23-Mysterious Girl

230 14 2
                                        

Raquel's POV

It's been 3 months. Ang tagal na rin pala no. Hindi ko akalaing tatagal kami ni Trevor. Nung una nga hindi ko inexpect na mahuhulog ako sa isang bad boy. Akala ko sa storya lang pwedeng mangyari ang mga yun, na ang bad boy at ang good girl ang nagkakatuluyan. Never pumasok sa isip kong magkakagusto ako sa isang bad boy. Ni hindi nga pumasok sa isip ko na may magkakagusto sakin at bad boy pa. At syempre hindi ko inexpect na isang Trevor Lopez ang makakatuluyan ko. Nung sinabi nga namin ni Trevor kila mama at kuya nagulat sila. Well si kuya lang pala kasi si mama tuwang-tuwa pa. Nagulat nga kami ni Trevor nung ganon yung naging reaction ni mama eh.

Ngayon dito lang muna ako sa bahay. Ako na rin nagsabi kay Trevor na wag muna kaming pumasyal tutal every week kaming lumalabas. Tsaka para naman meron pa rin silang 'bro time' nila Ivan at Leo.

---

Trevor's POV

Habang papunta ako kila Ivan bigla kong namiss si Raquel. Alam kong OA pero namimiss ko na sya eh.

Naka-dating naman agad ako kila Ivan. Nandun na yung kotse ni Leo so inisip kong nandon na sya. Pag pasok ko sa loob nandon na nga sya. Bakit kaya ang aga ng mokong na yan?? Psh. Sabi ni Raquel enjoyin ko daw yung 'bro time' namin. Eh pano ako mag-eenjoy eh sya yung nasa isip ko tsaka namimiss ko sya. Alam ko hindi ako dapat nagaalala dahil nasa bahay lang sya pero bakit hindi ko mapigilan yung sarili ko? Psh. Tinamaan talaga ako sakanya.

"So bros saan nyo gustong gumala?" pagtatanong pa ni Ivan.

"Sa bar. Mang-chicks tayo" sambit pa ni Leo. Binatukan naman sya ni Ivan.

"Kung gusto mong mang-chicks magisa ka!"

"Ang aga aga chicks agad yang nasa isip mo! Subukan mo na kayang magseryoso kahit once lang" natahimik naman sila nung sinabi ko yun. Ano bang meron sa sinabi ko? Wala naman di ba? May nasabi ba kong masama?

Bigla namang nagbasag ng katahimikan si Leo. Bigla na lang syang humalakhak.

"Hahahahaha!!!! Ganyan na ba ang epekto pag nagka- girl friend ang bad boy?? Hahahaha. T*ngina bro hahaha!!" binatukan ko sya. Eh siraulo sya eh.

"Alam mo g*go ka kasi kaya wala kang alam"

"Ano bang problema nyo?! Ako na lang lagi yung binabatukan nyo? Ako kaya pinakamatanda satin"

"Talaga!!! Tanda!!"

"Gwapo naman" bulong pa nya. Ok lang sana kung totoo eh. Kaso hindi hahaha.

"So bros saan nyo nga balak pumunta?"

"Dun nalang tayo sa coffee shop malapit sa school"

Nagdrive na kami papunta don. Ako yung pinaka-unang nakadating dun. Ang bagal kasing magdrive nung dalawang mokong na yun eh.

Umorder na muna ako ng frappe habang wala pa yung dalawang yun.

Haayy. Namimiss ko na agad si Raquel... chineck ko yung phone ko para tignan kung nagtext na ba sya pero wala pa rin kahit isa.

Hay...ako na nga magtetext sakanya.

To:Baby

Baby...miss na kita...bakit hindi ka man lang nagtetext?? May sakit ka ba?

Hay ang tagal naman nung dalawang yun.

Nagreply naman agad si Raquel.

From:Baby

Baby I'm fine ok? Don't worry about me. Mag-enjoy ka lang dyan ok? Bro time nyo yan eh. Tsaka baka ma-istorbo ko lang kayo pag nagtext ako ng nagtext.

Haayyy...bakit naman sya makaka-istorbo? Never naman ako naistorbo ni Raquel. Psh.

To:Baby

Baby hindi ka naman makaka-istorbo samin eh. Ang boring nga kasama nitong dalawa eh.

Bigla namang dumating si Leo. Sabi nya kasunod nya lang daw si Ivan kaya hinintay na namin sya.

"So bros ano na?"

"Alam nyo ang boring ng bro time natin" pagrereklamo pa ni Leo.

"Kung pumunta na lang sana tayo sa bar edi nag-enjoy pa tayo"

Konti na lang talaga mauupakan ko na tong si Leo eh. Isang hirit pa talaga.

Nag-rest room na muna ako pero habang papunta ako sa rest room may nakabanggaan akong babae. Ang weird nga nya eh naka-shades sya.

"Sorry miss"

"It's fine" mahina nyang sabi tapos umalis na sya.

Parang may mali...hindi dahil sa naka-shades sya eh...oo weird pero hindi yun eh... yung boses nya...yung boses na yun...hindi ako pwedeng magkamali...boses yun ni...

---

Ivan's POV

"Alam mo bro. Hindi ako makapaniwalang tumagal sila Trevor"

Hay bwisit na talaga tong mokong na to ah.

"Ano namang masama kung tumagal sila? Inggit ka? Edi magseryoso ka na"

"Hindi. Kasi isipin mo. This thing all started because of the bet"

Napa-isip naman ako sa sinabi ni Leo. May point naman sya. Well I know that seryoso si Trevor kay Raquel. Pero I think it will be better to cut off the bet right now. It'll be better to cut it off earlier.

Tutal my plan was to make them happy...well may happy ending na...alam ko namang wala ng kinalaman to sa bet eh.

It Started With A BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon