33-Sana...

207 15 1
                                    

Hindi na ko nagaksaya pa ng oras kausapin sya at pumasok na ko. Pero bago pa man ako makapasok nagsalita sya.

"Raquel...please..." sabi nya na parang maiiyak na sya.

"Please? Ano bang gusto mo? Hindi ka pa ba nakokontento? Sinaktan mo na ko"

"Raquel, I'm telling you. It's really not what you think"

"Stop talking bullsh*t!" hindi ko alam bakit pero napamura na lang ako. Naramdaman kong tumulo yung luha ko. Bakit ako umiiyak? Ilang beses na nya ko pinaiyak? Ilang beses ko pa ba sya iiyakan?

"Umalis ka na dito" mahinahon na sabi ni Mark. Kanina pa ba sya nakikinig?

Nanlaki naman yung mata ni Trevor nung nakita nya si Mark.

Bigla naman syang napatingin sakin. Nakikita kong parang gusto nyang sapakin si Mark.

Nakikita ko sa muka nyang gusto nya kong kausapin pero sumunod sya kay Mark at sumakay na sya sa kotse nya at umalis na sya.

Hindi ko mapigilang umiyak...pumikit na lang ako para mapigilan ko ng konti yung pag-iyak.

Naramdaman kong hinarap ako ni Mark sakanya at niyakap nya ko.

Iniyakan ko lang sya habang nakayakap pa rin sya sakin...

Gumaan yung pakiramdam ko...ganito yung pinapangarap ko dati...

Yung yayakapin ko ang taong mahal ko dahil nasaktan ako sa isang bagay...

Pero hindi...ibang tao ang yayakapin ko dahil sinaktan ako ng taong mahal ko...

Oo, hindi ko kailangang magsinungaling...mahal ko pa rin sya...

Pero kakayanin ko to...makakalimutan ko rin sya...

---
It's been a week...nababawasan na yung sakit na nararamdaman ko pag nakikita ko sya...improvement ba yon? Sana oo...sana magtuloy-tuloy na to...

Pupunta kami ngayon ni Mark sa park...

Dinala ko na rin si Prince...pumayag naman si Mark. Sa totoo lang miss na miss ko na si Prince...di na kami nakakapag-bonding...sa dami ng nangyari...

Kumakain kami ni Mark ng ice cream ngayon...

Sa totoo lang ang sarap ng choco-- I mean mango...

Well, who am I kidding? Alam ko naman sa sarili kong gusto kong kumain ng chocolate...pero pinipigilan ko...bakit nga ba? Para mawala ng tuluyan yung mga alaala na meron kami? Para maramdaman ko na wala naman talagang 'kami'?

Nung naubos na namin yung ice cream umupo kami sa bench...

Sa totoo lang nakatingin lang kami sa kawalan...hindi ko alam kung narerelax sya dun pero ako...oo.

Tinitignan ko lang si Prince habang naglalaro sya sa harap ko...paikot-ikot lang sya...naaawa na ko sakanya dahil buhol-buhol na yung tali nya kaya tinanggal ko na muna yon...

Sa totoo lang marami akong masasayang alaala dito kasama si Trevor...pero ok lang sakin...oo nasa stage na ko ng pagmomove on. Nung una tatanggihan ko sana si Mark na dito pumunta...dahil iniisip kong baka umiyak na lang ako bigla...dahil baka maalala ko si Trevor...pero hindi pala...narealize kong hindi naman masama na gumawa ng masasayang alaala sa park na to...na kasama si Mark...

Alam kong makaka-move on ako...pero natatakot ako na pag nangyari yun...baka hindi ko pa mahal si Mark...sa totoo lang alam kong madali lang syang mahalin...alam kong magagawa ko yun in time...sa effort na ginagawa nya...alam kong mamahalin nya ko ng lubos pa sa kaya kong gawin...

Bigla namang may tumawag kay Mark kaya nagpaalam syang sasagutin nya muna yon.

Nagulat naman ako nung may nakita akong sapatos ng bata...

Napatingin ako sakanya mula paa hanggang ulo...siguro mga 9 years old sya...

"Hi! I'm Tanya. This is Princess" tapos tinuro nya yung aso nya.

Nagulat naman ako nung lumapit si Prince dun sa aso...

Oh no...this dog...aishh!

"Oh. I'm Raquel. That's Prince"

"Oh how cute" tapos nagsmile sya. Ang cute nya naman. Weird nga lang kasi bigla syang lumapit sakin...at umupo pa talaga sya sa tabi ko ah...

"Ate, you know, you kinda look like my brother's girlfriend. I once saw him holding a picture and his staring at it. And that time. His eyes were teary. I actually saw the girl on the picture...it kinda looks like you...but I'm not sure 'cause I just saw it from outside of his room" sabi pa nya...

Bakit ako pa naisipan nyang icompare? Kaparehas ko lang pala yung kuya nya...parehas kaming broken hearted...

Actually muka syang brat...pero mabait naman pala sya...

Mark's POV

May tumawag sakin kaya nagexcuse muna ako kay Raquel para sagutin yun.

"Hello?"

[Ah...Mark...]

That voice...boses yun ni Ivan...why would I even talk to that bullsh*t. Niloko nila si Raquel...ang taong mahal ko...nagparaya ako pero sasaktan rin naman pala nila si Raquel...

"Anong gusto mo?"

[Ah kasama mo ba si Raquel?]

Paki ba nya?! G*go rin sya eh. Paglalaruan nya tapos ngayon hahanapin nya...buti na lang hindi si Trevor to kundi baka mas malala pa magiging reaksyon ko.

Binabaan ko na lang sya ng phone. Hindi ko naman kailangan sagutin yung tanong nya eh...

Parang natanaw ko sa malayo si Trevor...sya nga ba yun...

Sh*t! Nagmadali na kong balikan si Raquel. And f*ck...si Trevor nga yun. Kausap ni Raquel si Tanya. At mukang masaya sila. Dala ni Tanya si Princess...actually magkatabi sila ngayon...

"Raquel!" Sabay silang napatingin sakin.

"Kuya Mark!" Lumapit sakin si Tanya at niyakap nya ko.

"Hi kuya! Do you know ate?" Sabay tingin kay Raquel.

"Uh Tanya, ummm sorry but ate and I need to go na. I'll just make it up to you next time ok?"

"Ok" sagot pa nya.

Umalis na kami ni Raquel...buti na lang hindi sya nagtanong tungkol kay Tanya...that was actually quite close...

Trevor's POV

Niyaya ako ni Tanya na pumunta ng park kaya sinamahan ko na sya. Sinama na rin namin si Princess...

Habang nasa park kami nakita ko naman si Jeremy, kagroup ko sa project. Pinagusapan lang namin kung ano na yung plano.

Pagtalikod ko nakaupo na si Tanya sa isang bench...napagod na ata sya. Linapitan ko sya at tinabihan ko sya.

"Kuya, you know I saw kuya Mark with a girl. I think she's his girlfriend. And kuya she's pretty. She looks like your girlfriend"

Ano daw? Hindi kaya si Raquel yun? Tsaka si Mark daw...

Sa puntong yon...parang gumuho yung mundo ako...

Eto ako...umaasang magkakabalikan pa kami...pero sya...ano...nagmomove on na? Hindi ba nya ko minahal? Oo naintindihan kong nasaktan sya. Pero hindi ba nya kayang pakinggang yung explanation ko?

Sa totoo lang nagulat ako nung nasa bahay nila si Mark...hindi ko alam ano yung ginagawa nya dun nung time na yun...

Nakita kong iniyakan ni Raquel si Mark nung gabing yun.

Nasaktan ako nung mga oras na yun...sana ako yung iniiyakan nya...sana ako yung nagpapagaan ng loob nya...sana ako yung nasa tabi nya...kaso lahat ng yun hanggang 'sana' na lang...may pagasa pa ba kami? Oras na ba para subukan kong kalimutan sya...



It Started With A BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon