[ CHAPTER 21 ]

52 11 12
                                    

[ Chapter 21 ]


[ First Day ]


UNANG araw ng taping at maagang umalis si Rion sa bahay ni Kyrion. Kasama niya si Henri na nagda-drive ngayon ng sasakyan na ginamit niya noong pumunta siya sa Batangas. Proud at masaya si Henri na ipagda-drive siya nito patungo sa site. Malapit lang iyon sa lugar na tinitirahan ni Kyrion kaya mabilis silang makakarating doon.

Habang nasa biyahe ay muli niyang binasa ang script. Inaalala niya rin ang mga linya para sa unang scene na kukuhanan. Doon natutok ang atensyon niya.

"I'm so excited!" Patiling sabi ni Henri nang huminto ang sasakyan sa parking lot na nakalaan para sa mga artista, staff at ilan pang tao na may kinalaman sa taping.

Hindi niya namalayan na nakarating na pala sila.

Unang bumaba si Henri. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto ng kotse na para siyang VIP.

"Umayos ka nga." Natatawa niyang sita rito. "Para kang ewan sa ginagawa mo."

"Kailangan kitang pagsilbihan. Unang araw mo ito sa taping. Kailangan mong mag-relax at alisin ang worry sa sistema mo." Anito.

"Ninenerbiyos ako." Pag-amin niya rito.

"Natural lang wyan kasi first timer ka. Ikaw pa ang main lead dito. Alam kong kaya mo. Huwag kang masyadong mag-alala. Nag-practice ka naman. Shoo that worries away." Pagpapalakas nito ng loob niya.

"Gagawin ko ang best ko." Pag-cheer niya sa sarili.

Kailangan niya talagang gawin ang makakaya niya sa series na ito dahil siya ang bida. It was his first lead role and he needs to do better. Alam niya na maraming mata ang titingin sa kanya. Maraming kritiko ang pwedeng pumuna sa bawat galaw. Pero hindi niya masyadong inaalala ang mga iyon dahil ang importante sa kanya ay ang sasabihin ni Kyrion. Kyrion also wished him to do well. Kagabi ay nag-usap sila nito na gawin ang best nila. They both encourage each other.

"That's good."

Dumiretso sila sa waiting area ng mga artista. Doon na rin ang make-up room bago sila sumalang. Bago pumasok ay kinalma niya muna ang sarili at naglagay ng ngiti sa kanyang labi.

Bumungad sa kanya ang ilang beterano at baguhan na artista. He greeted them one by one. Pinakilala niya rin ulit ang sarili sa mga ito. Hindi ito ang unang pagkikita nila ng mga ito ngunit may kaba pa rin sa dibdib niya. Hindi niya alam kung anong klaseng pakikitungo ang gagawin sa mga ito dahil alam niya na mas mataas ang level ng mga ito sa kanya.

"I heard about your audition piece from Direk Llena. He told me that you did great." Simula ng kilalang artista na si Neil.

He smiled politely at him. Neil was a senior actor. Hindi nalalayo ang edad nito sa kanya ngunit lamang na lamang ang experiences na meron ito pagdating sa pag-arte.

"I know you did your best but do you know the reason why they suddenly changed the main actors?"

"Hi-hindi ko po alam." Naiilang niyang tanong.

Nakangiti ito kanina at sa friendly tone ang tono pero biglang nag-iba. He asked the question in a interrogative way.

"Do you have connection to the management?" Prankang tanong nito.

"Wa-wala po. Ginawa ko lang ang best ko."

"Well, I hope what you're saying was true. Sana mas deserving ka sa pinalitan mo. Just like you they also did their best," anito saka siya tinalikuran.

Bumuntung-hininga siya. Kabado siya habang kaharap ito. Mabuti na lang talaga at hindi na ito nag-usisa pa. Ayaw na niya itong pansinin pa pero hindi niya maiwasan ang ma-bother. The way he questioned him, Neil seems affected with the sudden changes of cast. Mukhang malapit ito sa dalawang actor na napalitan.

From Reel to Real Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon