Nasa dalampasigan pa rin sila at naglalakad-lakad na magkahawak pa rin ang mga kamay. It was an intentional thing. Ginagawa nila iyon para makita sila ng mga staff na nasa hindi kalayuan. So far, mukhang maayos naman ang ginagawa nila dahil sa pasimple niyang tingin sa mga ito ay mahahalata talaga ang kuryusidad.“We need to think things through. All the details about us should be in sync, Rion.”
“Alam ko na 'yan. Kaya kailangan mo talagang mag-isip ng paraan para malusutan natin ang problemang ito na sinimulan mo.”
Hindi niya pinatulan ang sinabi nito. Kahit papaano ay nasasanay na siya sa paninisi nito.
“Sabihin natin sa kanila na una tayong nagkakilala noong college ka which was years ago. Don’t give them specific time.”
“Sige. Madali akong kausap. Dugtungan mo rin na hindi tayo magkasundo noong una at galit ako sa 'yo dahil sa pagiging manipulator mo.”
“Okay, I’ll add that.” Pagsang-ayon niya na ikinatigil nito.
“Idadagdag mo talaga 'yon?”
“Oo. Wala namang masama doon dahil totoo naman talagang nangyari iyon. I know that I was a manipulator back then and you’re one of the victim of it. Inuto ka namin ni Sophia na magdikit-dikit kay Austin para masira ang relasyon niya kay Theo.”
Sumimangot ito. “Nakakabwisit kang gago ka. Lagi ko yang iniisip at nabubwisit ako lagi pero mas nakakabwisit pala na marinig mismo sa bibig mo. Hindi ko matanggap sa sarili ko na nagpa-uto ako sa 'yo at isa ako sa dahilan na nakasira sa relasyon ni Austin at Theo noon.”
“Hindi na natin maibabalik pa ang nangyari noon.”
“Hindi na talaga kaya nabubwisit ako sa ‘yo pero mas lamang ang pagkabwisit ko sa sarili ko.”
“Sino sa 'tin ang unang nagkagusto sa isa’t-isa?” Tanong niya rito kaysa gatungan pa ang sinabi nito. Mas mabuti nang umiwas dahil baka kung saan pa sila umabot na dalawa. May tendency pa naman ito na maging bayolente na para lang sa kanya.
“Ikaw na lang. Ipagkalat mo na na-attract ka sa kagwapuhan ko at hinabol-habol mo ako. Sabihin mo rin na kahit ano ang ginawa mo para makuha ang matamis kong oo.”
Napailing na lang siya. “Mayabang ka rin talaga, ano?”
“May ipagmamayabang naman kasi ako. Sikat ka lang pero mas gwapo ako sa 'yo.”
“Kaya nga ako sikat kasi gwapo ako. Kaya marami ang gusto akong kunin kasi gwapo ako. That’s a fact and you need to deal with it.”
Sumimangot ito. “Basta sabihin mo na ikaw ang unang nagkagusto.”
Mukhang hindi talaga ito papatalo sa topic nila. Talagang ipipilit nito kahit na alam naman nito ang totoo. At siya naman sa kabilang banda ay ganoon din. He was against his idea. Alam naman kasi niya na marami ang nahuhumaling sa kagwapuhan niya mapababae o mapalalaki man. Siya ang unang nilalapitan at ang mga ito ang laging may first move.
“Bato-bato pick na lang tayo.” Suhestiyon niya. He knew that what he suggested was childish but it was the only thing that he could do to be fair with him. Isa pa magaling siya sa larong iyon noong bata pa siya. Madalas siyang manalo kapag iyon ang laro.
“Sige ba.” Agad nitong sang-ayon. “Ang unang makaiskor ng lima ang panalo.” Kampante ang boses nito kaya naman naging doble ang hangarin niya na matalo ito. Kailangan niyang manalo.
Binitawan niya ang kamay nito. By doing that, pakiramdam niya ay may parang kulang sa kanya. Binalewala na lang niya iyon at nag-focus sa laro nila.
“Okay.”
They started playing rock-paper-scissor. Sa una ay siya ang nanalo. He used paper while Rion used stone. On their second match, Rion won by using rock over his scissor. Third game was his and the fourth was to Rion. Tie breaker ang last game at nakailang try sila dahil palaging pareho ang ginagamit nila na weapon. Sa huli, si Rion ang nanalo. Gumamit ito ng gunting at sa kanya ay papel. Tumalon-talon ito na parang nanalo sa lotto. Makikita sa mukha ang saya.
“Maglaro ulit tayo.” He suggested. Hindi niya matanggap na natalo siya. Hindi niya akalain na matatalo siya nito. Sinira nito ang record niya sa bato-bato pick.
“Neknek mo. Hanggang lima lang ang usapan. Panalo na ako kaya ikaw na ang unang nagkagusto at hindi ako. Kailangan mong gawin. Wala nang bawian.”
Even he doesn’t want it, he found himself agreeing and accepting his defeat. “Okay. I will do it.”
“Okay! Isipin mo na ngayon ang mga senaryo para hindi ka na mag-text sa akin.”
Again, he found himself agreeing to him.
BINABASA MO ANG
From Reel to Real
RomanceNagsimula sa kasinungalingan. Napunta sa likod ng camera. Ano kaya ang mangyayari sa dalawang taong hindi magkatugma na kailangang magpanggap sa harap ng ibang tao lalo na sa camera? Pwede kaya silang magkasundo at mauwi ang hindi pagkakaunawan sa...