[ CHAPTER 23 ]

48 10 8
                                    

[ Chapter 23 ]


[ Will You Tell It To Me? ]


"YOU also want the same, bakit hindi pwede? Pwede tayong maging kissing buddy or we can be more than that. Stop restraining yourself."

Rion rolled his eyes on what he just heard. After that he glared at Kyrion who's looking at him intently.

Kakauwi pa lang nilang dalawa. Halos magkasabay sila nito dumating. Umalis din kaagad ang mga kasama nito at siya naman ay hindi. Sa bahay nito muna matutulog at mag-i-stay si Henri. Nagpaalam ang kaibigan niya rito at pinayagan naman nito. Now, Henri was on his room. Tiyak niya na tulog na ang kaibigan dahil sa pagod. Si Isang naman ay umalis na rin nang dumating sila. And now, the both of them were in the pool area. Doon siya nito dinala pagkatapos sabihin na may pag-uusapan silang dalawa. Ang buong akala niya ay importante iyon pero in-open nito ang sinabi niya kanina tungkol sa halik at siyempre ay matinding 'ayaw' at 'hindi' ang sagot niya. Tama ang sinabi ni Henri na kukulitin siya nito tungkol sa sinabi niya.

"Ayokong gawing komplikado ang pagsasama natin, Kyrion. Dapat alam mo 'yon."

"Hindi naman magiging komplikado dahil pareho naman nating gusto 'yun. I'll admit that I'm lusting over you."

"Ano?!" Gulat niyang tanong. Biglang na-tense sa rebelasyon nito. He tried composing his self. "So hindi na lang ito dahil sa halik. You want more than that. Gusto mo bang maging fuck buddy ako? Ganoon ka na ba katigang para pati ako yayain mo?" Straight to the point na tanong niya rito.

"Oo." Diretsahang sagot nito. "Matagal na akong tigang. When it comes to that aspect, I'm zilch. And you got my attention because of that. Lately ko lang na-realize na kaya kinukulit kita na maghalikan tayo dahil napukaw mo ang carnal desire ko. Nadagdagan pa 'yun nang makita ko ulit ang katawan mo."

"Ang gago mo." Nasabi na lang niya.

Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin. Dapat matuwa siya dahil pinagnanasahan siya ng taong gusto ngunit hindi niya magawang magsaya. Nandoon kasi ang lungkot at kaalaman na pagnanasa lang ang gusto nito sa kanya at hindi iyon magiging pagmamahal.

But lust can be love.

Yeah, its true that lust can be love but how many percent of a chance will it become one? Hindi siya nakakatiyak doon. Ayaw niyang umasa at kung gagawin naman niya ay baka mauwi lang siya sa disappointment. Walang garantiya na pwedeng mauwi iyon sa gusto niya.

"Gago na gusto mo rin namang halikan."

"Na kahit gusto ko ay hindi ko basta papayagan." Hindi papatalong sabi niya.

"Do you want to have a compromise?"

"Ganyan ka ba kadesperado para makama ako?"

Natigilan ito sa sinabi niya. Parang nag-isip. "Oo. Handa akong gawin ang lahat para mapapayag ka lang. Hindi na kita sisingilin ng utang mo which I'm not doing. Ikaw lang naman ang nagpipilit na magbayad."

"Anong akala mo sa 'kin po—-"

"Hindi ganoon ang tingin ko sa 'yo!" Agad na pamamatlang nito.

Bigla siyang napaisip sa sinabi nito kahit na tumatak sa kanya ang huling sinabi nito.

"Sabi mo willing kang gawin ang lahat. Kung papayag ako, sige, masasabi mo ba sa 'kin ang sekretong tinatago mo?"

Bigla itong naging uneasy. Hindi siya matingnan sa mata. Alam niya na ang sekreto nito ngunit susubukan pa rin niya kung hanggang saan ang kaya nitong gawin para makuha ang oo niya.

"Hindi ka na nakapagsalita?" Untag niya sa pananahimik nito. "Mas okay yan. Huwag mo na akong kukulitin sa gusto mong gawin. Puro ka lang naman salita. Kulang ka sa gawa."

Tinalikuran na niya ito. Nasa may pinto na siya nang magsalita ito.

"I have lots of secret. Alin sa mga sekreto ko ang gusto mong malaman?"

Tiningnan niya ito. Nagkasalubong ang tingin nila. "Ano bang gusto mong i-share na sekreto sa kin?" Nananantiya niyang sagot.

May pag-aalinlangan pa rin sa mukha nito. Hindi makikita ang determinasyon nito kanina.

Lihim siyang napabuntung-hininga. Alam ni Rion na sobra ang hinihiling niya ngunit ito lang ang paraan niya para malaman ang totoo at para tumigil na rin ito sa kagustuhan nito.

"I hav—-"

Natigil ito sa pagsasalita. Napatingin sa likuran niya nang bumukas ang sliding door. He also did the same.

Nandoon si Henri. Messy ang buhok. Nakasuot ng maluwang na t-shirt at cotton short. May kuryusidad na nakatingin sa kanila.

"Hindi pa kayo natutulog?" Tiningnan siya ng kaibigan. "Hindi ka pa nakakapagbihis? Don't tell me na kanina pa kayo dito. Anong oras na? Maaga pa bukas ang taping mo," bumaling ito kay Kyrion. "Ikaw din. Huwag kayong magpupuyat. Halika na, Rion. Pumunta ka na sa kwarto mo." Anito saka siya hinawakan sa kamay at hinila papasok.

Tiningnan niya si Kyrion. He was looking at him. Apologetic ang mukha nito.

Naisip ni Rion na ito siguro ang paraan para hindi niya malaman ang sekreto nito na sa bibig mismo nito manggagaling. Siguro hindi pa panahon para sa kanila. Mabuti na rin iyon dahil ligtas siya sa mas malalang pagkahulog at malulong pa sa lalaking ito. Kapag nangyari ang kagustuhan nito ay baka hindi na siya makabangon at tuluyang malugmok sa pagmamahal dito na walang tugon.





SINUNDAN ng tingin ni Kyrion ang dalawa. Nang hindi na niya makita ang mga ito ay napaupo siya sa steel chair na nandoon.

Ikinabigla niya ang hinihiling ni Rion na kapalit sa kagustuhan niya na mahalikan at maging sex buddy ito. Nakakagulat iyon. Hindi niya inaasahan na ang sekreto niya ang hihilingin nito bilang kapalit.

May pagdadalawang-isip sa kanya. Hindi siya nakapagsalita kaagad dahil doon. Natatakot kasi siya na mag-iba ang tingin nito sa kanya kapag nalaman ang sekreto niya.

Pero ano ba ang sekreto na gusto niyang sabihin dito? He smiled bitterly. Wala naman siyang ibang sekreto dahil halos lahat naman sa buhay niya ay nasabi na niya rito maliban sa isa. At iyon ay ang tungkol kay Austin. Tungkol sa mga bagay na ginawa niya habang nasa poder niya ito at ang nararamdaman pa rin niya para sa lalaki.

And speaking of Austin, mula nang mamasyal siya kasama si Keenon at Rion ay wala na siyang naging balita sa mga ito. He was busy with his works. Nagpapadala naman siya ng mensahe para rito pero wala siyang nakukuhang sagot. Puro seen lang iyon. Nagtatampo siya, oo, pero ano ba ang magagawa niya kung ayaw na siyang maging parte ng buhay nito? Wala naman. Nalulungkot siya ngunit hindi niya iyon masyadong naiisip dahil inaabala niya ang sarili at mayroon siyang Rion sa kayang tabi na pumapawi ng negatibong nararamdaman niya.

He was scared telling him his secrets. Natatakot siya sa isipin na maging dahilan iyon ng tuluyan nitong paglayo sa kanya at pag-iiba ng landas nilang dalawa. He was starting to be dependent on him. Hindi niya kayang magkaroon sila ng samaan ng loob. Hindi niya kayang maging iba ang tingin nito sa kanya kapag nalaman nito ang mga kabalbalan na ginawa niya.

For now, he will take things slowly. Alam niya na dahil sa pag-uusap at pagpilit niya sa kagustuhan ay magiging awkward ang bagay-bagay sa pagitan nila.

From Reel to Real Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon