[ CHAPTER 16 ]

62 11 21
                                    

[ Chapter 16 ]


[ Tempting Offer ]


MASAKIT ang ulo ni Rion kinabukasan ngunit kahit na ganoon ay pinilit pa rin niyang tumayo mula sa higaan niya. Marami siyang nainom kagabi at hindi na niya alam kung ano ang nangyari dahil nakatulog na siya. Hindi na siya sanay uminom. Matagal na rin kasi mula nang uminom siya kaya parang nanibago ang katawan niya.

Hindi na siya magtataka na nagising siya sa kanyang higaan dahil alam niya na si Kyrion ang nagdala sa kanya doon. Katabi niya ang lalaki at tulog na tulog. Mukhang bagsak din dala ng maraming nainom na alak.

Lumabas siya sa kwarto at nagtungo sa kwarto ng ina. Alas sais pa lang ng umaga at tulog pa ito na pinagpapasalamat niya.

He decided to go the kitchen. Magluluto na lang siya ng agahan.

Habang nagluluto ay muling sumagi sa kanya ang napag-usapan nila kagabi ni Kyrion. Hindi nawala sa isip niya ang tungkol sa pagkikita ulit ni Theo at Austin. Kahit hindi sabihin ni Kyrion ang pangalan ng dalawa ay alam niya na ito ang tinutukoy nito. Damang-dama niya ang sakit, selos at inggit sa boses nito habang kinukwento iyon. Dahil doon ay naging sunod-sunod ang pag-inom niya alak. Nasasaktan siya para sa lalaki at kasabay niyon ay selos. He wallowed himself from that emotion on his own way. At hindi iyon napansin ni Kyrion dahil lulong din ito sa sariling emosyon.

Ang masayang bagay na nangyari sa pagkalasing niya ay nang managinip siya na hinalikan ni Kyrion sa labi. At sa panaginip na iyon ay ito ang nagsimula at hindi ibang tao ang nasa isip nito kundi siya.

The moment was bewildering and he had the most of it. Sinulit niya ang pagkakataon na muli itong mahalikan. Mula nang matikman niya ang labi at halik ni Kyrion ay naging laman na iyon ng pantasya niya. Lagi siyang nananaginip na naghahalikan sila sa panaginip ngunit sa mga iyon ay siya ang unang kumikilos. Naiiba ang kagabing panaginip at kahit na gising siya ay hindi nawaglit sa kanya.

"A penny for your thought?"

Nagising siya mula sa pag-alala ng halik nang marinig ang boses ni Kyrion. Tiningnan niya ang lalaki. Nakatayo ito malapit sa pinto ng kusina at nakatingin din sa kanya. Nagtama ang tingin nila.

Hindi maiwasan na makadama siya ng hiya kaya agad siyang nag-iwas ng tingin.

"May iniisip ako." Aniya saka pinagpatuloy ang ginagawa.

"Halata nga," anito. "Anong niluluto mo?" Tanong nito sabay lapit sa kanya.

Nagdikit ang balat nila at parang may elektrisidad na tumulay kaya lumayo siya kaagad na ikinalito nito.

"May problema ka ba?"

"Wa-wala."

Seryosong tingin ang binigay nito sa kanya. "Sigurado ka ba? Parang ayaw mong madikit sa akin samantalang kagabi kung halikan mo ako parang wala ng bukas."

"A-ano?!" Gulat niyang tanong. Nanlaki ang mata. "A-anong sinasabi mo?"

Ngumiti ito. "We shared a kiss last night." Parang wala lang rito ang nangyari. Cool na cool ito samantalang siya ay nasa panic mode na.

Hindi panaginip ang halik. Totoo iyon. Ngunit ang pagkakasabi ni Kyrion ay parang siya ang nag-initiate at hindi ito. Dumoble ang kaba niya na sinabayan ng takot nang sumagi sa kanya na baka galit ito. Hindi niya maaatim iyon. Ayaw niyang magalit ito sa kanya.

"I-I'm sorry," paumanhin niya.

"It was nothing," balewalang sagot nito.

Dapat matuwa siya pero hindi niya magawa. Kabaliktaran ang nararamdaman niya. Mukhang wala ritong dating ang halik na pinagsaluhan nila. Nasasasaktan siya sa isipin na wala ito ni katiting na pagnanasa sa kanya. Malabo talagang magkaroon sila ng 'tayo' nito sa aspetong romantikong relasyon.

From Reel to Real Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon