14-Worried

210 18 1
                                    

(Ivan's pic)

"Bakit mo naman ako hinila?"

"Sorry"

"Alam mo Ivan, pwede namang kalabitin mo ko. Hindi mo ko kailangang hilain"

"Sorry naman best friend" tapos nag puppy eyes sya. Aba nagpapa-cute ka pa ah.

"Bakit mo nga pala ako hinila?"

"Ihahatid na kita sa inyo"

Ako? Ngayon? Sige ba. Kesa naman mag-lakad ako di ba?

-

Ivan's POV

Bigla namang nag-paalam si Raquel na mauuna na daw sya kasi magbe-bell na. Kaming dalawa na lang ni Leo dito kaya tinanong ko na sya kung nasan si Trevor.

Tinignan ko lang sya habang kumakain sya.

"Bakit ba naka-tingin ka sakin? May problema ka ba?"

"Asan si Trevor?"

"Sinabi ko nga sayo, naki-tulog lang sya samin kagabi tsaka umalis na rin sya kanina"

"San sya nag-punta?"

"Ewan ko. Ano ba tingin mo sakin? Hanapan ng nawawalang tao?"

"G*go!" ma-batukan nga.

Iniwan ko na sya. Umalis na ko para maka-punta na ko sa room. Wala din namang sasabihing maayos yang si Leo eh

-

Bigla namang nag-bell. Haayyy sa wakas tapos na tong boring life na to. Wala namang kwenta mag-turo mga teacher dito eh. Kahit anong gawin mo para pigilan yung antok mo, makaka-tulog at makaka-tulog ka pa rin.

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko. Pag tingin ko ang daming missed calls galing kay Trevor. Ano nanaman kayang problema nito?

Tinawagan ko na lang sya para malaman ko kung ano sasabihin nya at kung nasan man sya.

[Yah! Bakit ngayon mo lang ako tinawagan! Kanina pa kita tinatawagan ayaw mong sagutin]

Grabe to! Wala talaga sa vocabulary nya yung word na 'hello' . Wala rin kasi sa vocabulary nya yung word na 'respect'.

"Teka nga! Ano bang sasabihin mo?"

[Pwede bang paki-hatid si Raquel sakanila?] napa-nganga ako ng literal sa sinabi nya. Bakit ako? Hindi ba pwedeng sya? Ang dami ko namang hindi alam sa mga nangyayari ngayon ah. Samantalang kagabi nakipag-inuman lang ako kay Mark tapos ngayon ang dami ng nangyayari?

"Bakit bro?"

[Basta ihatid mo lang sya sakanila]

"Ok. Basta kailangan mong mag-explain sakin kung ano na ang nangyayari ngayon"

[Tol salamat talaga ah] tapos inend na nya yung call.

Nagulat ako sa ugali nya ngayon ah. Dati kasi hindi nya alam yung salitang 'salamat' or 'thank you'. Atleast ngayon alam na nya.

Binilisan ko ng maka-punta sa section 1 para abutan ko si Raquel. Nung nakita ko sya hinila ko na agad sya.

"Bakit mo naman ako hinila?"

"Sorry" parang na-guilty ako. Sana hindi ko na sya hinila.

"Alam mo Ivan, pwede namang kalabitin mo ko. Hindi mo ko kailangang hilain" sabi pa nya. Bakit ba pinapa-guilty nya ko?

"Sorry naman best friend" sabi ko tapos nag puppy eyes ako. Tapos medyo naging ok na yung muka nya.

"Bakit mo nga pala ako hinila?" tanong nya.

"Ihahatid na kita sa inyo"

"Ah oh sige. Kesa naman mag-lakad ako ng mag-isa di ba? Hehe" ang cute talaga nitong best friend ko.

Pumunta na kami ng parking lot para kunin yung kotse ko.

-

Ang tahimik dito sa kotse pero bigla namang nabasag yung katahimikan nung nag-salita sya.

"Bakit mo nga pala naisipang isabay ako?"

"Ako? Ah" anong sasabihin ko? Baka hindi ko pwedeng sabihin na si Trevor nag-sabi nito sakin.

"Wala na-tripan ko lang"

"Ah ok"

-

"Nandito na tayo!"

"Ah Ivan thank you nga pala ah"

"Sus! Ikaw pa! Best friend din naman ang turing ko sayo. Kagaya nila Trevor" bigla naman syang na-ilang nung sinabi ko yung pangalan ni Trevor. Bumaba na sya agad.

"Bye best friend!"

"Bye thank you ulit!" medyo nawalan sya ng gana kesa sa kanina. May problema nga siguro sila ni Trevor. Bakit naman kasi walang nag-sabi sakin kung anong nangyari kagabi.

Umuwi muna ako para makapag-palit muna ako ng damit. Makikipag-kita muna ako kay Trevor. Kailangan nyang i-explain ang mga nangyayari ngayon. Parang ako na lang ako na lang ang walang alam sa mga nangyayari ngayon eh.

-

"Bro bakit ka nakipag-kita?"

"May kailangan akong malaman sa inyo ni Raquel. Alam kong alam ni Leo. Ako na lang ang hindi nakaka-alam tol!"

"Hindi ka naman tsismoso no?"

"Masama ba kung gusto kong malaman?"

"Sige na nga. Kahapon nakita ko si Raquel na kasama si Mark, nadala ako ng galit kaya na-sapak ko si Mark. Alam mo naman kung gaano ako kagalit dun sa g*gong yun di ba? Pagkatapos nun nagalit sakin si Raquel, sinampal nya ko tapos sinabi nyang layuan ko sya"

Totoo ba talaga lahat ng naririnig ko ngayon? Lahat ng sinabi nya? Yung ginawa ni Raquel? Totoo ba yun? Kayang gawin ni Raquel yun?

"So bro, kung sinabi nyang layuan mo sya then you should just give her space"

"Tanga! Hindi naman ako lumapit sakanya di ba? Kaya nga sayo ko pina-hatid eh! Kaya nga ako nag-absent para hindi nya ko makita eh!"

Haaaayyyy.....Ayan na ang kayabangan ni Mr. Trevor Lopez. Bakit pa kasi ako nag-suggest? Ako rin tong tanga eh. Haaayyyss......

"Oo na ikaw na magaling! Sinasabi ko lang naman na baka maisipan mong bigyan sya ng kahit konting space"

"Basta ikaw na mag-hahatid sakanya hanggang hindi pa nya ko pinapansin"

"Tanga ka ba? Mahahalata nya na ikaw ang nag-uutos sakin. Maninibago sya kasi hindi ko naman sya hinahatid dati tapos ngayon aaraw-arawin ko?"

Ha! Nasabihan rin kita ng tanga!

"Eh alam ko namang hindi pwede si Leo eh. Nag-aalala lang talaga ako kay Raquel eh. Paano kung may nangyari sakanya?! Wala ako para iligtas sya! Kahit nasa tabi nya ko, hindi ko sya pwedeng lapitan!"

Psh. Hahahahaha!!! Hindi ko talaga napigilang matawa sa pinagsasasabi nitong lalaking to! Bad boy pero parang babaeng mahilig mag-basa ng storya sa Wattpad.

"Alam mo tol, hindi mangyayari yan! Sa mga storya lang yan nangyayari tsaka sa mga drama! Hahahahaha!"

"Ano bang nakaka-tawa? Paano kung nangyari talaga yung mga yon?" ano ba ginawa ni Raquel dito?! Dati bad boy to pero ngayon ganito na? Aish!!

"Bro, easy lang. OA ka na. Kumain ka na ba? Baka gutom lang yan"

"Basta Ivan. Hanggang hindi pa kami nagkaka-ayos ikaw muna ang bahala kay Raquel ah"

"Oo na"

Grabe talaga mag-mahal ang bad boy. Handang ibigay ang lahat sa mahal nya.



-

Author's Note

Haayyyss...mag-papasukan na:(( Matatagalan nanaman ako sa pag U-UD:(( Di bale susubukan kong bilisan yung pag UD kahit malapit ng magpasukan:)) Tnx guys:)) I promise next chap I will show you who's Leo:)) But sadly hindi ko malalagyan ng pic ni Raquel:(( Sorry guys:((

It Started With A BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon