[ CHAPTER 29 ]

54 7 14
                                    

Author's Note

Pasensya na po sa kabagalan ng author sa pagsusulat.



[ Chapter 29 ]


[ Pursue Him/ Distraction ]




HINDI na nasundan ang pag-uusap nila ni Kyrion. Naging abala sila pareho sa shooting at paulit-ulit na take ng scene. Nilagari na kasi ni Hendrix at ng ibang direktor ang ginagawa nila dahil may mga commitment pa ang mga ito na dapat gawin. Bukod doon ay napansin din ni Rion na may ibang bagay na pinagkakaabalahan si Kyrion. Kapag nasa bahay sila ay parang ang lalim lagi ng iniisip nito at lumilipad iyon sa kung saan. Hindi naman niya magawang mag-usisa dahil halata naman sa lalaki ang pag-iwas sa kanya. Tuwing gagawin iyon ni Kyrion ay napapabuntung-hininga na lang siya.

Wala pa ring progress ang ginagawa niya dahil na rin dito at sa commitment nila. Ang mga simpleng bagay na ginagawa niya noon para rito ay hindi na niya nagagawa. He was leaving the house at exactly five a.m. in the morning. Hindi na niya ito naipagluluto at hindi na sila nakakapag-usap. Tuwing gabi naman ay alas onse na sila natatapos at plakda siya palagi sa higaan kahit na hindi pa nagpapalit ng damit.

"Kanina mo pa sinusundan ng tingin si Kyrion. Anong meron?"

Mula sa pagtingin kay Kyrion ay bumaling si Rion kay Henri. Nakaupo ito sa tabi niya at kumakain ng junk foods. They were currently at the set and taking an hour break.

"Hindi ko maiwasan."

"Hindi mo maiwasan?" Kunot-noong tanong nito. "Masyado ka na bang lulong dyan sa feelings mo para sa kanya?"

"Oo. Nag-decide na rin ako na ipu-push ang nararamdaman ko sa kanya."

Nanlaki ang mata nito sa sinabi niya. Hindi na nakapagtataka ang reaksyon nito dahil ngayon lang niya naikwento dito ang desisyon. Henri was also busy on his personal affairs and they don't have enough time to have a small talk.

"Seryoso ka dyan? Ano ang nangyari at ipu-push mo na 'yan?"

"Some things happen." Ikinwento niya rito ang mga nangyari sa nakaraang araw.

"Nag-meet the father ka na pala and kaya mo gagawin ang mga 'yan dahil may approval sa kanya."

"Oo."

"If that will make you happy, support na lang ako sa 'yo." Nakakaunawang sabi nito.

"Salamat. Sapat na ang suporta mo para gawin ko talaga 'to. I'll make him fall for me even it will take time."

"Tama. It will take time talaga. Mahirap palitan ang isang tao na may malalim na kaugnayan sa taong gusto mo." Sabi nito na muli niyang sinang-ayunan. "Siyanga pala, yung kuya mo nakita ko nu'ng isang araw sa may amin."

Napatingin siya rito. "Nakita ka ba niya?" Tanong niya. Agad na tumubo ang kaba sa dibdib niya. Alam naman niya kasi ang kapasidad ng kapatid. Kaya nitong gawin ang lahat para lang makuha ang gusto. Hindi nga siya nito tinitigilan sa tawag o text. Kung ano-ano ang sinasabi nitong masasamang bagay sa kanya.

"You don't need to worry. Hindi niya ako nakita saka hindi niya rin naman alam kung saan eksakto ang bahay ko. Maaasahan ko ang mga kapitbahay ko."

"Mabuti naman," nakahinga nang maluwang na sabi niya. "Pero para safe ka, doon ka na lang muna sa bahay ni Kyrion. Open naman ang imbitasyon sa 'yo ni Kyrion na mag-stay doon."

"Ayoko nga," agad nitong sabi. Mariin. "Mas okay ako sa bahay ko. As I've said, you don't need to worry about me. Ikaw ang dapat na mag-ingat sa ating dalawa. Alam natin pareho ang kayang gawin ng kuya mo. Sure ako na umuusok na ng bongga ang ilong nu'n sa kahahanap sa 'yo at kay Tita."

From Reel to Real Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon