7- Confused

330 26 1
                                    

Raquel's POV

Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggal sa isip ko yung sinabi ni Trevor na liligawan nya ko. Ni hindi ko alam kung seryoso ba sya sakin. Hindi pa nga kami ganon katagal magkakilala pero liligawan na nya ko. Ano ba sa tingin nya ang mga babae? Sa tingin ba nya ang mga babae pwede nyang paglaruan kung kailan nya gusto? Ano ba talaga turing nya sa mga babae? Barbie? Asa pa syang magugustuhan ko sya. Hindi porket gwapo sya magugustuhan ko na sya. Alam kong maraming nag-papantasya sakanya but that's not a reason para sagutin ko sya. Malay ko ba kung may masama syang binabalak sakin. Eh sa mga naririnig ko ang dami na daw nyang naka-one night stand. Hindi ko alam kung totoo yon pero nasa itsura nya naman eh.

Bigla namang pumasok si kuya sa kwarto ko.

"Gising ka na pala hindi ka man lang lumabas dyan sa kwarto mo. Bumaba ka na nga!" Bakit ba galit to sakin? May nagawa ba kong masama?

"Kuya bakit galit ka?"

"Wag ka na nga makielam! Bilisan mo na nga kumilos! May g*gong nasa labas!" Nag-taka naman ako sa sinabi nya.

Sumilip ako sa bintana meron ngang lalaki. Hindi ko sya masyado matanaw.

Pero bakit naman nagagalit si kuya? Maliligo na nga ako.

--

Hanggang sa matapos ako mag-bihis iniisip ko pa rin kung bakit sya nagagalit. Bigla namang pumasok sa isip ko yung sinabi ni kuya dati kay Ivan. Yung bawal pa daw ako ligawan dahil bawal ako mag-boyfriend. Hindi kaya si Trevor yung nasa labas? Binilisan ko na agad yung pag-takbo ko pababa.

Lumapit naman agad sakin si mama.

"Anak nasa labas si Trevor. Parang sinusundo ka. Ito baunin mo na lang tong sandwich. Sa school mo na kainin" bulong sakin ni mama tapos kinuha ko na lang yung sandwich. Pero iniisip ko kung magtitiwala ba ko dyan sa Trevor na yan eh. Pwede naman siguro kasi naiuwi nya ko ng buhay kagabi. Bahala na aalis na ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong sakin ni kuya. Grabe sya! Nakakatakot sya!

"Ah sa school"

"Geez Ranz, pabayaan mo na si Trevor ang mag-hatid dyan sa kapatid mo"

"Hindi pwede! Ako magha-hatid sayo!" Tapos tumayo na sya.

"Kuya kailangan ko ng exercise kaya pag-lakadin mo na ko"

"Bakit ba gusto mo sumabay dyan sa lalaking yan ha! Kayo na ba!?"

"Anak pabayaan mo na si Trevor. Nililigawan lang naman nya si Raquel eh tsaka malaki na yang kapatid mo!" Sigaw pa ni mama kay kuya.

"Kung gusto nya talaga masaktan yang anak mo ma. Sige! Basta sinabi ko na!"

Tapos umakyat na si kuya sa kwarto nya.

"Ma, una na ko" tapos hinug ko na lang si mama bago ako makalabas ng bahay.

Pag-labas na pag-labas ko pa lang ng gate nakita ko si Trevor. Pero parang wala syang dalang kotse.

"Ang tagal mo naman kanina pa kaya ako dito"

"Wow, alam ko grabe. Kung naisipan mo kasing mag-text man lang o tumawag di sana binilisan ko. Bakit ka ba kasi nandito?"

"Wala. Napadaan lang. Kaso natagalan ako sa pag-daan ko eh" sinabi pa nya in a sarcastic way.

"Alam mo hindi ko naman sinabing sunduin mo ko dito di ba? So ano pinag-lalaban mo ha?!" pagta-taray ko sakanya. Kahit saang anggulo mo tignan mali sya. Hindi sa sinasabi kong tama ako ah. Pero sya talaga yung mali eh. Sya pupunta-punta dito tapos sya pa may ganang magalit?!?! Edi sya na! Bigla naman syang ngumiti. Sabi na eh! May saltik sya! ABNORMAL!!!

It Started With A BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon