8-Falling

266 27 2
                                    

Raquel's POV

Inagahan ko yung gising ko ngayon. Kawawa naman kasi si Trevor eh. Tsaka sabi nya kahapon sya na daw mag-hahatid sundo sakin araw-araw. Haba ng buhok ko. Pero nakaka-gulat yung ugali ni Trevor ngayon. Hindi ko alam kung dahil gusto nyang sagutin ko sya or baka naman mabait talaga sya. Mukang seryoso sya sa panliligaw nya eh. Pero sa buong buhay ko, never ko pa naisip na gustuhin ang isang player dahil alam kong sa huli ako lang yung masasaktan. Parang wala namang player na nag-seryoso sa love eh. Hindi naman sa judgemental rin ako tulad ni kuya ah, pero may point naman din si kuya eh. Kaya ayaw nya kong mahulog kay Trevor dahil iniisip nya rin na baka masaktan lang ako. Sa totoo lang gusto ko ng bustedin si Trevor eh. Kaso naisip ko rin naman si mama. Botong-boto sya kay Trevor. Panigurado sasabihin nya 'anak naman, bigyan mo ng chance si Trevor na i-prove yung sarili nya sayo' yan yung sasabihin ni mama for sure. Tsaka yun din naman yung gagawin ko eh. Dapat malaman ko kung deserving ba sya. Hindi yung magde-desisyon na ako agad-agad.

Bigla namang kumatok si kuya sa pinto kaya nagtulog-tulogan ako. Baka mamaya pagalitan nanaman nya ako.

"Ummm Raquel. Gising ka na ba?"

Huhu ano sasabihin ko? Aamin ba ako? Baka pagalitan nya lang ako eh. Wag na lang.

Umupo sya sa may kama ko habang ako nagtutulog-tulogan pa rin.

"Parang hindi pa ko handang magka-boyfriend ka lil sis. Natatakot ako na lokohin ka nung g*gong yon. Pero kung mahal mo si Trevor at mahal ka rin naman nya. Wala na kong magagawa. Sino ba naman ako para pigilan kang mahalin ang gusto mo"

Gumalaw ako ng konti dahil nangangawit na ako.

"Uh Raquel gising ka na ba?"

Patay! Nahuli ako! Aamin na nga ako.

"Kuya bakit?" Sabi ko na kunwaring inaantok. Para hindi halatang narinig ko lahat ng sinabi nya.

"Ah wala. Sige maligo ka na tapos mag-bihis ka na. Bilisan mo ah?! Nandyan na kasi yung sundo mo"

Anong sinabi nya?! Nandyan na daw yung sundo ko?! Ok na sakanya?! Pagkatapos nyang magdrama dito. Ngayon ipapa-hatid na nya ako kay Trevor.

--

Binilisan ko na lang maligo tapos nag-bihis na ako agad. Bumaba naman ako agad tapos sinalubong agad ako ni Prince.

"Good morning baby! Sandali lang ah. Kakain lang si mommy tapos papasok ng school then mamaya pag-uwi ni mommy magpa-play tayo ah?!" Tapos bigla naman syang nag-bark.

Kumain na ko tapos nag-paalam na ko kay mama at kay kuya.

"Mama, kuya, aalis na ko" hinug ko si mama.

Lumapit ako kay kuya tapos may binulong ako sakanya.

"Kuya thank you ok lang sayo na si Trevor ang mag-hatid sakin"

Nag-smile lang sya tapos ginulo nya yung buhok ko.

"Bye!" Tapos kumaway-kaway pa ko bago ako maka-alis.

Pag-labas ko nandun na si Trevor. Ano nanaman kaya nakain nito? Bakit abot langit yung ngiti nya? Sabi na talaga eh. Abnormal sya. Mag-isa lang sya dito sa labas ng bahay namin tapos kung maka-ngiti wagas!

"Bakit ang saya mo?"

"Wala. Nakita kasi kita eh" sus! Corny! ABNORMAL TALAGA!!

"Tse! Halika na nga! Pasok na tayo!"

Kinuha nya yung bag ko tapos hinawakan nya naman yung kamay ko. Ano ba problema nito? Mamamatay ba sya kung hindi nya hahawakan yung kamay ko. Pero may weird talaga akong nararamdaman pag-hinahawakan nya yung kamay ko. Parang may kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko. Maraming beses na nga yun nangyari eh. Gusto ko sanang tanungin si Ivan about dito eh pero nahihiya ako.

It Started With A BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon