[ Chapter 34 ]
[ Happiness, With Him ]
RION is on pure bliss being with Kyrion's side. Mapa-personal o sa likod ng kamera ay pawang kasiyahan ang nararamdaman niya dahil malaya na siyang ipakita rito ang totoong nadarama. Wala na siyang dapat pang itago dahil alam naman na nito ang totoo niyang nararamdaman. Malaya na siyang sabihin at ipadama iyon dito.
During their promotion shoot sobrang pagpapakilig ang pinapakita nila sa mga taong nag-aabang ng BL series nila. It was part of the process. Dapat daw ipakita nila ang kilig sa isa't isa at ang tinginan ay parang naglalandian. They were doing their best for the promotion and also for the fan service. Sa interview naman sa mga press at sa ilang showbiz talkshow ay may mga script silang sinusunod at may mga impromptu silang dinadagdag upang makapag-ingay at makapag-pakilig pa.
"Madali ka naman talagang mahuhulog kay Kyrion. Habang nagte-taping kami, nakita ko na mabait siya. Maalalahanin. Marunong makihalubilo. Down to earth siya. Dagdagan pa na talaga namang gwapo siya."
Napatingin si Rion kay Henri na abala sa pagmamaneho. Abala siya sa paglalaro sa cellphone nang bigla na lang itong magsalita at gayahin ang mga sinabi niya kanina sa interview.
"Bakit mo inuulit ang sinabi ko kanina?" Naguguluhan niyang tanong dito.
"Trip ko lang," nakalabi nitong sabi.
"Trip mo lang?" Hindi naniniwalang tanong niya. "'Yung totoo, Henri? Nililibak mo yata ang mga sinabi ko kanina, eh. Iyon naman ang nakasulat sa script na binigay sa akin ng PR kanina. Nagdagdag lang ako ng ibang detalye."
"Mukha mo. Huwag mo akong lokohin. Karamihan sa sinabi mo, hindi na nakalagay doon. Marami kang dinagdag at napaghahalatang inlababo ka ng sobra kay Kyrion."
"Alam mo naman na totoo 'yon."
"Totoo nga pero don't make it obvious. Alam mo naman ang mundo na kinagagalawan mo. Pwedeng anumang oras nasa news ka na at binabalita ang sexual orientation mo."
"Handa naman akong aminin ang totoong ako sa mga tao. I know that it will cost a lot but if people are open minded about this thing then I know that they will support it. Wala naman na tayo sa sinaunang panahon. Marami na rin naman ang open na tao dito sa bansa natin."
"Alam ko 'yan pero mas okay pa rin ang magpaka-discreet. Dahan-dahanin mo at baka kapag minadali mo masaktan ka ng bongga."
"I'll keep that in mind." He said.
"Dapat lang. Ingatan mo ang pangalan na bubuuin mo sa industriya. Huwag kang basta-basta."
"Oo na po." Naiiling niyang sabi na sinabayan ng ngiti. "Maiba lang ako, Henri, pansin ko nitong mga nakaraan na ang grumpy ng mood mo. May nangyari ba na hindi ko alam?"
Saglit siya nitong tiningnan saka nag-focus ulit sa pagmamaneho. Matagal ito bago sumagot. Mukhang pinag-iisipan ang dapat isagot.
"Walang nangyari sa 'kin. Ganito lang talaga ako dahil gusto ko."
"Ayos na sagot 'yan," nasabi na lang niya. Hindi na siya nag-usisa pa. Kilala naman niya ang kaibigan. Magsasalita ito kapag gusto nito at ayaw nito ng pinipilit.
"Nandito na tayo," ani Henri nang makarating sila sa bahay ni Kyrion.
"Salamat."
Pababa na siya ng sasakyan nang magsalita ito.
"Napansin ko pala kanina habang hawak ang cellphone mo na may nagte-text palagi. Huwag mong pagtuunan ng pansin 'yan. Baka prank lang 'yan o ang kuya mo na naman."
BINABASA MO ANG
From Reel to Real
RomanceNagsimula sa kasinungalingan. Napunta sa likod ng camera. Ano kaya ang mangyayari sa dalawang taong hindi magkatugma na kailangang magpanggap sa harap ng ibang tao lalo na sa camera? Pwede kaya silang magkasundo at mauwi ang hindi pagkakaunawan sa...