[ Chapter 30 ][ Slip of the Tongue / Grabbing the Chance ]
“SA AKIN ka na sumabay mamaya.” Nang matapos ang eksena na kinukuhanan nila at mabigyan ng kaunting break time ay agad siyang lumapit kay Rion. Naunang kuhanan ang eksena nito kasama si Neil at siya naman ay nahuli.
“Hindi 'yon mangyayari.”
Kunot ang noong tiningnan niya ito. “Bakit naman hindi? Sasabay ka lang naman sa akin. People will not talk. Matagal na tayong magkatrabaho and they will think that we’ll only having a night out. And you said earlier that we will talk and we will do that on our way home.”
Napailing-iling ito na ikinairita niya. “Gumaganti ka ba sa akin dahil hindi kinakausap nitong mga nakaraang araw?”
“Huh? Anong sinasabi mo?” Naguguluhan nitong tanong. “Ba’t naman kita gagantihan? Wala nga akong paki kahit hindi mo ako kausapin. Peaceful ang buhay ko.”
Napasimangot siya. Nadagdagan ang pagkairita. Tila totoo ang sinabi nito dahil sa kaseryosohan ng mukha. Hindi niya iyon gusto.
“Totoo ba 'yan?” Paniniyak niya. “Or you were just saying it to annoy me.”
“To-totoo 'yon.” Nag-falter ang boses na sabi nito.
He smiled. “Nagsisinungaling ka. Alam ko na nami-miss mo ako. Mahal mo kaya ako.” What he said was slipped of a tongue. It stunned him and made Rion’s face blushed. Panandalian niya iyong nakita dahil nag-iwas ito ng tingin. “Mahal mo ako bilang kaibigan, hindi ba?” Dugtong niya. Trying to pacify the sudden tension between them. He was hoping for Rion to bite the hook.
“O-oo naman. Mahal kita bilang kaibigan pero hindi talaga ako sasabay sa 'yo mamaya. Pasensya na rin kasi nakalimutan ko na mag-uusap tayo.”
He was glad that he take the bait but sadden with the latter part of his words. “Bakit?”
“Dahil may pupuntahan ako. Late ako makakauwi mamaya.”
“Saan?”
“May night out kami ni Neil.”
“Kasama mo ang bwisit na 'yon?” Hindi makapaniwalang tanong niya. “Why will you join him? May hindi ka ba sinasabi sa akin?”
“Ano bang sinasabi mo? Kung maka-react ka naman para kang ewan.”
“Hindi kayo in good terms, hindi ba? You hate him. Nakikisama ka lang sa kanya.”
“We’re in good terms. Na-misinterpret ko lang ang mga aksyon niya. Mabuting tao si Neil.”
“Mabuting tao? Baka may relasyon kayong dalawa.” Asar niyang sabi.
“Ano naman ngayon kung may relasyon kami?” Nanghahamon na tanong nito.
Natigilan siya. Hindi makapaniwala. Biglang napaisip kung may mga bagay siya na nakaligtaang marinig kanina o baka hindi nito napag-usapan doon dahil tinuloy dito sa loob.
“Don’t tell me sinagot mo siya?”
Kumunot ang noo nito. “Nandoon ka ba habang nag-uusap kami?”
Nag-iwas siya ng tingin. Napahiya. Hindi alam kung ano ang dapat sabihin.
“Nandoon ka nga. Ba’t ka nakikinig sa usapan ng iba?”
“Hindi ko naman sinasadyang marinig. Eh, sa bakit ba kasi doon kayo nag-usap? Ako ang nauna doon.”
“Dapat umalis ka na kaysa 'yung nakinig ka pa.”
BINABASA MO ANG
From Reel to Real
عاطفيةNagsimula sa kasinungalingan. Napunta sa likod ng camera. Ano kaya ang mangyayari sa dalawang taong hindi magkatugma na kailangang magpanggap sa harap ng ibang tao lalo na sa camera? Pwede kaya silang magkasundo at mauwi ang hindi pagkakaunawan sa...