[ CHAPTER 10 ]

54 9 12
                                    

[ Chapter 10 ]

[ Sudden Outburst ]

"PAANO ka pala niyan uuwi?"

Mula sa kanyang cellphone ay napatingin si Rion kay Kyrion. Abala siya roon upang maghanap ng paraan kung paano makakauwi at kung ano ba ang dapat sakyan para makapunta sa city proper ng naturang lugar.

Kasalukuyan silang nasa labas ng hotel, partikular sa parking area. Some of their colleagues already left. Pati ang staff nito ay nakauwi na rin sakay ng ibang kotse.

Medyo late na natapos ang photoshoot kaya naman ginabi na sila. It was past five already.

"Naghahanap ako," sagot niya rito saka muling tumingin sa cellphone niya. Thankful si Rion na medyo maayos na ang signal. Hindi na siya masyadong nahihirapan sa ginagawang paghahanap.

"Gusto mo bang sumabay sa akin?" Muli siyang napatingin kay Kyrion. Unexpected ang paanyaya nito kaya nagulat siya.

"Sigurado ka ba dyan? Hindi kita tatanggihan." May himig na pagbibirong sabi niya ngunit sa loob-loob niya ay magiging abala lang siya rito.

"Oo. Sigurado ako. Kung iniisip mo na magiging abala ka, don't be. I'm glad to help you. May pinagsamahan tayo saka iyon ang gagawin ng isang boyfriend sa kanyang boyfriend."

He smiled. "Tama ka. You need to do that para masabing doting boyfriend ka. Mapapahiya ka sa mga kasamahan natin."

"Hindi lang dahil sa mapapahiya ako. Well, I'm also concern about you." Hindi naman dapat ngunit may kumudlit sa puso niya. Nagkakaroon na naman ng reaksyon na sinisiil niya. Binalewala niya iyon. "Alam ko naman na wala kang masasakyan. Hindi pa naaayos ang sasakyan mo." Dugtong nito.

Kyrion was right about it. Tinanong niya kanina ang mekaniko nang tawagan niya kung kumusta na ang sasakyan ni Henri pero hindi pa raw maayos. Marami kasing inaayos na ibang kotse ang car repair shop at naantala rin dahil sa epekto ng bagyo.

"Sasakay na ako kung ganoon." Natawa ito sa sinabi niya.

Binuksan niya ang pinto ng kotse saka pumasok. Muli, hindi niya maiwasan ang mamangha sa sasakyan nito.

Sumakay na rin ito sa kotse. May ngiti ito sa labi habang nakatingin sa kanya. Alam niya na gwapo ito ngunit bakit mukhang mas dumoble iyon sa paningin niya. Kyrion's smile is charming. And again, his heart made a reaction. Nag-iwas siya ng tingin dito.

"Mag-drive ka na para makaalis na tayo. Huwag ka nang ngumiti dyan." Saway niya rito.

"Okay." Sang-ayon nito saka in-start ang kotse at nagmaneho na.

Sa durasyon ng biyahe ay kung ano-anong topic ang napagkwentuhan nila. From the things they like and the dislikes. Rion realised that there are things that they have in common. Katulad na lang ng paborito nilang pagkain. Pareho nilang gusto ang sinigang para sa ulam. Saging, mais at singkamas para sa prutas at gusto din nila pareho ang sitaw na gulay. They also both like the sky blue color and love to stares at the star.

"Kaya ba Orion ang totoo mong pangalan dahil sa constellation na Orion's Belt?"

"Hindi ko alam. Hindi ko tinatanong si mama pero hindi rin siguro. Gusto lang yata ni mama ang pangalan na iyon kaya pinangalan sa akin."

"I see." Anito.

"Ikaw ba? Ba't ganyan ang pangalan mo?" Tanong niya rito.

"Kwento sa akin ni mommy, kaya Kyrion ang pangalan ko dahil gusto niya raw ang pangalan. 'Yung Jay naman, nakuha niya yata sa ibon na jay ang tawag."

From Reel to Real Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon