pagtingin nito sa kanya.

After what happened this morning, hindi lumabas ng kwarto si Kyrion. He stayed on his room. Hindi siya handang harapin si Austin kanina kahit na hanggang ngayon ngunit napilitan siya dahil na rin sa pangungulit ni Keenon sa kanya na alam niyang dahil din sa utos nito. Ayaw niyang bigyan ng disappointment ang bata. Hindi dapat ito madamay sa sitwasyon na mayroon sila ni Austin.

"Hindi ganoon ang iniisip ko sa 'yo, Kyrion Jay. I owe you so much and that's a fact, pero ayoko nang abusuhin pa ang kabaitan mo. I don't want to give you burden. Ayoko nang dagdagan pa. Just let me go, please. Gusto kong bumalik ang mga alaala ko at hindi ko 'yon magagawa kung dito lang ako." Paliwanag nito.

Umiling siya. "I don't want to let you go. Ayoko."

"But you need to. Alam mo na simula pa lang wala kang makukuha sa akin. Hindi kita magagawang mahalin pabalik."

Lumarawan ang sakit sa mukha niya. Hindi niya inaasahan na sasabihin nito iyon sa kanya. "Kailangan ba talagang sabihin mo 'yan at ipamukha sa akin?"

"I'm sorry," Austin said then backed-off. "Gusto ko lang naman na imulat ang mata mo, Kyrion Jay. I'm doing this for my own good and yours also."

"I know, but why now, Austin? Why now? Ang tagal nating nanatili rito at bigla mo na lang naisipan na bumalik. Ba---"

"Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-open ako ng topic na ganito, Kyrion." Pamamatlang nito sa kanya. "As far as I remembered, I told you numerous times that I wanted to go back to regain my consciousness. Pero sa mga attempt ko na iyon ay lagi mo akong dini-dismiss. You are so against the idea. Hinayaan ko kasi alam ko na masaya ang mga bata rito. Kinalakihan na nila ang lugar na ito. But after finding the reason of my accident and knowing the truth, dapat lang na bumalik ako. Makakatulong sa akin si Th---"

"Theo?" Pamamatlang niya. Kahit hindi nito natapos ang sasabihin ay alam niya na ang pangalan ng lalaking totoo nitong mahal ang bibigkasin. "Sabihin mo sa akin ang totoo. Are you doing this because you wanted to retrieve your memory or you are doing this to see that guy."

"That guy. Wala siyang kinalaman dito. I'm doing this for my own good. At sana tandaan mo na ang tinatawag mo na 'that guy' ay hindi basta-basta kung sino lang. Siya ang karelasyon ko na walang kaalam-alam sa mga nangyari at nangyayari sa akin. Tandaan mo na inilihim niyo sa kanya ang mga pinagdaanan ko dahil takot kayo."

"Kanino mo ba nalaman ang lahat ng 'yan?" Gulat niyang tanong na may kasamang galit. "Bakit ang bilis mong paniwalaan ang sinasabi ng ibang tao kaysa sa akin." He instilled things to Austin. Mga bagay na alam niyang papaniwalaan nito pero wala ring kwenta dahil nandito pa rin sila sa sitwasyon na ito.

"Just let me go, Kyrion. Just let me go." Austin said. His voice was almost pleading. Mukhang hindi na talaga ito magba-back out. Austin will go places just for him to get what he wanted. Gusto niyang maging selfish. Gusto niyang pigilan ito ngunit ayaw niyang makita ang desperasyon sa mukha nito. Ayaw niyang mas lalong magalit pa ito sa kanya. Ayaw niyang masira ang relasyon na mayroon sila. Ngunit gusto pa rin niyang malaman kung kanino nito nalaman ang tungkol kay Theo.

From Reel to Real Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon