[ CHAPTER 15 ]

60 12 16
                                    

[ Chapter 15 ]

[ Playing House? ]

"ANONG ginagawa mo rito?" Tanong ni Austin kay Kyrion Jay nang makita siya nitong nasa living room ng bahay habang nakaupo. Si Tita Tere ang tumawag kay Austin para sabihin na nandito nga siya. Ang butihing ginang ang naabutan niya kanina sa labas nang dumating siya.

Kinakabahan si Kyrion kanina at mas dumoble iyon ngayon na nasa harapan na niya si Austin at malamig ang tingin sa kanya.

Ang totoo bago siya magpunta sa bahay nina Tita Tere ay may agam-agam sa puso ni Kyrion. Kinakabahan siya. Hindi na iyon nakapagtataka dahil ang huling pag-uusap nila ni Austin ay hindi naging maganda. Bago nga siya bumaba kanina sa sasakyan ay nagdadalawang-isip siya kung itutuloy pa ba ang ginagawa o hindi ngunit nakita at nakilala na ni Tita Tere ang sasakyan niya. Nasa labas kasi ang ginang kasama si Keenon at ang triplets.

"Gusto kitang makausap, Austin." Panimula niya. Mabuti na lang at hindi siya nautal.

"Tungkol saan? Sa pagkakaalam ko ayaw mo na akong makita dahil pinili ko ang umalis sa probinsya at bumalik dito." Malamig na tanong nito. Kahit na malamig ang trato nito sa kanya, ramdam niya na hindi nito inaasahan na susunod siya sa mga ito. Iyon nga lang ay inabot iyon ng ilang araw.

"Hindi 'yon totoo," agad niyang sabi. "Gusto pa rin kitang makita at makausap, Austin. Aaminin ko na nagtatampo ako pero hindi ko kayang malayo ka sa akin ng matagal. Nasanay na akong lagi kang nakikita at ayaw kong matapos 'yon." He meant what he said. Austin having not on his side made his life gloomy.

"Klarado naman sa 'yo ang estado mo sa buhay ko kaya hindi ko na uulit-ulitin pa 'yon, Kyrion. Friendship, iyon lang ang kaya kong ibigay sa 'yo at wala ng iba pa. Kung nandito ka para kumbinsihin na bumalik ako sa probinsya, pasensya na at hindi ko 'yon gagawin. I'll stay here hanggang sa bumalik ang mga alaala ko. Uumpisahan ko na rin ang pakikihalubilo sa mga tao sa nakaraan ko at si Theo ang nauuna sa listahan na 'yon."

Austin said those words with determination and with finality. Nakadama siya ng lungkot at alam niyang makikita ang sakit sa mukha niya na binalewala nito. Austin was really giving him a cold shoulder.

Gusto nitong ipakita sa kanya na kaya na nitong tumayo sa sariling mga paa at hindi na siya kailangan nito sa buhay. Na wala talagang pag-asa na maging sila kahit na bumaliktad pa ang mundo. At ang pagtanggap sa kagustuhan nito ang dapat niyang gawin kahit pa masakit iyon para sa kanya.

"Wala naman na akong magagawa sa kagustuhan mo. Isa lang ang hiling ko sa 'yo at 'yon ang huwag mo akong alisin sa buhay mo. Let me stay on your side, Austin."

"Pwede mo namang gawin 'yon. But please, stop expecting things from me. Wala kang makukuha sa akin. Hindi ko maibabalik ang nararamdaman mo sa akin."

Saglit siyang tumahimik saka humugot nang malalim na paghinga. "Sapat na sa akin iyon." Oo. Sapat na sa akin yon. Ang importante makita pa rin kita at makasama. Hindi madali ang gagawin ko. "Susubukan ko na huwag umasa at isipin na hanggang magkaibigan lang tayo." Iyon naman ang dapat niyang gawin. Ang huwag umasa. Pero magagawa ba niya talaga iyon? Ilang taon niyang inalagaan ang pagmamahal para rito. Kaya ng magkaroon siya ng pagkakataon ay kinuha niya iyon kaagad kahit na nagsinungaling at itinago pa niya iyon.

Hindi nagsalita si Austin. Tatalikuran na sana siya nito nang magsalita at tawagin niya ito.

"Ano?"

"Pwede bang yakapin kita sa huling pagkakataon bilang lalaking may pagtingin sa 'yo ng higit pa sa pagkakaibigan?"

Hindi ito agad nakasagot. Ngunit sa huli ay pumayag ito sa gusto nito. Iyon lang naman kasi ang magagawa niya bilang kaibigan nito. "You can do that."

Dahan-dahan siyang lumapit rito saka ito niyakap nang mahigpit. Gumanti ito katulad ng dati ngunit dama niya ang pag-iiba nito.

From Reel to Real Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon