[ CHAPTER 7 ]

52 8 10
                                    

[ Chapter 7 ]

[ Positive Side of Being with His Side ]

THINGS went smoothly for Rion and he was thankful for that. Maliban kina Cecil at Matt ay wala ng umusisa sa 'relasyon' na mayroon sila ni Kyrion Jay. Tikom ang bibig ng mga ito ngunit ramdam niya pa rin ang tinginan ng ibang staff na gustong umusisa.

Throughout the photoshoot, Kyrion was on his side. Nakaalalay ito sa kanya kaya naman ilag ang mga staff sa kanila. What happened only show how powerful the man is.

Kahit si Reylan ay ilag kay Kyrion. Hindi na rin siya nilapitan ng lalaki katulad ng ginawa nito kahapon. Kung may sinasabi man itong puna sa kilos niya sa harap ng camera ay parang maamong tupa. Ang bawat instruction na binibigay nito ay sa malumanay na paraan at pinuri pa siya sa mga posing niya.

Tama talaga si Kyrion Jay na ang pagdikit dito ay may dalang positive side at thankful siya roon. Hindi na rin siya masyadong awkward at kahit papaano ay nadagdagan ang confidence niya. Pero siyempre, hindi niya iyon pinapahalata kay Kyrion Jay. Ayaw niyang bigyan ito ng rason para magbunyi dahil sa tama ang sinabi nito.

"Lets go to our room." Mula sa kanyang cellphone, napatingin si Rion kay Kyrion Jay. Ka-text niya si Henri at kinukumusta ang kaibigan pati na ang mama niya.

Katatapos pa lang nilang kumain sa restaurant ng hotel kasama ang ilang staff at model. Nagpapahinga sila pansamantala.

Hindi na kailangan ni Rion na tingnan ang mga kasamahan. Sa lakas kasi ng boses ni Kyrion ay rinig na rinig ng mga ito ang pagyaya sa kanya ng lalaki. Now that they finished their job his co-model and the staff were all in friendly ambience. Nawala pansamantala ang air or professionalism at parang mga bata na nagtutuksuhan kanina pa. And now, because of what Kyrion Jay said, sila na ang center of attention ng mga ito.

"Eight thirty pa lang. Maaga pa. Mamaya na kayo pumunta sa kwarto niyo, Kyrion Jay. Excited ka naman masyadong masolo si Rion." Nanunuksong sabi ng isa sa mga staff. The other staff chimed in.

May panunukso sa boses ng mga ito kaya hindi na siya nakaimik. Lihim na lang siyang napapailing. Si Kyrion naman ay wala man lang sinasabi kaya hindi na rin siya nakatiis.

"Siguro pagod na si Kyrion kaya nagyayaya na umalis, hindi ba?" May pagbabanta na tiningnan niya ito na ikinangisi nito. Being alone with him was a big no for him right now. Kahit hindi naman kasi sabihin ng mga kasama nila, ang pinupunto ng mga ito na pagpunta nila sa kwarto na inuokupa ni Kyrion ay para magkaroon sila ng alone time at gawin ang bagay na ginagawa ng mga intimate couple.

"He's right. Napagod ako kaya gusto ko nang pumunta sa room namin. I need to rest but I like Rion on my side before that."

Umugong ng malakas na tuksuhan ang sinabi nito. "You really love Rion, Kyrion. Parang ayaw mo na siyang mawala sa paningin mo."

"Yes. Gustong-gusto ko siya kaya gusto kong palagi na kasama siya." Kyrion looked at him with loving eyes and the crowd cheered again.

"Hindi ko akalain na ang seryosong katulad mo ay may sweet bone sa katawan. Parang gusto ko na rin tuloy magkaroon ng love of my life."

"You'll get one when the right time comes." Panggagatong pa ng lalaki.

"By the way, paano pala kayo nagkakilala? How your love story begun?"

Hindi na siya umiimik dahil si Kyrion Jay naman ang 'bangka' pero hindi nagsalita ang lalaki. Napatingin tuloy siya rito mula sa pagte-text. Nagtatanong ang kanyang tingin ngunit ang lalaki ay binalewala lang siya. Mula rito ay tumingin siya sa kasama nila na nasa kanya na pala ang atensyon.

From Reel to Real Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon