[ Chapter 35 ][ Another Secret Revealed, Feeling Neglected ]
NAGBIBIHIS si Rion nang marinig ang pagtunog ng cellphone ni Kyrion. Alam niyang kay Kyrion iyon dahil naka-customised ang ringtone nito. Dala ng kuryusidad, nilapitan niya iyon at tiningnan. Nakapatong ang aparato sa bedside table.
Kumunot ang noo niya nang makita ang pangalan ng taong tumatawag. Kasunod niyon ay ang pagkatigil. The name on the screen is very familiar to him. Pangalan iyon ni 'Austin'. Beloved Austin was the exact name that saved in Kyrion's phone.
Alam naman ni Rion ang totoo ngunit hindi niya pa rin maiwasan ang makadama ng selos. Seeing Austin's name appearing and casually calling Kyrion is hurting him.
Kinuha niya ang cellphone at sinagot ang tawag. Gusto niyang makumpirma ang hinala niya.
"Hello, Kyrion." Umpisa ng nasa kabilang linya na hinding-hindi niya makakalimutan.
Hindi alam ni Rion kung paano sasagutin ito. Kinakabahan siya. Bago pa siya makasagot ay panibagong boses ang narinig niya. This time it was a little voice. It was Keenon's voice.
"Hello, Tito Kyrion. Kailan tayo ulit mamasayal? Sabi ni Tito Austin tanungin daw po kita."
He was speechless. He couldn't think of any words to say to the child now.
Huminga siya nang malalim. Kinakalma niya ang kalooban. Alam naman na niya ang koneksyon ni Austin at Kyrion. Matagal na niyang alam na si Austin pa rin ang mahal ng lalaking mahal niya ngunit ang puso niya ay hindi mapigilan ang magselos. Masakit iyon para sa kanya. Hindi niya maiwasan ang malungkot kahit naman tinitino na niya sa isip na hindi madali ang landas na tinutungo niya para sa pagmamahal ni Kyrion.
Namalayan na lang ni Rion na hindi na niya ang hawak ang cellphone. Napatingin siya sa taong kumuha niyon mula sa kanya. Nakasalubong niya ang seryosong mukha ni Kyrion. Pansamantala itong tumingin sa cellphone nito at mukhang pinindot ang end call.
"Why did you answer the call?"
"Dahil may tumatawag." Kaswal niyang sagot na nagpatigil kay Kyrion. Ang seryoso nitong mukha ay napalitan ng pagkabagabag.
"Nakita mo ba ang pangalan ng caller?"
"Obviously."
"Narinig mo ba ang boses niya?"
"Oo."
"Do you still know him?" Nag-aalangan na tanong nito.
"Isa lang naman ang kilala nating Austin. At pareho tayong nagkagusto sa taong iyon kaya natatandaan ko siya. Tandang-tanda ko pa siya. Alam ko rin kung ano ang koneksyon mo sa kanya at siya pa rin ang taong mahal mo hanggang ngayon."
"Kailan mo pa nalaman?" Gulat nitong tanong.
"Matagal na." Tipid niyang sagot. Ayaw na niyang pahabain pa ang pag-uusap nila. Iniiwasan niya na gumaralgal ang boses niya dahil sa pagpigil ng emosyon.
"Paano mo nalaman?"
"Hindi na importante 'yon."
"Pero importante sa akin na malaman 'yon."
"Pwede bang huwag na nating pag-usapan pa 'yon." Pakiusap niya rito.
Muli itong natigilan saka bumuntung-hininga. "Kung ayaw mong sabihin sa akin, then, I'll tell my story with him."
Magsasalita sana siya ngunit nagpatuloy ito at ikinwento na nga ang mga pangyayari sa nakaraan. Ang makinig ang tanging nagawa niya. Hearing the story gave him different feelings.
BINABASA MO ANG
From Reel to Real
RomanceNagsimula sa kasinungalingan. Napunta sa likod ng camera. Ano kaya ang mangyayari sa dalawang taong hindi magkatugma na kailangang magpanggap sa harap ng ibang tao lalo na sa camera? Pwede kaya silang magkasundo at mauwi ang hindi pagkakaunawan sa...