[ CHAPTER 36 ]

34 6 21
                                    

[ Chapter 36 ]

[ Plan, Warning, Reconciliation ]

"ARE you really sure about this?"

Blangko ang tingin na bumaling si Kyrion kay Tephion. Hindi niya alam kung maiinis o matatawa ba sa kaibigan sa tanong nito sa kanya.

"Pang-ilang beses mo na 'yang tinatanong sa akin? At sasagutin ulit kita, I'm hundred percent sure about this. Ito lang ang naiisip kong paraan para maprotektahan si Austin. Alam mo naman ang threat na dala ni Sophia sa amin."

Ang sinasabi nitong plano ay tungkol sa pagsisinungaling niya kay Austin tungkol sa kalagayan ni Yaya Gracia upang mapabalik ito sa probinsya. Alam ni Austin ang lugar dahil doon ito namalagi ng isang taon.

Alam ni Kyrion na mali ang gagawin niya pero desperado na siya. Mapapanatag siya kung kasama niya ito at matitiyak na malayo sa gulo na dala ni Sophia. Sophia which had a new identity and called Aleah Perez now. Through Tephion nalaman niya ang pinagagawa nito sa sarili upang hindi mahuli ng mga pulis at malayo sa imbestigasyon. The lady was really cunning. Gagawin nito ang lahat para makuha nito ang gusto.

"Alam ko naman 'yon, pero, 'yon ba talaga ang dapat mong gawin? Pwede mo namang sabihin sa kanya ang totoo. Hindi ba tinext mo na siya dati na mag-iingat. Maybe he will listen to you."

"Maybe? Sa iyo na rin nanggaling ang salitang yan. We are not sure that he will listen to me. Mas mabuti na 'to. Yaya Gracia and Austin were close."

Napailing-iling na lang ito. "Bahala ka na. Ikaw naman ang malalagay sa gusot at hindi ako. By the way, kumusta naman ang relasyon mo kay Rion ngayon? Are you good now?"

"We're always good naman. Hindi naman kami nag-aaway. We're in talking terms also." Yeah, he and Rion were in talking terms. Sa set up nilang dalawa ay malaya silang sabihin ang nilalaman ng isip. Knowing that Rion knows the truth ease a big burden to him. He was at ease now. He can easily confide things to him also.

"Hindi ka sigurado dyan. Nawawalan ka na ng oras sa kanya. You two are in a relationship now."

"Hindi kami sa relasyon. We're just friends and we're both have the benefits to it."

"Alam mo naman na mahal ka nu'ng tao."

"Alam ko 'yon kaya hindi ko siya sinasamantala."

"Hindi sinasamantala? You're taking advantage at him. Alam mong mahal ka niya kaya madalas mo siyang itsapwerahin at ikaw lang palagi ang may upper hand sa inyo."

Totoo ang sinabi nito. Kahit sabihin niya na hindi niya sinasamantala si Rion ay iyon na rin ang nangyayari. Madalas niyang naiitsapwera ito dahil na rin sa pag-aalala niya kay Austin at sa pag-iisip ng paraan para mahuli na nila si Sophia. Rion was always being an option. Hindi niya ito nabibigyan ng sapat na panahon at hindi na sila masyadong nakakapag-usap. Hindi niya rin alam ang saloobin ng lalaki tungkol sa mayroon sila at sa mga kinukwento niya rito tungkol kay Austin. May reply naman ito palagi ngunit palaging word of encouragement lang iyon.

"I will settle things with him when all of this matter are over."

"Pa'nong settle ang mangyayari? Magiging boyfriend-boyfriend na ba kayo o tatapusin mo ang relasyon niyong friends with benefit?"

"Saka ko na 'yon iisipin." Sagot niya. "Mag-focus muna tayo sa plano ko."

"Ano pa nga ba," anito sabay kibit ng balikat. "Pero dapat i-clear mo ang bagay-bagay sa pagitan niyong dalawa. Alam mo naman ang kasabihan na nasa huli ang pagsisisi. Baka pagsisihan mo ang lahat ng ito kapag napuno sa 'yo si Rion."

From Reel to Real Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon