[ CHAPTER 20 ]

55 11 10
                                    

[ Chapter 20 ]



[ Warm Hug, Sudden Heat ]



RION was chosen as the main lead when the result came out. Formality na lamang iyon para sa ibang nag-audition dahil planted na ang lahat. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa at tanggapin na lang ang sitwasyon o magalit dahil sa manipulasyon na ginawa ni Kyrion.

Nang bumisita sa kanila si Hendrix ay sinabi na nito sa kanya ang plano. He just need to be there to audition for the role. Kailangan niyang ipakita ang galing niya para makita ng iba. He needs to know the nuances of the character. He needs to be in the character.

Sinunod na lang niya ang mga ito dahil wala naman na siyang magagawa. Mas nanaig pa rin sa kanya ang hangarin na magkaroon ng malaking kita at makatulong sa mama niya kahit na hindi katanggap-tanggap ang paraan.

Sinang-ayunan din ni Henri ang lahat. Initsapwera na nito ang dangal para sa kanya dahil alam nitong makakatulong iyon sa career niya.

Kahit na scripted ang mga bagay, he did his best. Pinakita niya sa mga taong nandoon na napag-aralan niya ang karakter at in-character siya noong audition. His audition piece was applauded. Nakita niya ang paghanga sa director, casting director pati sa producer na nandoon. Pero sabi niya nga, hindi niya mapigilan ang magkaroon ng mixed emotion. He know that he did his best, but still the fact remain that he cheated.

Napabuntung-hininga siya.

"Don't think about negative things. Look for the bright side. You did your best and you deserve it."

Mula sa pagmumuni-muni, tiningnan niya si Kyrion. Nakaupo na ito ngayon sa steel chair, malapit sa kinauupuan niya.

"Hindi 'yon maiiwasan." Maiksing sagot niya rito.

"Hindi nga maiiwasan pero pwedeng pigilan. If you keep thinking about it you'll just be sad and you will keep thinking that you cheated."

"Hindi nga yon maiiwasan," pakli niya. "Nandaya naman talaga kasi ako kahit na ginawa ko naman ang best ko sa audition. Nakaplanta na ang mangyayari."

"Pero ginawa mo pa rin ang best mo," pag-i-insist nito. "Pinag-aralan mo yung character. You are in the character when you auditioned. Nagawa mo rin yung ibang task na pinagawa sa 'yo ng producer at nagawa mo naman 'yon with flying colors."

Tama naman ito. Nagawa niya ang pinagawa ng producer na taliwas sa karakter na pino-portray niya. He portrayed the emotion and character well.

Alam ni Kyrion ang mga naganap sa araw ng audition dahil nandoon din ito at nag-audition din para sa karakter ni Liam.

"Nakita at alam mo din naman na ginawa ko ang best ko kahit na alam na natin ang outcome niyon," sabi ni Kyrion mayamaya.

"Nakita ko." Yes, he saw Kyrion's audition. Bilib nga siya rito dahil natural ang pag-arte nito sa karakter ni Liam. Hindi ito nahirapan at nakatanggap pa nga ng magagandang compliment.

"I also did my best to that audition. Worth it ang acting workshop ko."

"Nag-acting workshop ka?" Gulat na tanong niya. "Kaya ka ba laging wala dahil nag-workshop ka?"

"Oo. Ba't gulat na gulat ka?"

"Hindi ko maiwasan." Sagot niya. Now he knew the answer why this guy was always not in the house. Nag-workshop pala ang loko.

"Kailangan kong mag-workshop para hindi ako mapahiya. Saka alam ko na gagalingan mo rin."

"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin na nag-workshop ka?"

From Reel to Real Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon