[ CHAPTER 38 ]

36 9 13
                                    

[ CHAPTER 38 ]

[ Confrontation, Running Away ]

"WHAT made you change your mind? Ang akala ko hindi mo isasama si Rion dito sa probinsya? Bakit nandito siya ngayon? Hindi mo ba naisip na pwede silang magkita na dalawa?"

Napatingin. Natigilan. Hindi alam ni Kyrion kung ano ang isasagot kay Tephion. Dalawang araw na silang nasa probinsya at kadarating lang nito ngayon para balitaan siya ng mga bagay na may kinalaman sa plano nila. Gusto nitong makausap siya ng personal kaya sinadya talaga nito ang pumunta.

"Hindi 'yon sumagi sa isip ko. Ang gusto ko lang malayo si Rion sa panganib at gusto kong nasa tabi ko siya. Hindi ako mapapanatag na hindi siya kasama rito. Hindi ko naisip ang pagkikita nilang dalawa. The truth is, it never occured in my mind."

Pumalatak ito. "Why are you being reckless, Kyrion? Alam mo na pwedeng magkagulo. At 'pag sinabi kong magkagulo, hindi ito pagitan ni Rion at Austin. Sa pagitan na 'to ng grupo ni Sophia at grupo natin kasama sina Jan. You focus your attention too much to Austin that made you neglect Rion."

"Stop the preaching." He said with annoyance.

Ang mainis, hindi dito, kundi sa kanyang sarili ang nadarama niya ngayon. Tama naman kasi ito. He neglected Rion too much. Hindi niya naisip ito. Ang mahalaga lang sa kanya ay makita ito pero hindi niya naisip na pwede rin itong malagay sa peligro kahit kasama siya.

"Hindi ko mapigilan, Kyrion. Alam kong kaibigan kita pero mali itong ginawa mo. Nadamay na siya sa gulong ito at posible pang--"

Hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil sumabat na siya. "Si Austin ang mahalaga ngayon. Siya ang target ni Sophia. Siya na muna ang iisipin ko. I will deal my problem with Rion when all of this is over."

Napailing-iling ito. "If Zephion is around. I bet that he would hit you many times. Pasalamat ka at ako ang kasama mo."

"I know that. Huwag na muna nating problemahin si Rion. I'll talk to him later." He said. Pareho silang napatingin nito sa pinto ng umingit iyon. "I'll explain things to him. Maybe it is better if I will bring him to my other house." Sabi niya. Hindi pinansin ang paggalaw ng pinto.

"Mas mabuti pa nga. Alagaan mo ang totoong taong nagmamahal sa 'yo, Kyrion. Baka pagsisihan mo ang mga ginagawa mo ngayon."

Hindi na niya pinansin ang sinabi nito. "Mamaya darating si Austin. Maghahanda na ako."

"Mas mabuti pa nga." Sang-ayon nito.



ALAM ni Rion na wala siyang karapatang magselos o makadama ng galit sa kanyang sitwasyon dahil ito ang ginusto niya. He was the one who get himself in trouble and that trouble was falling deeply inlove with Kyrion.

Matagal na niyang kinikimkim ang sakit. Pagkatapos nilang magtalik noong nakaraan ay aaminin niya na na-disappoint siya ng sobra sa hindi nito pagsagot kahit na pasasalamat man lang. At ngayon na nalaman niya ang dahilan kung bakit nasa probinsya sila ni Kyrion kasama si Isang at ang mama niya ay hindi na niya mapigilan ang hinanakit at sama ng loob para sa lalaki. Pakiramdam niya ay puno na siya. Hindi na niya kayang kimkimin ang nararamdaman ngunit mas pinili niya ang umalis at ilabas ang nararamdamang galit sa garden ng bahay.

Ang buong akala niya nandito sila para magbakasyon. He thought that going here will be his and Kyrion alone but he was wrong. Nandito siya dahil gusto lang siya nitong makita ngunit ang isip at puso nito ay walang ibang nakikita at laman kundi si Austin. Yeah, all of this things are for Austin alone. Nadamay lang naman siya dahil kargo siya nito at ayaw nitong may mangyaring masama sa kanya. Ayaw nitong madamay siya. Dagdag bagahe lang naman siya pati ang mama niya.

From Reel to Real Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon