[ Chapter 19 ]
[ Pulling Some Strings ]
"IIKOT ang istorya sa dalawang bida. Si Liam, anak-mayaman. Cold, arrogant and act like he could bought everything with his money. Ngunit ang totoo ay facade lang iyon dahil nagtatago ang malungkot, nag-iisa at naghahanap ng kalinga na lalaki."
"I see. Tama ka pala talaga na match sa akin ang character niya. 'Yung totoo, Hendrix? Sa akin mo ba kinuha ang character niya?" Tanong ni Kyrion sa kaibigan.
Pumunta siya sa pag-aari nitong condo ng hapon na iyon upang pag-usapan ang tungkol sa series na idi-direk nito. Bago siya magpunta ay tumawag muna siya at sinabing may pag-uusapan silang dalawa at iyon nga ang tungkol doon.
"Oo, base nga iyon sa 'yo. Pero hindi naman lahat. Magandang ganoon ang karakter ng bida tapos mag-iiba siya kasi nakilala niya 'yung kapareho niya."
"Ano naman ang characteristics ng kapareha niya?"
Hindi makapaniwalang tingin ang binigay nito sa kanya. "Seriously? Hindi mo binasa ang script? Nakakaloko ka! Akala ko pa naman pumunta ka rito dahil interesado ka pero hindi pala. Gusto mo lang magtanong ng kung ano-ano."
"Just answer my question." Sabi niya imbes na pansinin ang pag-aaburido nito.
Pumalatak ito. "Kung hindi ka lang talaga VIP, hindi ko 'to gagawin." Reklamo nito. "'Yung kapareha niya si Ram. Ram is a family oriented guy. Mabait, matulungin, uunahin ang pamilya at bright ang personality. Malayo at sobrang kabaliktaran ni Liam."
By just hearing it, si Rion agad ang sumagi sa isip niya. May pagkatulad ang karakter at ugali ng lead dito.
"Ano pang gusto mong malaman?" Tanong ni Hendrix. "'Yung setting ba? O kung pa'no sila nagkakilala? 'Yung mga side characters? Supporting? Mga artista na gaganap? Lubus-lubusin mo na ang tanong para matapos na tayo. May pupuntahan pa ako." Sunod-sunod nitong sabi.
"Marami pa akong gustong malaman. Sino-sino ang mga gaganap sa main lead?"
Sinabi nito ang pangalan ng mga gaganap. "Settled na ang lahat. Tapos na ang pre-production kaya wala kang dapat ipangamba."
"Gusto kong palitan mo ang mga main lead."
"Sinasabi mo? Hindi ba sinabi ko na sa 'yo na tapos at settled na ang pre-production. Nag-casting na kami. Nag-rehearsal at na——"
"Ako na ang bahala sa pera. Bayaran mo na lang ang mga na-hire niyo at i-explain mo ang mga dapat i-explain."
"Napakagago mo. Hindi 'yun ganoon kadali. May news na rin tungkol sa kanila na gaganap doon sa roles."
"Just do it. Wag ka nang magreklamo."
"Sino ang gaganap kung papalitan sila, aber? Perfect na sila sa role."
"Ako."
Napanganga ito. "I-ikaw?"
"Yes. I'm accepting the offer now. I'm perfect for Liam at para naman kay Ram. Ipalit mo sa actor na 'yon ang gaganap na kaibigan ng bida. You know Rion Salcedo, right?"
"Tangina mo! Gulo ang pinapagawa mo sa kin." Aburidong sabi nito. Frustrated na nakatingin sa kanya.
"Gawin mo na lang."
"Marami ang lalabas na balita sa pinapagawa mo sa akin. Pwedeng magtanong din ang mga tatanggalin ko. Pwedeng ma-tsismis si Rion. At pwedeng pagsimulan din 'yon ng balita tungkol sa relasyon niyong dalawa."
"Gawan mo ng paraan. Ilan ba ang kailangan na pera para mabago ang lahat at mapatahimik ang dapat patahimikin?"
Naiiling na lang ito. Hindi na nagsalita at sa mukha ang pagsuko. "Gago ka!"
BINABASA MO ANG
From Reel to Real
RomanceNagsimula sa kasinungalingan. Napunta sa likod ng camera. Ano kaya ang mangyayari sa dalawang taong hindi magkatugma na kailangang magpanggap sa harap ng ibang tao lalo na sa camera? Pwede kaya silang magkasundo at mauwi ang hindi pagkakaunawan sa...