[ CHAPTER 31]

54 8 15
                                    

[ Chapter 31 ]



[ Consoling Him ]



RION was beyond shock when he saw the person who grabbed him and pulled him away from Kyrion. It was no other than his brother.

“Dito lang pala kita mahahanap. Putangina!” Galit na sabi nito.

Nagpumiglas siya mula sa pagkakahawak nito. “Bitawan mo ko, Kuya!”

Hindi ito nakinig, sa halip ay hinila siya paalis, palabas ng bar. Dahil sa pagpiglas at walang habas na paghila ng kapatid sa kanya ay naging sentro na sila ng atensyon. Kung may pakialam siya, ang kapatid ay wala.

Natigil lang ito sa paglalakad nang maramdaman nito na may humihila sa kanya pabalik.

Galit itong lumingon sa kanya saka kay Kyrion. Namumula ang mukha nito sa galit. Anumang oras ay pwede itong sumabog at lumikha ng gulo.

“Bitawan mo si Rion, gago! Wala akong pakialam kung may relasyon kayong dalawa o ano pa. Kailangan naming mag-usap.”

“Hindi ko siya bibitawan.” Matapang na balik ni Kyrion. “I know that he’s your brother but you don’t have any right pulling him away from me.”

“Wala akong pakialam, putangina mo! Hindi ka kasali sa pag-uusapan namin kaya huwag kang makikisawsaw! Tangina kang gago ka!”

“Tangina mo ring gago ka!” Ganti ni Kyrion saka siya hinila.

Nabitawan siya ng kapatid at dahil doon ay napasubsob siya sa solidong katawan ni Kyrion. Agad naman siya nitong inalalayan.

“Dito ka sa likuran ko,” anito saka pumagitna sa kanilang magkapatid. “Anong gusto mo? Kailangan mo ba ng pera ulit? Magkano at ibibigay ko sa 'yo. Huwag mo lang guluhin si Rion.”

“Wala akong pakialam sa pera mo. Ang kailangan ko ang kapatid ko!”

“Hindi ka kailangan ni Rion. Puro gulo lang naman ang binibigay mo sa kanila.”

“Kailan ka pa naging speaker ng kapatid ko? Huh? Hindi ka parte ng pamilya namin. Huwag kang pumapel na akala mo kung sino ka.”

“I’m his boyfriend.”

“Boyfriend ka pa lang, gago! Wala kang karapatan maki-eksena sa amin. Huwag kang magtago sa lalaking 'to, Rion, sumama ka sa akin kung ayaw mong may mangyaring masama dito ngayon. Kilala mo ako. Isa.” Pagbabanta nito.

Napapikit si Rion dala ng pagkakaipit sa sitwasyon. Ayaw niyang sumama rito ngunit alam niya ang kapasidad nito. Hindi ito titigil hanggang hindi nakukuha ang gusto. Ilang beses na nitong ginawa ang ganitong eksena noon.

“Dalawa,” pagbibilang nito. “Talagang hindi ka pa dyan lalabas,” anito saka binalibag ang malapit na upuan.

What his brother did cause commotion. Ang mga taong nakapaligid sa kanila ay nagtilian lalo na ang direksyon ng mga taong muntik na na matamaan.

“Tatlo.” Muli nitong binalibag ang upuan. This time sunod-sunod nitong ginawa iyon.

Nagwala ito. Lalapitan sana ito ng mga security at bouncer ngunit hindi malapitan dala ng pagtatapon ng mga kung ano-ano sa mga ito. Sinuntok din nito ang nakalapit ditong bouncer.

From Reel to Real Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon