[ Chapter 25]
[ Nursing Him ]
"YOUR phone keeps ringing. Kanina ko pa napansin ang pagtunog niyan."
From what he's doing, tumingin si Rion kay Kyrion. Nasa pool area silang dalawa. Siya lang ang doon kanina nang dumating ito at samahan nga siya sa lugar. Sa bahay nito ay favorite spot niya ang pool area. Ang pagtambay sa patio doon ay relaxing para sa kanya lalo na kapag nagme-memorize siya ng mga linya niya.
"Huwag mo nang pansinin 'yan," aniya.
"Bakit?"
"Anong bakit?" Naguguluhan niyang tanong.
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag? Baka importante 'yan."
"Hindi 'yan improtante."
"Paano mo nasabi? Mula nang dumating ako kanina 'yan na kaagad ang napansin ko."
Hindi na nakapagtataka na mapansin nito ang aparato dahil nakapatong iyon sa steel center table. Kahit na naka-vibrate iyon ay maririnig pa rin ang pagtama sa kinalalagyan.
"Huwag mo nga kasing pansinin." Yamot niyang sagot.
"Hindi nga pwedeng hindi mapansin," pakli nito. Talagang pinagpipilitan ang punto na talagang may point naman. "Naiistorbo tayo."
"Aalis na lang ako kung ganoon. Nakakaistorbo pala sa 'yo."
"Ba't ka aalis? Kaya nga ako nagpunta dito dahil nandito ka tapos aalis ka?" Naaasar nitong sabi. "Umiiwas ka pa rin ba sa 'kin? Hindi ka pa ba komportable 'pag tayong dalawa ang magkasama?"
Natigilan siya sa tanong nito ngunit sa huli ay nagpakatotoo na lang nang sagutin ito. "Oo. Hindi ko kasi alam kung ano ang pwede mong gawin."
"Grabe ka sa akin. Kung ang pino-point out mo, 'yung tungkol sa kiss o sa gusto kong maging tayo, don't worry. Hindi ako gagawa ng bagay na hindi mo gusto. Gagawin ko 'yon kapag may consent mo na. I'll take things slowly about that matter."
Napailing-iling na lang siya sa sinabi nito. Kapag sila lang talaga na dalawa ay hindi maiiwasan na i-open ang topic tungkol doon. Hindi na ito masyadong agressive sa gustong mangyari. Kyrion was in a subtle way persuading him about those things.
Muling tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya lang iyon.
Nalipat ang tingin niya kay Kyrion nang kunin nito ang cellphone niya at tingnan ang pangalan ng tumatawag.
"Your brother is calling you."
"Huwag mong intindihin 'yan."
"Bakit?"
"Parang hindi mo naman alam kung ano ang dahilan ng pagtawag ni Kuya. Manghihingi lang siya ng pera o kaya magtatanong kung saan kami ni Mama ngayon."
"You should tell him."
"Gago! Anong 'you should tell him' ka dyan? Kapag sinabi ko kung nasaan kami di pupunta 'yan dito. Manghihingi 'yan ng pera sa 'yo ulit."
"Pwede ko naman siyang bigyan."
"Gago ka! Hindi ko pa nga nase-settle lahat ng utang ko sa 'yo. Ayokong dagdagan pa 'yon."
"Okay." Walang paki na sabi nito. "I'll turn this off now para wala ng istorbo."
Bago pa siya sumang-ayon ay pinatay na nito ang cellphone.
They started reading their script again. This time ay nagbatuhan na sila ng linya. While doing it, hindi maiiwasan ang lokohan at biruan. Madalas ay may dinadagdag ito na dialogue na pinapatulan naman niya.
BINABASA MO ANG
From Reel to Real
RomanceNagsimula sa kasinungalingan. Napunta sa likod ng camera. Ano kaya ang mangyayari sa dalawang taong hindi magkatugma na kailangang magpanggap sa harap ng ibang tao lalo na sa camera? Pwede kaya silang magkasundo at mauwi ang hindi pagkakaunawan sa...