(Mark's pic)
Mark's POV
Haaaaayyyy....Sa wakas naka-tayo na rin ako. Nangawit ako sa flight eh.
Bigla namang tumawag si Ranz sakin.
[Tol! Sunduin na kita dyan ah! Isasama ko na rin si Raquel]
"Ha? Ah oh sige" hay ano ba yan! Nauutal pa ko!
[Sige tol! Papunta na kami dyan]
Tapos in-end na nya yung call.
--
"Tol kumusta na?!"
"Ok lang naman"
"Sa tagal mo sa US buti naka-balik ka na dito"
"Oo nga eh. Nag-lakas loob na kong bumalik dito. Kumusta na nga pala sila Stacey nung nag-punta ako ng US?"
Parang medyo kinabahan sya nung tinanong ko yun sakanya.
"Wala na sila" medyo na-guilty ako sa narinig ko. Alam ko namang may kinalaman ako sa nangyari eh.
"Kailan pa? Bakit hindi ko man lang nabalitaan?"
Hindi na ulit sya nag-salita after kong tanungin yon. Bigla naman nag-salita si Raquel.
"Ummm sorry to ask this but who is Stacey? Hindi naman sa tsismosa ako ah pero sorry narinig ko"
"Ummm-" bigla naman akong pinigilan ni Ranz.
"Ah nagugutom na ba kayo? Kumain na tayo"
Bigla naman kaming natahimik. Bakit naman nya ko pinigil sa sasabihin ko? Ano bang masama? Eh classmate ko naman dati si Raquel ah.
--
"Raquel mahiya ka nga kay Mark!" Paninita pa ni Ranz kay Raquel.
"Bakit ba pina-pakielaman mo pa yung pag-kain ko ha! Kumain ka na lang dyan!" Tapos tinuloy na nya yung pag-kain nya.
"Alam mo dapat kaming dalawa lang ni Mark dito eh! Epal ka na nga lang ikaw pa nay ganang magalit ah!" Hindi ko mapigilang mapa-ngiti. Ang cute kasi nilang mag-bangayan eh. Dream ko rin kasi magkaron ng kapatid eh. Only child lang kasi ako kaya naiinggit ako pag nakaka-kita ako ng mag-kapatid.
Habang kumakain kami parang bigla ko namang natanaw si Ivan mula sa malayo. Sya kaya yun?
"Ivan!" Tapos lumingon sya kay Raquel.
Lumapit naman samin si Ivan.
"Mag-isa ka lang ba?"
"Oo eh"
"Halika! Dito ka muna!" Tapos hinila naman ni Raquel si Ivan.
Sila na ba? Pero bakit parang hindi naman sila sweet? Well, sweet sila masyado kung magkaibigan lang sila.
Napa-tingin naman sakin si Ivan. Tapos biglang nanlaki yung mata nya nung nakita nya ko.
"Nandito ka na pala"
"Oo sinundo namin sya ni kuya. Teka, magka-kilala kayo?"
"Ha ah oo"
--
Pag tapos naming kumain naka-tahimik lang kami.
"Ah gusto nyong pumunta ng park?"
"Sure"
"Ah Ivan, Mark, kayo na muna bahala kay Raquel ah. May pupuntahan lang ako"
Tapos umalis na sya.
BINABASA MO ANG
It Started With A Bet
Novela JuvenilIt started with a bet. How stupid right? Sa isang araw lang. Sa isang salita lang na lumabas sa bibig ng good-for-nothing badboy na si Trevor Lopez na gagawin nya ang bet ay nagsimula ang lahat. Paano kung dahil dun ay tuluyan na syang nahulog sa...