(Play Hold Me Tight by BTS)
"Ba-" hindi na nya ko pinatapos sa sasabihin ko.
"Umamin ka nga Trevor! Totoo bang pinag-pustahan nyo lang ako nila Ivan?!?!" nakikita ko sa mata nyang nasasaktan sya. Nasasaktan ako pag nakikita ko syang ganyan.
Hindi ko alam pero hindi ako makasagot.
"Ano?! Totoo ba yung sinabi ni Stacey? Ha?! Totoo bang pinaglalaruan nyo lang ako?"
"Come on Trev, tell her the truth. Pinag-pustahan nyo sya di ba?"
"Wag ka nga sumali! G*go ka talaga eh!" alam kong gustong lapitan ni Leo si Stacey kaya pinigilan ko sya.
"Oh come on Leo, alam kong may kinalaman kayo ni Ivan dito.....so you guys better speak up now" sabi pa ni Stacey
"Trevor just tell me! Pinag-pustahan nyo ba talaga ako?"
"Baby let me explain..."
Nagulat ako nung sinampal ako ni Raquel.
Bigla naman syang naglakad papalayo.
"Well kawawa ang king of bad boys...iniwan ng girlfriend..."
Hindi ko na pinansin si Stacey at sinundan ko na si Raquel.
Hinabol ko sya at nakita kong naglalakad sya sa field.
"Baby wait!" tapos hinawakan ko sya sa braso nya kaya napatigil sya sa paglalakad nya.
"Baby? Hindi mo na kailangang itawag sakin yan. Pinag-pustahan nyo lang naman ako di ba? Well, panalo ka na sa pustahan nyo" tapos tumalikod na sya. Hinawakan ko ulit yung braso nya kaya napaharap nanaman sya sakin.
"Ano bang kailangan mo Trevor? Hindi ka pa ba masaya? Nasaktan na ko...kulang pa ba? Niloko nyo na ko...kulang pa ba yon? Hindi pa ba sapat sa inyo na masaktan ako ng ganon?" medyo naluluha na sya nung sinabi nya yon.
"Raquel it's not what you think-"
"I don't need your explanation. Just leave me alone! Di bale wag kang magalala. Hindi na kita guguluhin pa....dahil tapos na tayo"
Nung narinig ko yun hindi na ko nakagalaw pa...parang gumuho yung mundo ko...hindi ko alam kung ano na yung dapat kong gawin...
Nakatunganga na lang ako dito sa field...
Nagulat naman ako nung biglang umulan...hindi ko alam kung nananadya ba talaga ang tadhana...
Kahit umuulan na pinilit ko nalang na manatili dito...alam ko naman kasing ayaw na kong makita ni Raquel...
Hindi ko na napigilan yung sarili ko at naiiyak na ko...
Pumikit na lang ako habang nakatayo ako dito sa gitna ng field.
Raquel's POV
Ayoko ng marinig pa ang explanation nya kaya naglakad na ko palayo sakanya.
Oo never kong inexpect na maghihiwalay kami...at hindi ko inakalang ako ang makikipaghiwalay sa aming dalawa...sa una pa lang hindi ko naman kasi inexpect na mahuhulog ako sakanya...na magpapaka-tanga ako sakanya...
Nagulat naman ako nung biglang umulan...bakit ba nananadya ang tadhana...
Wala pa naman akong dalang payong kaya sumugod ako sa ulan...
Paguwi ko sa bahay nanonood lang si kuya ng tv. Hindi ko sya pinansin at dumeretso na ako sa kwarto ko.
Pagpasok na pagpasok ko pa lang ng kwart ko ni-lock ko agad yung pintuan ng kwarto ko.
Kumuha ako ng unan at umiyak lang ako ng umiyak sa kama ko.
Hindi ko alam bakit ko sya iniiyakan...eh ang tanga ko naman kasi eh...bakit ako nagpaka-tanga sakanya...hindi ko sya dapat minahal ng sobra...
Hindi ko alam na all along all of these was just a joke...pero para sakin totoo lahat ng nararamdaman ko...
At sila ni Ivan...pinag-katiwalaan ko sila...ang laki ng tiwala ko sakanila...lalong-lalo na kay Ivan...kung hindi nya ko pinabayaang mahulog kay Trevor edi sana hindi na naging kami pa...
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon...
Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako pero hinahampas ko yung unan ko sa pader para mabawasan ng konti yung sakit na nararamdaman ko ngayon...
Bigla namang kumatok si kuya sa kwarto ko. Hindi ko sya pinag-buksan ng pinto dahil alam kong magaalala lang sa pag nakita nya kong ganito.
"Raquel, ok ka lang?? Bakit ka nagpabasa sa ulan? Tsaka bakit hindi ka hinatid ni Trevor? May nangyari ba?"
Hindi na lang ako sumagot dahil alam kong nagaalala na sya ng sobra.
"Raquel..."
"Kuya ok lang ako..." sagot ko habang nasa labas sya ng kwarto ko.
---
Hanggang ngayon umuulan pa rin...at hanggang ngayon umiiyak pa rin ako...ayoko ng umiyak pero hindi ko mapigilan eh...kahit iwasan kong isipin yung tungkol don yun pa rin ang naiisip ko...
Simula ngayon susubukan ko ng magmove on...tatanggalin ko na sya sa puso't isip ko...
---
Author's Note
Comment your reactions^^ sana magcomment din yung mga silent readers haha^^thanks sa mga magco-comment^^
BINABASA MO ANG
It Started With A Bet
Teen FictionIt started with a bet. How stupid right? Sa isang araw lang. Sa isang salita lang na lumabas sa bibig ng good-for-nothing badboy na si Trevor Lopez na gagawin nya ang bet ay nagsimula ang lahat. Paano kung dahil dun ay tuluyan na syang nahulog sa...
