[ CHAPTER 9 ]

51 10 15
                                    

[ Chapter 9 ]

[ Getting Comfortable with Each Other ]

MULA sa kanyang cellphone ay napapatingin si Rion kay Kyrion na nakatalikod sa kanya. Alam niya na hindi ito natutulog kahit na nagsabi ito na inaantok. Alam niya na nagbago ang mood nito dahil sa nasabi niya na hindi naman sinasadya.

Pero bago iyon, hindi niya inaasahan na mag-uusap sila ng ganito. Hindi niya inakala na pwede silang mag-usap ng mahinahon at hindi nauuwi sa sagutan. It was new for him and he found it refreshing. He was also kinda happy about it.

Napahikab si Rion. Alas dos na ng hapon base sa oras sa cellphone niya kaya hindi nakapagtataka na nakakadama siya ng antok. Siesta time at idagdag pa ang lamig ng panahon dala ng malakas na ulan at hangin.

Tumayo siya mula sa kinauupuan at nagtungo sa higaan. The bed is wide so it was not a problem for them to share it. Kagabi ay mahimbing siyang nakatulog kahit na katabi si Kyrion Jay sa kama. Sanay naman kasi siya na matulog na may katabi. Noong hindi pa napapariwara ang kapatid niya ay may panahon na magkatabi sila nito sa higaan.

May apat na unan, dalawang kumot. Tigdalawa sila ni Kyrion ng unan. Hindi niya ginawang harang ang unan na binigay nito kundi ginawa niyang sandayan. Sanay siya na may katabi at kayakap na unan kapag natutulog. He found comfort on it.

Dahan-dahan siyang humiga ngunit hindi maiiwasan ang paggalaw ng higaan dahil sa lambot ng matress.

"Sorry," paumanhin niya rito. Wala itong sagot kaya hindi na lang niya pinansin. Agad siyang nagkumot.

Dala ng lamig ng panahon ay agad siyang nakatulog.

Naalimpungatan si Rion mula sa mahimbing na pagtulog nang maramdaman na parang may mabigat na bagay ang nakadagan sa kanya. Nang imulat niya ang mata ay tumambad sa kanya ang braso na nakayakap sa kanya pati ang mga binti. Hindi na siya nagulat sa sitwasyon kahit hindi niya inaasahan iyon.

Tiningnan niya si Kyrion at napaatras ang mukha niya nang mapansin na magkalapit ang mukha nila. Magkapantay iyon at kung hindi siya nakaiwas kaagad ay baka nagdikit na ang labi nila. Thank God that his reflexes are fast.

Mahimbing ang tulog nito. Mukhang hindi magigising kahit gumalaw-galaw siya. Dahil sa lapit ng mukha nila, hindi maiiwasan na matingnan niya ng maigi ang mukha nito. Paulit-ulit niyang sinasabi sa isip na gwapo talaga ito at walang duda iyon. Kaya hindi talaga maiiwasan na pagkatitigan niya ang asset nito. Bago pa siya malulong sa pagtingin dito ay umiwas na siya ng tingin. He also moved away with him by removing his arms and legs. Nagtagumpay siyang gawin iyon.

Umalis siya sa higaan. Tiningnan niya ang oras sa cellphone niya na nakapatong sa bedside table. It was five in the afternoon. Tatlong oras din siyang nakatulog.

Hinawi niya ang kurtina upang matingnan ang kaganapan sa labas. Malakas pa rin ang ulan pati ang hangin. Hindi niya alam kung ano na ang eksaktong lagay ng panahon at kung nasaan na ang bagyo pero kung pagbabasehan niya ang lakas ng bagyo ay mukhang malapit na iyon sa bansa. Ang huling narinig niya kanina sa restaurant sila ay ang estimated landfall ng bagyo ay alas siyete ng gabi. Mabuti na lang talaga at may generator ang hotel na kinaroroonan nila dahil kung hindi ay tiyak niya na wala silang kuryente ngayon.

"Anong oras na?"

Napatingin si Rion kay Kyrion. Nakahiga pa ito at mukhang antok na antok pa rin. His hair was also dishevelled but it was fit to his handsome face. Mas gumwapo nga ito sa magulong buhok.

"Alas cinco na ng hapon."

"Kumain ka na ba?"

"Hindi pa. Kagigising ko lang din."

From Reel to Real Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon