24-She's Back

243 14 1
                                    

Trevor's POV

Grabe...hindi sya yon. Wala sya dito sa Pilipinas so hindi sya yon. Tsaka baka kaboses lang nya yun.

"Bro!" Nagulat na lang ako nung tinawag ako ni Leo.

"Bakit ba?"

"Ok ka lang? Kanina ka pa kaya namin tinatawag ni Leo hindi ka sumasagot. Ano bang nangyari?" Pagtatapnong pa ni Ivan.

"Huh? Ah wala. Puyat lang siguro to"

Kanina pa pala nila ako tinatawag? Bakit parang hindi ko alam o baka naman sobrang lutang ng isip ko. Grabe wala na talaga ako sa sarili ko. Hindi ko alam bakit ako natatakot eh? Ano bang nangyayari sakin? Natatakot nga ba ako? Hindi ko na talaga alam anong gagawin ko. Pano kung sya nga yun? Hindi to pwede. Hindi pwedeng bumalik si Stacey dito.

Mark's POV

Hayy wala akong magawa. Nagbihis na ko tapos pumunta ako dun sa coffee shop malapit sa school nila Raquel. Lagi kasi akong tumatambay dun lalo na kung gusto kong magrelax.

Nagpark na ko. Buti meron pa kong naparkingan. Ang dami kasing nakapark ngayon. Weekend kasi kaya siguro maraming tao.

Pagpasok ko marami ngang tao. Nagorder na ko ng latte tapos naghanap na ko ng table. Buti kahit maraming tao may table pa kong nahanap.

Habang umiinom ako may napansin naman akong kakaiba. May babaeng nakaupo malapit sa table ko. Nakashades sya. Artista ba sya? Pero wala naman syang kahawig na artista. Tsaka bakit parang kilala ko sya? Parang pamilyar yung muka nya eh.

Medyo tinanggal nya yung shades nya dahil parang may tinitignan sya.
Nanlaki talaga yung mata ko nung nakita ko sya. Bakit sya nandito? Anong ginagawa nya dito? Bumalik na si Stacey dito? Kailan pa?

At nakatingin sya kila.. Trevor.

F*ck! Don't tell me she's stalking on Trev. Sh*t this can't happen. Hindi naman kasi si Trevor yung inaalala ko dito eh....si Raquel. Hindi pwedeng malaman ni Trevor na nandito si Stacey. At lalong hindi pwedeng malaman ni Stacey na may girlfriend na si Trevor.

Sh*t I thought everything will be fine after I gave up on Raquel...but I'm f*ckin' sure na may gagawing masama si Stacey. Kailangan kong bantayan si Raquel. Kailangan ko syang protektahan. I know Trev's there for her but they shouldn't know that Stacey's here.

Nung paalis na sila Trev tumayo na rin si Stacey. I'm not sure if she's stalking on him or what pero nacucurious talaga ako. Sinundan ko nalang sila. Sabi nga nila curiosity kills.

Nung sumakay na si Trev sa kotse na sumakay na rin sila Ivan at Leo sa kotse nila. Sumakay na rin ako sa kotse ko. Sumunod si Stacey kay Trev.

Grabe so tama nga hula ko. Sinusundan nya si Trev. Pero bakit? Anong kailangan nya?

Sinundan ko yung kotse ni Stacey hanggang sa tumigil sya.

Nagstop yung kotse ni Stacey nung nagstop na rin yung kotse ni Trev. Nagpark nalang ako dun sa may kanto bago kila Raquel para hindi ako halata.

Bumaba ako ng kotse pero nagtatago ako para hindi nila ako makita.

Bigla namang lumabas ng bahay si Raquel. Hindi lumabas ng kotse si Stacey pero sigurado akong nakatingin sya kila Raquel.

Nung lumabas si Raquel bigla namang hinug ni Trevor si Raquel.

Pumasok na sila Trevor at Raquel.

Naghintay muna ako dito para malaman ko kung may gagawin si Stacey. Well sampung minuto na yung nakakalipas walang ginagawa si Stacey. Bigla naman syang umalis. Mukang hindi na sya babalik pero naghintay pa ko ng 5 more minutes. Hindi na ulit sya bumalik kaya umalis na rin ako. Hay hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan eh. Well maybe dahil nalaman kong nagsta-stalk sya kila Raquel. I know it's creepy pero kailangan kong malaman ano yung binabalak nya.

It Started With A BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon