[ CHAPTER 43 ]

32 7 3
                                    

[ CHAPTER 43 ]

[ WELCOME BACK ]

NAGMAMADALING lumabas si Kyrion sa kanyang sasakyan. Basta na lang niyang iniwan iyon doon. Hindi nag-abalang alamin kung saan ipaparke iyon nang maayos ng kanyang driver. He was focused on his goal, to enter the hospital, particularly on Rion's hospital room.

He just arrived from abroad. Nanatili siya ng isang linggo sa ibang bansa dahil sa kanyang trabaho. He had a photoshoot there for a famous brand. Meron pa sana siyang susunod na trabahong pupuntahan para sa commercial shoot ngunit hindi na siya pumunta. Nagpaalam siya sa photographer at sa team na hindi na muna pupunta dahil mas mahalaga ang makita niya si Rion. They were supportive and also overjoyed knowing that Rion is awake now. Minsan na ring nakatrabaho ng mga ito si Rion. May nag-offer pa nga na ihatid siya ngunit siya na ang tumanggi.

Isang linggo siyang nagtiis na hindi agad bumalik sa bansa nang nalaman niya na nagkamalay na si Rion. Isang linggo siyang nagkasya na makausap at tingnan lang ito mula sa video chat nilang dalawa.

He was feeling a lot of emotion right now. Ngunit sa mga emosyon na iyon ay ang galak at saya ang nangingibabaw. Sunod ang nerbiyos. Nag-aalala sa mga posibleng maging interaksyon nila ngayon.

Nababangga na niya ang ibang tao sa loob ng hospital dahil sa pagmamadali. Kaunting paghingi ng pasensya ang kanyang ginagawa saka iniiwan ang mga ito at halos patakbong tinutungo ang kwarto ni Rion.

Nang makarating sa harap ng pinto ng kwarto ay binuksan niya kaagad ang pinto. And as he opened it, there, he saw the man he loves the most. Lying and also looking at him.

Awtomatikong tumulo ang luha niya. Tila dam iyon na nagpakawala ng maraming tubig. He was ecstatic. He was crying because of the happiness.

"Welcome back." That's the only words he can say right now. Sa ilang beses nilang pagvi-video chat sa loob ng isang linggo ay hindi pa ito masyadong nakakapagsalita. Ngumingiti at tumatango lang ito bilang tugon sa bawat tanong at mga bagay na sinasabi niya.

Ngumiti si Rion. Ngiti na sobra niyang na-miss.

"T-thanks for waiting." Paos na sabi nito.

Naglakad siya papunta rito at niyakap ito. Gumanti ito kaagad. He missed his warmth so much and now loving feeling it. Gusto niyang higpitan ang pagkakayakap dito ngunit alam niya na mahina pa ang katawan nito.

"Thanks for coming back. I love you, Rion. Sobrang mahal kita. Namomootan ta ka."

Narinig niya ang mahinang pagtawa nito kasunod ang pag-ubo. Nag-aalalang inilayo niya ito sa kanya. Agad siyang kumuha ng tubig at binigay rito. Paunti-unti itong sumipsip sa straw.

"Okay ka na ba?" Tanong niya pagkatapos nitong uminom.

Tumango ito. "A-ayos na ako."

"I'm glad." Tiningnan niya ito.

Hindi namalayan ni Kyrion na lumuluha pa rin siya kung hindi pa nito pinunasan ang sulok ng mata niya.

"Masaya ako na makita ka. Pero hindi ko maiwasan ang mag-worry sa 'yo." Nauutal na sabi nito. Tila naninibago sa muling pagsasalita.

"You shouldn't worry about me. Ang sarili mo ang alalahanin mo. Kagigising mo pa lang. To lessen your worry, I'm assuring you that I'm okay. And much more okay that you are back now."

"Hindi mo maaalis sa akin ang mag-worry. Mukhang napabayaan mo ang sarili mo. Nangangangayat ka. You also look stress. I'm sorry 'cause I know I'm the re--"

Hindi na ito natapos sa pagsasalita, hinalikan niya ito sa labi na ginantihan naman nito sa mahinang paraan.

They parted their lips when both of them needed air.

From Reel to Real Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon