[ Chapter 14 ]
[ Taking Care of Him ]
MASAKIT ang ulo ni Kyrion nang magising kinabukasan. Parang hinahati iyon dala ng hangover mula sa pag-inom kahapon. Napaungol siya nang umupo sa kanyang higaan. Nasapo ang kanyang noo sabay balik sa pagkakahiga. Sanay naman siyang uminom ng alak ngunit kapag may hangover ay hindi siya makagalaw. He needs to drink pain reliever for it.
Kinuha niya ang cellphone sa bedside table at tiningnan kung may tawag o text sa kanya. He was hoping for Austin to call or text him. Disappointed siya. Wala siyang natanggap mula kay Austin. May tampo o galit talaga sa kanya ang taong minamahal at nasasaktan siya doon. Hindi niya maatim na ganoon ang nararamdaman ni Austin para sa kanya. Kahit ayaw niya ang desisyon nito ay tatanggapin na lang niya. Pupuntahan niya ang taong tinatangi kapag maayos na siya.
He looked for Rion's messages. Walang text sa kanya ang lalaki. Matapos ang pag-uusap nila kahapon ay uminom siya ng mag-isa at nakatulog na. Hindi niya alam kung pumunta ba ito sa bahay niya o hindi.
Dahan-dahan siyang umupo ulit. He dialled Rion's number. Ilang ring ang dumaan bago sinagot ng lalaki ang tawag niya.
"Hello," agad niyang sabi. "I was drunk last night. Pumunta ka ba rito kagabi?"
"Yes," sagot nito. Ngunit bago iyon ay mahabang katahimikan muna ang nangyari na tila pinag-iisipan ni Rion ang isasagot sa kanya ganunpaman ay hindi niya iyon pinansin.
"Pumunta ka ba rito kahapon?" Pag-ulit niya sa tanong. Nakukulangan siya sa sagot nito.
Mahabang katahimikan mula bago ito sumagot. "Oo nga, pero umalis din ako kaagad. Hindi ka naman sumasagot." Muli nitong sagot.
"My bad. Nakatulog na ako dala ng kalasingan. Hindi ko nga alam ang mga nangyari kagabi." Rason niya.
Totoong wala siyang alam sa mga nangyari kagabi. Ganoon naman siya palagi kapag nalalasing. Kung may mga bagay siyang nagawa dala ng kalasingan, hindi niya iyon alam.
"Siguro nga. Ba't ka tumawag? May ipapagawa ka ba sa 'kin?"
"Oo sana," nahihiya niyang sabi. "Pero kung abala ka, huwag na lang. Wala kang iiwanan kay Tita."
"Nandito pa si Henri. Ano ba ang gagawin ko para sa 'yo?"
"Kailangan ko ng mag-aasikaso sa 'kin." Sabi niya. "Grabe ang hangover ko. Hindi ako makaalis dito sa higaan. Masakit ang ulo ko. Gusto kong kumain ng mainit na sabaw at kailangan ko rin ng pain reliever. Can you buy me one and cook for me?" Sunod-sunod niyang sabi bago pa pangunahan ng hiya.
Pumalatak ito sa kabilang linya. "Mag-iinom ka hindi mo naman kaya ang sarili mo. Pasalamat ka at nandito si Henri. Kung wala siya dito hindi kita mapupuntahan dyan at maaasikaso. Pero bago 'yon, ilan ang bawas sa utang ko sa 'yo?"
Napangiti siya sa sinabi nito. The way Rion talked back to him becomes the same. Nawala ang alinlangan sa boses nito at napalitan iyon ng may yabang.
"Five thousand."
"Pupunta na ako kaagad dyan." Anito saka tinapos ang tawag.
Ibinalik niya ang cellphone sa kinalalagyan niyon kanina. He closed his eyes. He tried sleeping again but he couldn't. Masakit na ang ulo niya dala ng hangover ngunit hindi pa rin maalis sa kanya ang isipin muli ang sitwasyon niya kay Austin. Kailangan niyang makausap uli ito. Gusto niya itong makita at mayakap kahit saglit. Gusto niyang maging maayos ang ugnayan nilang muli. At gusto niya na siya pa rin ang takbuhan nito sa oras ng problema at hindi si Theo.
BINABASA MO ANG
From Reel to Real
RomanceNagsimula sa kasinungalingan. Napunta sa likod ng camera. Ano kaya ang mangyayari sa dalawang taong hindi magkatugma na kailangang magpanggap sa harap ng ibang tao lalo na sa camera? Pwede kaya silang magkasundo at mauwi ang hindi pagkakaunawan sa...