Raquel's POV
"Good morning world!!"
Ang saya-saya ko ngayong umaga. Excited much lang?? Hindi ko rin alam eh. Basta ang saya-saya ko ngayon. Hindi ko alam kung anong dahilan. Ngayon lang ako naging ganito kasaya sa buhay ko. Kasi nung nagpunta ako sa US dati, hindi rin naman ganon kasaya dahil loner ako. Nung bumalik naman kami ni mama sa Pilipinas para makapag-aral ako ng high school na-bully lang ako. Lagi nila akong inaasar na nerd, pangit, baduy, lagi akong nabu-bully kaya napag-desisyunan namin ni mama na lumipat ako sa ibang school.
Pag-tingin ko sa clock maaga pa pala. Kaya naisipan kong mag-jogging. Nagbihis na ko ng pang-jogging kong damit tapos bumaba na ako.
Pagbaba ko nandon na si mama nagluluto ng breakfast. Ang bango ng niluluto nya.
"Oh anak, bakit ang aga mong magising?"
"Wala lang ma. Naisipan ko lang po mag-jogging"
"Ah sige bumalik ka na lang after 30 minutes"
"Yes po ma"
Tapos lumabas na ko para mag-jogging.
--
Haayyy pagod na ako. Makabalik na nga sa bahay.
Habang nagjo-jogging ako pauwi may nakita naman akong aso na parang walang may-ari so nilapitan ko yung aso. Nakaka-awa naman sya. Bigla ko namang naalala si Prince. Yung alaga ko na nasa bahay nila tita ngayon. Hiniram kasi nila eh. Nakaka-miss tuloy.
"Hi baby, nasan yung amo mo? Mag-isa ka lang ba?"
Bigla naman akong may narinig na sumisigaw.
"Princess!" Paulit-ulit na tawag nung lalaki. Mukang sya yung amo nitong asong to. Nung natanaw nya kami nung aso nya tumakbo naman sya papalapit sa amin. Ang iresponsable naman nung amo nya.
"Princess, nandito ka lang pala saan ka ba nagpupu-punta?" Bungad nya sa alaga nya tapos napatingin sya sakin. Tapos nilagay naman nya agad yung tali ni Princess.
Hindi na ko nagtaka kung bakit iresponsable sya. Eh sya lang naman pala kasi si Trevor eh.
"Miss salamat ah. Nahanap mo yung alaga ko" miss? Hindi nya na ba ako nakikilala? Wag mo sabihing nakikipag-lokohan to sakin. Anong nangyari sa kademonyohan nya? Anong nakain nya at bumait sya? Makisakay na rin lang kaya ako? Sige.
"O-ok lang"
"Trevor" tapos nilabas nya yung kamay nya na parang nakikipag-shake hands.
Nginitian ko lang sya tapos nakipag-shake hands na lang ako. Habang nagsha-shake hands kami bigla namang umikot-ikot si Princess sa amin kaya pumulupot yung tali nya sa mga paa namin. Nadapa tuloy kaming dalawa. Pero parang biglang nag-slow motion ang lahat.
Ang awkward namin ngayon. Nakapatong sya sakin. Habang ako yung nasa baba. Inalog-alog ko yung ulo ko at hindi na slow motion. Ang weird naman. Bakit nag-slow motion?
Titig na titig sya sa mga mata ko. Nakikita ko sa mata nya na parang gusto nya kong halikan. Ang manyak talaga. Tinulak ko na sya palayo sakin pero ang bigat nya. Nahawakan ko tuloy yung six pack abs nya.
Naramdaman nya siguro na sinusubukan kong itulak sya kaya tumayo na sya.
"Ummm sorry ah"
"Hindi ok lang sige una na ko"
Tapos tumakbo na ako ulit pauwi. Habang tumatakbo ako pauwi, hindi talaga mawala sa isip ko yung slow motion na nangyari samin ni Trevor. Ano kayang ibig sabihin ng lahat ng yon?
Baka hindi pa ko sanay dito sa contact lens na pinagamit sakin ni mama kaya medyo nag-slow motion.
Sa dami kong iniisip hindi ko namalayang nasa tapat na ako ng bahay. Pumasok na ko agad. Medyo gutom na rin kasi ako. Tsaka maliligo na ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/38554099-288-k975592.jpg)
BINABASA MO ANG
It Started With A Bet
Teen FictionIt started with a bet. How stupid right? Sa isang araw lang. Sa isang salita lang na lumabas sa bibig ng good-for-nothing badboy na si Trevor Lopez na gagawin nya ang bet ay nagsimula ang lahat. Paano kung dahil dun ay tuluyan na syang nahulog sa...