20-Park

222 16 4
                                    

Trevor's POV

Buti naman back to normal na kami ni Raquel. Ako na nag-hahatid sundo sakanya tapos sabay na ulit kami kumakain sa lunch. Hindi na rin ako nag-aabsent.

Ang tagal ko na rin pa lang nililigawan si Raquel. Maybe it's time para tanungin ko na sya at kung nireject nya ko I can still wait. Hihintayin ko sya kahit kailan nya ko gustong sagutin.

Binilisan ko ng mag-lakad papunta kila Raquel.

Sakto pag-dating ko dun kaka-labas pa lang ni Raquel.

"Good morning prinsesa ko!" bati ko sakanya.

"Psh. Wag ka nga! Pumasok na nga tayo!" Tapos nag-lakad na kami papuntang school. Sa totoo lang ang sama nga ng tingin ng mga fangirls ko kay Raquel eh pero sinabi ko nalang kay Raquel na pabayaan na nya. Insecure kasi mga babae dito eh. Feeling maganda pero mga retokada naman. Hindi kagaya ni Raquel na simple, mabait, maganda. Parang lahat ng gusto ko sa isang babae na sakanya na.

Hinatid ko na sya sa room nya tapos pumunta na ko sa room ko.

Pag-dating ko dun nandun na sila Leo at Ivan. Ano ba kasi talaga nakain nitong dalawang to. Simula nung nag-bati ulit kami ni Raquel parang biglang bumait tong dalawang to. Ano kayang nakain nila at bigla silang nagtino. Aish! Ewan ko ba! Etong si Leo kasi hindi na nangchi-chicks kaya medyo naninibago ako sakanya. Ewan ko ba dyan sa g*gong yan. Eh hindi naman yan nag-seseryoso tsaka wala sa vocabulary nya yung salitang 'magseryoso'.

"Bro, kanina pa kami dito ngayon ka lang dumating" aba, loko tong mokong na to ah.

"Bakit? Sinabi ko bang agahan mong pumasok?"

Bigla naman lumapit sakin si Ivan.

"Ano bro? Handa na ba yung para sa mamaya?"

"Oo bro pero kinakabahan ako eh. Pano kung ireject nya ko? Hindi ko kasi alam ang feeling ng mareject eh"

Binatukian naman nya ko.

"G*go ka rin eh no! Ikaw kaya nag-sabing ok lang sayo kahit ireject ka nya"

"Ano bang pinag-uusapan nyo? Hindi nyo ba sasabihin sakin?"

"Hindi!" sabay pa kami ni Ivan. Epal naman kasi ni Leo eh. Sino ba nag-sabing sumali sya samin. Sa totoo lang kasi kasali si Leo sa plano namin mamaya pero ayoko syang isali sa usapan namin ni Ivan kasi mang-aasar yang g*gong yan. Sasabihin nyang binasted ang king of bad boys.

--

Pumunta na ko sa room ni Raquel. Wala pa sya sa labas. Sumilip muna ako sa loob at nandun sya. May kausap syang babae.

"Bro sino yan? Kaibigan nya ba yan?" pangungulit pa ni Leo.

"Hindi ko alam eh"

Habang nasa pinto kami may narinig ako sa pinag-uusapan nila.

"Umamin ka nga! Anong gayuma ginamit mo kay baby Trevor ha! Pati na rin kila Ivan at Leo! Bakit bigla kang naging close sakanila"

"Pwede ba Tracey padaanin mo na ko! Hindi naman ako witch katulad mo!"

Parang nagalit yung Tracey at sasampalin na nya si Raquel pero lumapit na ko para awatin ko sila.

"Bitawan mo ko!" Sabi pa nung Tracey.

"Anong gagawin mo kay Raquel?"

"Wala! So just let go of my hand ok?"

"Don't you dare hurt my girl" tapos binitawan ko na sya.

Hinila ko na si Raquel papuntang canteen.

Tahimik lang sya hanggang sa maka-dating kami sa canteen. Buti na lang talaga hindi nya sinaktan si Raquel kung hindi uuwi syang mukang panda.

It Started With A BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon