[ CHAPTER 37 ]

37 7 11
                                    

[ CHAPTER 37 ]


[ Surrendering His Self ]

"WHAT do you think of going to province with me?"

Mula sa kanyang kinakain, napatingin si Rion kay Kyrion. Kasalukuyan silang kumakain na dalawa. Sila lang ngayon ang nasa hapag dahil sa kwarto pinili kumain ni Isang. Mas mababantayan daw kasi nito ang mama niya kaya doon nito pinili ang pumwesto para kumain.

"Saan na province?" Tanong niya rito. Nasa boses ang excitement. Mukhang magkakaroon na kasi ito ng oras sa kanya. Hindi niya rin maiwasan ang mag-expect.

Sinabi nito kung nasaan ang lokasyon ng probinsya. "Isasama rin natin sina Isang at ang mama mo para wala ka ng isipin. Deserve natin pareho 'to."

"I'm on it. Kahit saan naman tayo pumunta basta kasama kita, approve sa 'kin." Nakangiti niyang sabi.

Bigla itong tumahimik. Tiningnan lang siya na tila inaarok ang nasa isipan niya. "Why are you always being good to me, Rion?"

"Dahil mahal kita. I'm willing to stay at your side."

"Thank you for that. Alam mo na mahalaga ka sa 'kin, hindi ba? Ayokong may mangyari sa 'yo."

Natahimik siya sa sinabi nito. Sumagi sa isipan niya ang naging usapan nila ng kapatid. Ilang araw na rin mula nang mangyari iyon at wala siyang balak na sabihin kay Kyrion. Mainam na rin na niyayaya siya nito magbakasyon. Kahit papaano ay malalayo siya sa peligro at kasama pa niya ito.

"Walang mangyayaring masama sa akin kasi kasama kita. Poprotektahan mo naman ako, hindi ba?"

"O-oo naman. Willing akong protektahan ka."

Hindi niya pinansin ang pag-stammer nito. Nagpatuloy siya sa pagkain.

"Ilang araw ba tayo doon? Kailangan kong malaman kasi doon nakadepende ang damit na dadalhin ko."

"Mga limang araw. Kahit hindi ka na magdala ng damit. Pwede naman kitang bilhan. Mga gamit na lang ni Tita ang dalhin natin."

"Sige ba." Agad niyang sang-ayon. "Ikaw na ang magligpit ng pinagkainan natin. Sasabihan ko na si Isang," paalam niya rito. "Kailan pala tayo aalis?" Tanong niya.

"Tomorrow."

"Sige."

Dumiretso si Rion sa kwarto ng mama niya.

"May pupuntahan tayo, Isang. Bukas na ang alis natin."  Imporma niya kaagad sa babae na abala na naman sa cellphone nito.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa probinsya. Isasama tayo ni Kyrion. Magbabakasyon tayo doon."

"Talaga? Ang tagal ko na rin walang bakasyon. Game na game ako dyan. Maghahanda na ako ng damit namin ni Tita."

"Sige."

Lumapit siya sa mama niya na nakahiga sa higaan nito. "Aalis tayo bukas, Mama. Magkakaroon na rin ako ng oras na kasama si Kyrion. Susulitin ko ang limang araw natin doon. Sobra ko siyang na-miss."

"Halata nga na na-miss mo ng sobra si Sir Kyrion. Sobrang saya ng aura mo." Pag-singit ni Isang.

"Sobra. Magkakaroon na rin kami ng oras sa isa't isa."

"Hindi ba kami makakaabala sa inyo?"

"Hindi. Mas okay na kasama namin kayo para wala na akong isipin saka mabuti rin na may ibang environment si Mama."

"Tama po kayo dyan. Probinsya 'yon kaya sariwa ang hangin. May bukid ba sila doon?"

"Hindi ko alam. Unang beses pa lang naman na pupunta ako doon."

From Reel to Real Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon