[ CHAPTER 3 ]

52 9 40
                                    

~~ Author's Note ~~

Hi guys! Can I ask a favor, just to clarify things. The maximum readers of this story was just 5 and I'm curious to know who are those people.

Kung hindi kaabalahan, pwede po bang mag-comment kayo. 😂😂 I just want to make sure.

Salamat sa tutugon.

[ Chapter 3 ]

[ Enduring Hardship for Family ]

"MAY trabaho ako para sa 'yo, Rion."

Ang excited na boses ang agad na sumalubong kay Rion nang buksan niya ang pinto ng bahay. Makikita rin sa mukha ng kanyang kaibigan ang kasiyahan na parang naka-jackpot ito sa sinasabi nitong trabaho para sa kanya.

"Pumasok ka na muna," sabi niya rito na agad naman sumunod.

"I'm so excited for this job. Sa dinami-dami kasi ng recommended model ay ikaw ang napili. Ang kagandahan at kagwapuhan mo ang outstanding. And because of that, dapat ipakita mo sa kanila na deserving ka para rito. Slay them with your beautiful handsomeness."

"Baka lumaki na niyan ang ulo ko sa sinasabi mo." Natatawang sabi niya rito.

"Well, wala akong pakialam kasi totoo naman ang sinasabi ko saka alam ko naman na never mangyayari 'yon." May katiyakan na sagot nito.

"Ano ba 'yan na trabahong sinasabi mo?" Usisa niya. Tinatago ang excitement sa boses. "Hindi ko masabayan ang excitement mo."

"Sorry naman. Hindi ko lang kasi mapigilan dahil big project 'to, 'no. Napi-feel ko na rin na ito na ang susi mo para sa big break. Alam kong maraming makakapansin na sa 'yo at hindi ka na lang basta extra."

"Oo na. Oo na." Naiiling niyang sabi. "Bago ka mag-breakdown sabihin mo na muna sa 'kin ang project na 'yan."

"Well, 'yong photographer sa photoshoot na kasama mo si Kyrion ang tumawag sa 'kin kahapon at nagtatanong kung pwede ka raw makuha as model. And then, I said wala. Tinanong niya ako kung pwede ka raw sa sabado at sabi ko pwedeng-pwede. So dahil doon may trabaho ka na."

"Ano bang brand ang imo-modelo ko?" Tanong niya ulit nang hindi makuha ang sagot sa tanong niya.

"You are one of the models of a famous underwear brand."

"I see. Saan ba gaganapin?" Tanong niya. This time hindi na tinatago ang excitement sa boses.

"Sa Batangas."

"Batangas? Ang layo naman n'un. Alam mo naman na hindi ako pwede kapag sa malayo. Walan---"

"Alam ko kaya gumawa na ako ng arrangement." Pamumutol nito sa sasabihin niya.

"Then it was settled. Thank you, Henri. Hulog ka talaga ng langit sa 'kin. Kung wala ka baka wala akong raket."

"Sus! Namola ka pa. Wala 'yon, ano ba," anito sabay flip ng buhok.

"Kailangan ko na ng pera para sa pambili ng gamot ni mama pati na rin sa pambayad ng upa dito sa bahay."

"Wala ka ng pera? Naubos kaagad?" Kunot-noo nitong tanong. "'Di ba marami-rami rin 'yung bayad sa dati."

"Marami nga pero alam mo naman na maraming gastusin." Sagot niya. Iniwasan niya rin ang tingin nito.

"'Yong totoo, Rion?" Anito sabay halukipkip.

Hindi na nagtataka si Rion sa aksyon ng kaibigan dahil kilala siya nito. Alam din nito ang mga kaganapan sa buhay niya. Wala na siyang nagawa kundi ikwento rito ang nangyari noong isang araw.

From Reel to Real Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon