[ Chapter 42 ]
[ Longing ]
KUNG hindi pa napigilan ng mga taong nasa loob ng kwarto ni Austin si Theo ay baka sobrang pagkabugbog na ang nangyari kay Kyrion.
Hindi niya mabilang kung ilang suntok ang natanggap mula sa lalaki.
Ilang araw na rin mula nang dumating ito sa ospital at sa mga araw na nandoon ito ay wala si Kyrion dahil sa trabaho. Nang malaman niya mula kay Austin na nasa ospital si Theo at binabantayan ito ay sinadya niyang hintayin ito. Katulad ng inaasahan niya ang nangyari. Nabugbog siya nito at hindi siya nanlaban.
"Sa tingin mo ba maaawa ako sa 'yo dahil hindi ka lumalaban. Mali ka doon, gago! Hindi pa ako nakakaganti sa 'yo. Dalawang beses mo na 'tong ginawa! Napakagago mo! Hinding-hindi ako matutunawan sa mga kagagawan mo!" Malakas na sabi nito. Pilit na kumakawala sa pagkakahawak nina Tephion at Zephion.
"Hindi ako nagpapaawa. I know that I deserve those punches. Hindi ako lumalaban. 'Sadya 'yon para makaganti ka sa kagaguhan ko." Sabi niya. Napapangiwi. Iniinda niya ang sugat sa labi dala ng suntok nito. His right cheek is also aching because of that. Maliban sa mga galos sa mukha ay masakit din ang katawan niya na tinamaan ng kamao nito.
"'Buti alam mong gago ka! Sa kagaguhan mo marami ang nadamay. Pasalamat ka na lang talaga at maayos na si Austin. Kung hindi pa siya stable, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa 'yo!" Akmang susugod pa ito ngunit natigil dahil sa pagsigaw ni Austin.
"Tumigil ka na, Theo! Hindi na mababago ang mga nangyari kahit gulpihin mo si Kyrion." Pagsaway nito.
Tumingin sa kanya si Austin. Nasa mata nito ang awa at paumanhin sa ginawa ng kasintahan nito.
"Umalis ka na muna, Kyrion," anito.
Hindi siya nagdalawang-isip na lumabas ng kwarto nito. Dumiretso siya sa kwarto ni Rion.
Umupo sa upuan na nandoon. He was aching all over.
He deserved all the pain that he was feeling right now. Physically and emotionally. But between the two, he was more hurting emotionally.
Tiningnan niya ang mukha ni Rion. His Rion that still in comatose state and even the doctor doesn't know when will he wake up. He was longing for him. He miss him so much.
Kadalasan naiisip ni Kyrion ang mga senaryo kasama ito. Ang mga what ifs na pwedeng mangyari sa pagitan nila. Naiisip niya rin kung hindi ba ito nasa ganitong sitwasyon, mare-realize ba niya na ito na ang mahal niya at hindi na si Austin. The accident made him realise his true feelings and also gave him too much heartache.
"Kailan ka magigising, Rion? Miss na miss na kita. I miss your smile. I miss your voice. I miss the way you look at me. Gusto ko na ulit marinig ang boses mo at marinig ang salitang 'I love you' mula sa 'yo."
He started crying his heart out. Ang mga alaala na kasama ito ay mistulang pelikula na paulit-ulit niyang nire-replay sa isip.
"I miss every moment when I'm with you. Gusto ko nang maulit ang mga 'yon. Gusto na kitang mayakap ng mahigpit. Gusto kong madama ang yakap mo. I miss your warmth. I miss making love with you. Please, gumising ka na. Hindi man ngayon, pero, sana gumising ka. I'll wait for you."
Nagkaroon ng tunog ang mahina niyang pag-iyak. Pinunasan ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi.
"Kapag nagising ka, babawi ako sa 'yo. I'll make you the happiest. I'll give my everything to you. Babawi ako sa mga pagkukulang ko sa 'yo. Hindi na kita babalewalain. I'll focus my attention to you, solely to you."
BINABASA MO ANG
From Reel to Real
RomanceNagsimula sa kasinungalingan. Napunta sa likod ng camera. Ano kaya ang mangyayari sa dalawang taong hindi magkatugma na kailangang magpanggap sa harap ng ibang tao lalo na sa camera? Pwede kaya silang magkasundo at mauwi ang hindi pagkakaunawan sa...