[ Chapter 6 ]
[ The Rumor and the Start of Charade ]
KAPANSIN-PANSIN para kay Rion ang awkward atmosphere sa set ng outdoor photoshoot kinaumagahan. May mga ibang staff ang pinagtitinginan siya saka nagbubulungan. The way they look at him was with disbelief and malice. Ngunit sa kabila ng mapanghusgang tingin ay may mangilan-ngilan din ang paghanga at pagkailang. Hindi na lang niya pinansin ang mga iyon at dumiretso na sa make-up room na nasa isang malaking tent na nilagay doon para lang sa ganoon na aktibidad.
Habang inaayos ang kanyang buhok ng hairstylist at nilalagyan siya ng make-up ng make-up artist ay may mga tinginan ang mga ito na tila hinihikayat ang isa't-isa na magsalita. It was weird because yesterday the two were talkative. Kahit papaano ay kaututang dila niya ang mga ito. The two, one gay and a female co-worker were bubbly yesterday and asked him questions nonstop.
"May itatanong ba kayo sa 'kin?" Hindi na nakatiis na tanong niya sa mga ito. Una siyang bumaling kay Cecil sunod kay Matt. "Kanina ko pa napapansin ang tinginan niyong dalawa."
Muling nagtinginan ang mga ito. Nag-udyukan din na magsimulang magsalita. Sa huli ay si Matt ang nagsalita. "May tsismis kasing kumakalat kagabi pa dito sa atin, Rion, at ikaw lang ang makakasagot niyon kung katotohanan ba o tsismis lang talaga."
Napakunot-noo siya. "Ano naman ang kinalaman ko sa tsismis na 'yan?"
"Tungkol yun sa 'yo," mabilis na sagot ni Cecil. "You see, kagabi kasi may staff na napagtanungan at nakita si Kyrion Jay na pumunta sa room mo. And the question is, ano mo ba siya? Saka ano ang ginawa niya sa kwarto mo?"
"Co-worker ko lang siya." He answered hurriedly. Hindi na niya dinugtungan ang sagot kaya naman kitang-kita sa dalawa ang discontentment. At sa palagay niya ay wala naman dapat siyang ipaliwanag sa mga ito. Pumunta si Kyrion sa kwarto niya pero hindi ito pumasok kaya hindi niya maintindihan ang pinupunto ng mga ito.
"May co-worker ba na talagang pupuntahan ka pa sa room na nakalaan sa 'yo? At hindi lang iyon, Rion boy, may nakakita rin kay Kyrion Jay na pinagbabantaan si Sir Reylan kagabi. At ang dahilan niyon ay walang iba kundi ikaw. Ang kumakalat pa, may relasyon daw kayong dalawa."
"Ano?!" Gulat niyang sabi. Ngayon, alarm na niya ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ng mga ito. "Sino ba ang naglalabas ng ganoon na istorya? Co-worker ko lang siya. Hindi ko siya kilala personally, Cecil. Kung ano man yan na tsismis na 'yan, hindi 'yan totoo." Mariin niyang tanggi.
"Sino ang naglalabas ng ganoon na istorya?" Parang parrot na pag-ulit ni Matt sa sinabi niya. "Kay Kyrion Jay galing. Sa bibig niya mismo habang binabantaan niya si Reylan na tigil-tigilan ang ginawa at gagawin pa sa 'yo, Rion."
He was speechless. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin sa dalawa. Pagkatapos siyang puntahan kagabi ni Kyrion Jay sa kwarto niya at hindi ito pakitaan ng maganda sa kabila ng thankfulness na nararamdaman niya dahil sa presensya nito ay wala na siyang alam kung ano pa ang mga naganap. Pinili niya kasi ang matulog na at hindi na nga niya namalayan ang pagdating ng kasama niya sa kwarto.
Kanina, habang naliligo at naghahanda siya para lumabas ay grabe ang pag-aalala niya dahil tumatak sa kanya ang sinabi ni Kyrion. Halata naman kasi talagang persistent na tao si Reylan at gagawa at gagawa ito ng paraan para makuha ang gusto sa kanya. He was so worried that he thinks of going home but in the end he chose to stay and do things and just to let it flow.
Tinanggihan niya ang tulong na in-offer ni Kyrion Jay sa kanya kagabi dahil alam niya na hindi tumutulong ang lalaki na walang kapalit. It was a proven and tested thing kaya naman nagulat siya ngayon na tinulungan pa rin siya nito at ang tulong na iyon ay hindi niya inaasahan na sa ganitong paraan. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin sa dalawa dahil ayaw niyang mapahiya si Kyrion Jay sa mga aksyon na ginawa nito kagabi. Kung magpapaliwanag siya ay baka kung ano pa ang masabi ng mga ito Kay Kyrion at ayaw niyang massive ng dahil doon. Hindi niya dapat concern ang lalaki pero pipiliin niya ang huwag nang magsalita.
BINABASA MO ANG
From Reel to Real
RomanceNagsimula sa kasinungalingan. Napunta sa likod ng camera. Ano kaya ang mangyayari sa dalawang taong hindi magkatugma na kailangang magpanggap sa harap ng ibang tao lalo na sa camera? Pwede kaya silang magkasundo at mauwi ang hindi pagkakaunawan sa...