[ CHAPTER 28 ]

51 7 13
                                    

[ Author's Note ]

I'm kind of busy these few days. May temporary kasi akong trabaho kailangan kong tutukan iyon. Kung friend nito ako sa FB, you can see it there. Hahaha.

Pasensya na po kayo at ito lang ang nakayanan ko. My plan was to add another scene pero di kinakaya ng powers ko ang magbabad ng matagal sa harap ng cellphone, kahit nga sa k-dramas, hindi rin.

Sana po ma-enjoy niyo pa rin ang kwento kahit na may kaiksian ang chapter na ito.

Salamat!



[ Chapter 28 ]



[ Torn / Return ]




"BAKIT kanina ka pa tahimik?" Hindi na nakatiis na tanong ni Rion kay Kyrion. Kahihinto pa lang ng sasakyan nila sa parking area ng bahay nito nang magsalita siya. Sa durasyon kasi ng biyahe ay kapansin-pansin ang katahimikan nito. Hindi siya nag-uusisa kanina dahil abala ito sa pagmamaneho at mas gusto niya na makapag-focus ito.

Tumingin ito sa kanya. "I'm just tired," rason nito.

"Pagod ka saan?" Nagtatakang tanong niya. Nang matapos siya makipag-usap sa daddy nito ay agad din itong nagpaalam na uuwi na sila. Kanina napansin na niya ang pag-iiba ng aura nito. Parang may bagay itong nalaman at hindi alam kung paano haharapin o reresolbahin.

Earlier, Rion was expecting for Kyrion to asked nonstop questions about the things that he and his father talked about. Tahimik lang ito at parang malalim ang iniisip. Hindi rin siya manhid upang hindi mapansin na hindi nito magawang salubungin ang mga tingin niya. Katulad na lang ngayon, tiningnan lang siya nito ng saglit saka tumingin ulit sa harapan.

"Basta pagod ako," sagot nito. "I think I need to rest for a while. Pumasok ka na. I'll stay here first."

Dumaan ang pag-aalinlangan sa kanya. He wanted to stay but he knew that he can't do it. Kahit na nag-aalala siya rito ay hindi naman niya pwedeng ipagpilitan ang gusto.

He sighed then open the door. Palabas na siya nang magsalita si Kyrion.

"Is there a chance that you can fall for me?"

Natigilan siya sa tanong nito. Napatingin dito.

"Gusto mo ba ng honest answer?" Balik-tanong niya.

"Any answer will do."

"What if I tell you that I already fell for you? Na nandito ka na sa puso ko at ikaw ang sinisigaw nito. Ano ang gagawin mo?" It was a hypothetical question at front but it made his heart pound crazily. His emotion was in turmoil. It was a mixture of nervousness and hope.

Natigilan ito. Tiningnan siya saka nag-iwas ulit ng tingin. "Hi-hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. If that was the case, then stop it. I know what I'm saying is absurd but I will still say it. Don't fall for me because I can't love you back. You're just hurting yourself. Alam mo na may iba akong gusto."

Nasaktan siya sa sagot nito. Mukhang hindi talaga pwedeng maging sila. Hindi magkakaroon ng 'tayo' sa kanilang dalawa. Kyrion was still madly in love with Austin. Hindi niya mapapalitan sa puso nito si Austin.

"Don't do anything if that is the case," sabi niya. He was trying to swallow the lump that suddenly built on his throat. Para siyang maiiyak sa diretsahang sagot nito. "Ako naman ang masasaktan at hindi ikaw. Huwag mong iisipin ang nararamdaman ko dahil ako ang nahulog at hindi ikaw. Responsibilidad ko ang nararamdaman ko and you are out of it."

"I just don't want yo—-"

"What if I tell you that I'm accepting your offer?"

"My offer?" Naguguluhan na tanong nito.

"That we can be friends with benefit. I'm willing to be your fuck buddy now."

"Why now?" Tanong nito ng may paghihirap.

"Anong why now?"

"Bakit ngayon lang kun—" Natigilan ito. There was conflict on his voice. Parang nag-iisip din kung itutuloy ba ang sasabihin o hindi. "Pwede bang huwag muna nating pag-usapan." Sabi nito. "Kailangan kong mag-isip."

Rion was hurt. Taliwas sa reaksyon na inaasahan niya ang reaksyon nito. Ang akala niya ay magkakandarapa ito na makuha ang gusto. Akala niya ay magiging masaya ito sa pagpayag niya. But he needs to set aside that hurt and to focus. May mali sa sitwasyon nila ngayon. May kung anong bagay ang bumabagabag kay Kyrion at hindi nito masabi iyon sa kanya.

"Papasok na ako." Paalam niya rito.

Tango ang naging tugon nito.

Habang naglalakad papasok sa bahay ay hindi maiwasan ni Rion ang mag-isip. Binabagabag siya sa biglang pagbabago ng reaksyon ni Kyrion. Ang buong akal niya ay matutuwa ito sa pagpayag niya pero hindi iyon ang nangyari. He was curious on the reason of Kyrion's behaviour. Habang kausap niya ang daddy nito ay may nangyari rito at hindi nito iyon masabi sa kanya.

Gusto niyang malaman kung may kinalaman ba siya doon. Gusto niyang malaman kung siya ba ang dahilan ng pagbabago nito. Alam niya na malabo niyang malaman ang rason nito, ganunpaman ay ise-set aside na muna niya iyon at gagawin ang gusto ng daddy nito.

He is willing to take risk. While being his fuck buddy, he will make sure to make Kyrion fall for him. Hindi niya ito pakakawalan. Mawawalan siya ng pag-asa ngunit hindi siya susuko. Patuloy siyang kakapit sa isang araw na makukuha niya ang puso nito at maririnig mula sa labi nito ang mga tatlong salita at walong letra na inaasam niya.


SINUNDAN ng tingin ni Kyrion si Rion habang papasok ito sa bahay. Nang tuluyan na itong makapasok ay malalim ang naging buntung-hininga niya.

Alam ni Kyrion na ginagawa niyang komplikado ang relasyon nila pero hindi niya maiwasan. Hindi niya alam ang dapat gawin. Hindi niya alam kung anong pakikitungo ang gagawin dito ngayon na nalaman niya ang nararamdaman nito para sa kanya. Hindi niya kayang balewalain iyon. At ngayon na narinig niya mula rito na willing na ito sa gusto niyang mangyari, he was torn. Naiipit siya sa pagitan ng pagnanasa at nararamdaman nito. Ayaw niyang mag-take advantage sa nararamdaman nito ngunit ang pagnanasa niya na maangkin at sambahin ang katawan ito ay nagpupumilit at sinasabing i-grab niya ang sitwasyon.

Muli siyang napabuntung-hininga. Sumandal siya sa upuan at tumingala. Kahit na anong gawin niyang pag-iisip ng dapat gawin, walang pumapasok sa utak niya. It was like he was on a blank slate.

Nawala lang siya sa pagtutunganga nang tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag. Nang makita na numero lang iyon ay nakakunot ang noo na sinagot niya ang tawag.

"Sino 'to?"

"Kumusta na ang traidor?" Malamig na tanong ng nasa kabilang linya. "Did you enjoy being with the love of your life and my son?"

"Sophia," malamig niyang sabi. Biglang naalerto. "Saan mo nakuha ang number ko?"

"Ako nga," tumatawang sabi nito. "Akala ko nakalimutan mo na ako. I'm glad that you still know me. To answer your question, hindi na mahalaga kung kanino ko nakuha ang number mo. Tumawag lang ako para balaan ka," tumawa ito ng nakakaloko. "Ingatan mo ang taong importante sa yo. Darating ang araw na mawawala siya sa yo. And I'm proud to inform you that I'll be the cause of their demise. Isa ka sa gagantihan ko."

Hindi na siya nakasagot. Agad na kasi nitong tinapos ang tawag. Kasabay ng galit ay takot ang umusbong sa kanya. Galit sa muling pagtawag nito at pag-threaten sa kanya. Takot dahil alam niya ang kapasidad nito. Sophia was a scary cunning woman. Gagawin nito ang lahat para makahiganti.

Agad niyang tinawagan si Austin. Saglit sila nitong nag-usap dahil agad din nitong tinapos ang tawag. Nawala ang suliranin niya sa pagitan nila ni Rion at ang pagbabalik ni Sophia ang umikot sa sistema niya.

From Reel to Real Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon