[ CHAPTER 40 ]

40 7 5
                                    


[ CHAPTER 40 ]


[ Consequences ]



"I'LL be prank to you," seryoso ang boses na umpisa ng daddy niya. "You ruined your chance to be with the person who loves you so much. Naaawa ako sa sitwasyon mo ngunit mas lamang ang awa na nararamdaman ko para kay Rion. That guy didn't deserve to be there. Wala siyang kasalanan at nadamay lang siya sa gulo mo at ng taong sinasabing mahal mo. Kapag may nangyaring masama sa kanya, ikaw lang ang maaaring sisihin."

Napayuko na lang si Kyrion sa mga sinabi nito. Hindi niya mapapabulaanan iyon. Totoo naman ang lahat ng iyon. Kahit hindi naman kasi nito sabihin, iyon na ang nararamdaman niya. He was blaming himself for what happened to Rion. He slipped his chance to be with the person who truly loves him. At ngayon na nasa ganitong sitwasyon ito ay sobrang nasasaktan ang puso niya. Puno siya ng kalungkutan dahil hindi lang ito basta mahalaga sa kanya dahil tinatangi na ito ng puso niya. And it was stupid of him to realised those things just now. Kung kailan na wala itong malay at walang katiyakan kung magkakamalay pa.

"I'm also blaming myself for what happened to him." He said. "Wala namang ibang sisisihin kundi ako lang. Ako ang dahilan kung bakit nasa ganyan siyang sitwasyon. Ako ang dahilan kung bakit..." Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin. Sumasakit ang lalamunan niya sa pagpigil ng pag-iyak ngunit may kumawala pa ring luha sa kanyang mata. "Ayokong mawala siya. Hindi ko pa nasasabi sa kanya kung gaano siya kaimportante sa akin. Hindi ko pa nasasabing mahal ko na siya. Gusto ko ring humingi ng sorry sa kanya dahil alam kong sobra siyang nasaktan sa mga ginawa ko. Gusto ko pang bumawi sa kanya at paligayahin siya sa mga paraan na alam ko."

"You still can do all of that." Mahinahon ang boses na sabi nito.

Lumapit ito sa kanya at tinapik ang balikat niya. Alam niya na paraan nito iyon upang damayan at pakalmahin siya.

"I know. Pero hindi ko maiwasan ang mawalan ng tiwala. You saw his situation earlier, Dad. Pang-ilan na niyang..." He stopped. Hindi niya kayang ituloy ang sasabihin. Hindi niya mawari ang ganoon na bagay. It gave him so much hardship. So much hardship that everytime he thinks about it made his heart torn into pieces and made him restless. Ibang-iba ang nararamdaman niyang kaba ngayon kaysa noon kay Austin nang nasa parehong sitwasyon ang dalawa. Mas matindi ang nararamdaman niyang paghihirap ngayon.

"Trust Rion. I know na malalampasan niya ito. Believe in our God also. Hindi ka niya bibigyan ng problema kung walang solusyon. Alam ko na pinagdadaanan mo ito ngayon para makita kung gaano ka katatag at kung gaano kalalim ang nararamdaman mo para kay Rion. Believe. Trust. Pray. Do all that."

"Gagawin ko 'yan lahat," sang-ayon niya.

His father stayed for an hour in the hospital. Sa buong durasyon na iyon ay nasa tabi niya lang ito at inaalalayan siya. While they were on that, marami silang napag-usapan at isa na doon ang tungkol sa mommy niya. He opened his heart to him. Ang mga bagay na hindi nila napag-uusapan dati ay kumawala at nagkaroon sila ng pagkakaunawaan. He was thankful for that chance. Nawala ang sigalot sa pagitan nila. Ang mga tinik sa lalamunan at pagpapatawad ay naging madali sa kanya. His father told him that he was also sorry for neglecting his family before, for being a bad father and for not taking care of him when his mother died.

They also talked about their current situation and the possible thing that might happen. His father asked about what the things that he will do and what kind of action will he take regarding the controversies and the leak of information that might occur. Nang hindi siya makasagot ay ito na ang nagboluntaryo na gagawa ng aksyon. Ito na ang titigil sa press para maglabas ng statement. He was thankful for that.

After the conversation, nagpaalam ito na aalis na at nagpaalala na kumain siya at magpahinga.

Nasa isang oras na ang lumipas nang dumating si Henri kasama si Hendrix. Nagulat siya nang makitang kasama ng kaibigan ni Rion ang kanyang kaibigan ngunit hindi na niya iyon napagtuunan ng pansin dahil sa ginawa ni Henri. Sa liit nito ay nakaya nitong abutin ang mukha niya at bigyan ng suntok. Hindi makapaniwalang tingin ang binigay niya rito kasabay ng pagkabigla.

From Reel to Real Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon