[ CHAPTER 8 ]

50 8 11
                                    

[ Chapter 8 ]

[ Awkward ]

HEAVY rain. Strong gust of wind. Iyon ang sumalubong sa kanila kinaumagahan. Masarap ang tulog ni Rion ngunit nagising pa rin siya nang maaga dahil iyon na ang kinasanayan niya. Inanunsyo na sa kanila ang sama ng panahon pero hindi niya inaasahan na ganoon kalakas ang bagyo. Mula sa kanyang kinatatayuan, malapit sa glass window ng hotel room ay halos hindi na niya makita ang paligid dahil sa lakas ng ulan. Malakas din ang hangin na tinatangay ang mga magagaan na bagay na nasa labas. The waves were seen to and it was raging. Malakas ang alon na dumadampi sa pampang at may posibilidad pa na magkaroon ng storm surge ayon sa balita na narinig niya kanina. Things outside were so bad.

Hindi nag-aalala si Rion na maaapektuhan sila dahil nasa mataas silang lugar at tiniyak naman ng hotel staff na kung magkaroon ng worst case scenario ay may contingency plan ang mga ito. Wala rin siyang pag-aalala tungkol sa kalagayan ng mama niya at ni Henri dahil alam niya na nasa ligtas na lugar ang mga ito. May kataasan ang lugar na kinaroroonan ng bahay nila at matibay ang kanilang bahay kahit papaano. May mga damage na iyon ngunit alam niya na hindi iyon masisira.

Mula sa pagtingin sa labas, dumako ang tingin ni Rion kay Kyrion Jay na nasa higaan pa rin. Nakatalukbong ng kumot ang lalaki at tulog na tulog pa rin. Gumalaw ito kaya naman nawala ang takip sa mukha.

Walang duda na gwapo talaga ang lalaki. Ngunit sa pagtulog nito, nagmumukha itong inosente at tila walang kabalbalan na ginagawa. He sleeps peacefully. Nagtataka si Rion sa sarili kung bakit hindi niya magawang iwanan ang mukha nito. Its like he was glued watching his handsome face. Inaamin naman niya na nagagwapuhan siya rito pero hindi sa extent na hindi na niya magawang iwanan ng tingin ang mukha nito. What's happening to him was kinda weird. Bago pa siya mapahiya sa lalaki dapat na niyang lubayan ng tingin ang mukha nito. Tiyak niya na aasarin siya nito kapag napansin nito ang ginagawa niya.

He was saved, thank God, when he heard knocks at the door. He immediately go there. He opened the door. Tumambad sa kanya ang pamilyar na mukha ng dalawang tao. Sina Onang at Inang iyon. Onang was Kyrion Jay's manager while Inang was the personal assistant. May make-up and hairstylist din itong dala. Hindi na iyon nakapagtataka dahil 'bigatin' naman talaga ang lalaki.

"Good morning," bati niya sa mga ito. Niluwagan niya rin ang pagkakabukas ng pinto upang makapasok ang mga ito.

Tiningnan siya ni Onang. Seryoso ang mukha nito. Sa gawi ng pagtingin sa kanya ay tila isa siyang specimen na pinag-aaralan. Mula ulo hanggang paa talaga. Mabuti na lang at nagbihis na siya kanina. Kung hindi ay baka ano pa ang isipin ng mga ito. Ramdam pa naman niya ang animosidad nito sa kanya samantalang ngayon pa lang naman sila nagkita at ngayon lang din niya ito napansin. Hindi na lang niya ito pinansin at bumaling kay Inang na maluwang ang pagkakangiti. Kabaliktaran ng nauna.

"Good morning din sa yo. Ba't ang gwapo mo na tapos maganda pa?" Curious na tanong nito na nagpangiti sa kanya.

He often got that compliment. Kahit may pagka-moreno ang kulay niya ay laging napapansin ang gwapo niyang mukha na maganda rin daw at the same time. Kahit na noong varsity siya sa basketball sa school ay looks niya ang napapansin at hindi ang kanyang skill.

"Pasok na kayo. Tulog pa si Kyrion," imporma niya sa mga ito. Hindi siya nag-usisa kung ano ang ginagawa ng mga ito rito dahil hindi naman niya iyon business.

Pumasok ang dalawa sa kwarto at pinuntahan si Kyrion na tulog pa rin. Siya naman sa kabilang banda ay inabala ang sarili sa pagbasa ng brochure ng hotel na tinutuluyan nila. Hindi na siya nag-abalang kunin ang cellphone niya na nakapatong sa bedside table na naiwan niya nang buksan niya ang pintuan. Kahit na hindi nakatingin sa mga ito ay hindi maiiwasan na marinig niya ang pinag-uusapan ng dalawa. At dahil doon ay hindi siya makapag-focus sa ginagawa kaya kahit bawal nakinig na lang siya.

From Reel to Real Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon