Raquel's POV
Ouch! Ang sakit ng ulo ko! Napahawak na lang ako sa ulo ko...
Pumunta agad ako ng cr at naghilamos ako.
Bakit ba ang sakit ng ulo ko...ano bang nangyari kagabi? Ang naaalala ko kasama ko si Mark.
Bigla naman akong napatingin sa labi ko habang nakatingin sa salamin...bigla ko namang hinawakan yung labi ko...ano bang nangyayari sakin?
Parang may hinalikan ako kagabi...and it felt like he kissed me back...pero si Mark ang kasama ko...so imposible namang si Mark yun...baka panaginip lang...
Naligo na ako at bumaba na ako para mag-breakfast.
"Masakit ba yang ulo mo?" pagtatanong pa ni kuya.
Paano nya nalaman? Alam ba nyang nakainom ako kagabi? Malamang sa malamang alam nya. Obvious namang si Mark ang naguwi sa akin eh. Kasi ang naaalala ko inaantok na ako kagabi kaya pagpasok ko sa kotse nya, bagsak na ako.
"Mawawala rin yan. Hangover lang yan. Iinom inom ka kasi...di mo naman pala kaya"
"Kuya! Malay ko bang hindi ko kaya!"
"Malamang hindi mo kaya. Hindi ka naman nainom eh!"
Nanahimik na lang ako at kumain na ko ng breakfast.
Nagulat naman ako nung may nagdoor bell. Sino kaya yun? Ang aga naman nya...o baka naman si mama? Inaasikaso pala nya yung business namin kaya ganun...
Tatayo na sana ako para pag-buksan ng pinto yung nagdoor bell pero pinigilan ako ni kuya at sya na daw ang magbubukas.
"Hi!" Nagulat ako ng binati nya ko.
Ang aga naman nya...
"Mark? Anong ginagawa mo dito?"
"Wala lang. Mangangamusta lang sana ako. Kumusta ka na nga pala?" Pagtatanong pa nya sakin.
"Ahhh ok lang ako"
"Masakit yung ulo nya" singit pa ni kuya.
"Tanga ka kasi, pinainom mo. Hindi naman sanay yan" dagdag pa ni kuya.
Hindi lang sya sumagot kay kuya.
Bigla namang pumasok sa isip kong uminom rin sya kagabi. At naaalala ko ring inagawan ko sya ng alak kagabi... *face palm*
"Ah ikaw Mark...masakit rin ba yung ulo mo?" Pagtatanong ko pa sakanya.
"Huh? Hindi naman. Sanay na kasi ako. Tsaka mas marami ka pa ngang nainom sakin eh. Wala pang isang can yung nainom ko" sagot nya pa sakin tapos ginulo nya yung buhok ko.
Tinapos ko na yung pagkain ko at nagpaalam ako kila kuya na sa kwarto muna ako magsta-stay. Ang sakit talaga ng ulo ko eh.
Nandito lang ako sa kwarto...parang biglang pumasok sa isip kong gusto kong magbasa ng Wattpad books kaya kinuha ko agad ang phone ko.
Sa totoo lang marami na kong nabasang books na naghihiwalay pero nagkakatuluyan rin sa huli...well maybe sa totoong buhay ang totoo lang dun ay yung naghihiwalay...to be specific...my life...hindi na rin naman na ko umaasang magkakabalikan pa kami eh...eh hindi naman nya ko minahal kahit kailan...
Ano ba to! Nagiging madrama na ko! Eto nagagawa sakin ng Wattpad eh!
Nagulat naman ako nung may biglang kumatok sa pinto.
"Pwede bang pumasok?"
"Sure"
Pumasok naman sya at umupo sa may kama.
"Mukang nagda-drama yata ang prinsesa... "
"Kuya naman eh!" Sabi ko sabay palo sa braso nya ng mahina.
"Joke lang. Uhh Raquel, matanong ko lang, gusto mo ba si Mark?"
Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi nya. Bakit naman nya naisipang itanong? Tsaka deretsahan talaga?
"Uhhh syempre...gusto ko sya bilang isang kaibigan..." sagot ko na kunwari hindi ko na-gets yung sinabi nya...but the truth is...gets na gets ko yun. Eh bakit naman kasi sya nagtatanong ng ganong question.
"Raquel, alam kong naintindihan mo yung sinabi ko..."
"Ok, fine. Naintindihan ko yung sinabi mo kuya. Pero...hindi ko sya gusto...isa pa...kaka-break lang namin ni-" bago ko pa man matapos yung sasabihin ko ay pinigilan ako ni kuya.
"Raquel, come on. Start moving on. You can't stay like that in your whole life. Nandyan lang yung solusyon sa problema mo"
"So anong gusto mong gawin ko? Go straight to the point"
"Move on, Mark's there for you"
Hindi pa man ako nakakasagot sa sinabi nya ay tumayo na sya at lumabas ng kwarto ko na parang walang nangyari.
Napaisip naman ako sa sinabi nya. Oo pwede ko yung gawin, pero ayokong masaktan si Mark. What if nakapag-move on nga ako. Hindi naman ibig sabihin nun na mamahalin ko si Mark automatically. Ayoko syang gawing rebound...panakip butas. Hindi ko kayang manakit ng ibang tao para lang maging masaya ako.
Mark's POV
"Move on, Mark's there for you" Hindi ko akalaing lalabas yun sa bibig ni Ranz. Alam ba nyang gusto ko si Raquel?
Bakit ba naman kasi ako nakikinig sa usapan nila...
Narinig ko si Ranz na parang papalapit na sa pinto kaya sumandal ako sa may pader na malapit sa kwarto ni Raquel.
"Anong ginagawa mo dito?" pagtatanong pa nya.
"Wala. Kakausapin ko sana si Raquel kaso narinig kong naguusap kayo, kaya hinintay ko munang matapos kayong magusap" sagot ko naman sakanya.
Hindi na nya ko pinansin at naglakad na sya papunta sa kwarto nya na katabi lang naman ng kwarto ni Raquel.
Kumatok ako at pinapasok naman ako agad ni Raquel. Pagpasok ko napatingin sya sakin.
"Uhh Raquel, kasi...narinig ko yung pinagusapan nyo ni Ranz..."
Bigla naman syang umiwas ng tingin.
"Mark, I won't do it"
"Raquel, I'll tell you the truth. I like you. And I think I'm falling in love with you"
"Mark, marami namang iba dyan. Wag ako. Ayokong masaktan ka"
"Raquel I'm willing to be a rebound just for you to be happy"
"I won't be happy, Mark. Hindi porket nakapag-move on na ko ay mamahalin kita automatically...oo madali kang mahalin. Pero paano kung hindi ko magawa? Ikaw yung masasaktan at ayokong mangyari yun"
"Ok lang naman na hindi mo ko mahalin eh, pabayaan mo lang akong tulungan kang mag-move on at mahalin ka. Hindi ko naman hinihiling yung kapalit na mahalin mo ko eh"
Hindi nya ko sinasagot at iniiwasan pa rin nya ko ng tingin.
Nagkaroon ng sandaling katahimikan.
Bigla naman syang tumingin sakin.
"I'll think about it" sagot nya.
Nagsmile lang ako sakanya. Nagpaalam na akong lumabas ng kwarto nya para hindi ko na sya maabala pa. Nagpaalam na rin ako kay Ranz at umalis na rin ako.
---
Raquel's POV
It's been a week since Mark told me that he likes me.
Sa totoo lang hindi ko mapigilang umiyak gabi gabi. Araw araw ko kasing nakikita si Trevor sa school. And it reminds me of our breakup...sobrang sakit na makita sya. I guess it's really time for me to move on. Tama si kuya. I can't stay like this in my whole life...hindi ako dapat magkaganito ng dahil lang sa isang taong sinaktan ako...
To: Mark
I'm ready.
BINABASA MO ANG
It Started With A Bet
Fiksi RemajaIt started with a bet. How stupid right? Sa isang araw lang. Sa isang salita lang na lumabas sa bibig ng good-for-nothing badboy na si Trevor Lopez na gagawin nya ang bet ay nagsimula ang lahat. Paano kung dahil dun ay tuluyan na syang nahulog sa...