25-Friends

209 13 2
                                        

Raquel's POV

"Baby hintayin mo ko mamaya ah"

"Baby araw araw naman kita hinihintay ah"

"Ah basta. Hintayin mo ko ah. Love you" tapos ginulo nya yung buhok ko.

Ang sweet talaga nitong lalaking to. Kahit ginulo lang nya yung buhok ko. Hindi kasi kami nagp-PDA hindi katulad ng iba na kung makapag-PDA wagas. Yung parang kulang nalang isigaw nila sa buong mundo na sila.

Pero sa totoo lang may kakaiba kay Trev these days. Parang simula nung may 'bro time' sila nila Ivan naging overprotective sya or something, basta may kakaiba sakanya.

Pumasok na ko sa room. Pagpasok ko as usual ang sama ng tingin sakin ni Tracey. Ewan ko ba dyan sa babaeng yan. Hindi ko na nga lang sya pinapatulan eh.

Habang nakaupo ako parang may naramdaman akong nakatingin sakin. Hindi ko ba alam pero may something weird akong nararamdaman.

Pagtingin ko naman sa direkson ni Tracey nakatingin nga sya sakin pero hindi lang sya. May babaeng nakajacket na katabi nya tapos nakaearphones sya. Parang hindi naman namin sya kaklase? Pero parang nakita ko na sya dati? Hindi ko lang matandaan saan at kailan pero familiar sakin yung muka nya.

Well hindi naman sa hindi ako friendly. Tingin kasi ng lahat sakin dito malandi. Lagi nilang sinasabing ginayuma ko daw si Trevor, anong kalokohan naman yun??

Hindi na lang ako tumingin sa direksyon nila kasi pareho silang nakatingin sakin.

Nung dumating na yung teacher inintroduce nya yung babaeng nakatingin sakin kanina.

"Umm class this is Stacey. She's a transferee. From now on she will be your classmate so be nice to her"

Nagsmile lang sya tapos nagulat ako nung napatingin sya sakin tapos ngumiti sya. Ang weird nung feeling ko nung ngumiti sya sakin. Hindi ko alam bakit pero weird talaga.

---

Nagulat na lang ako nung biglang nagbell. Lunch na pala pero hindi ko man lang namalayan.

Nagulat naman ako nung may kumalabit sakin.

"Hi!" sabi pa nya.

"Uhhh hi! Ikaw si Stacey di ba?"

"Yup. Transferee ako dito"

Akala ko mataray sya pero mabait naman pala sya. Akala ko pa emo sya kasi kanina nakajacket sya tapos nakaearphones sya. Muka talaga syang emo tapos medyo maangas pa sya. Friendly naman pala sya.

"Gusto mo bang sumabay samin kumain?"

"Samin? May boyfriend ka na ba?"

"Huh? Oo eh"

"You're blushing haha. Next time na lang. Nakakahiya naman sa boyfriend mo kung sasabay pa ko"

"Hindi. Ok lang naman"

"Next time na lang pero thank you. Basta friends na tayo ah" tapos nilabas nya yung kamay nya para makipag-shake hands. Kinuha ko naman yun at shinake ko.

"Friends" tapos ngumiti ako. Sa totoo lang medyo masaya rin ako na may kaibigan ako sa section na to. Wala rin naman kasi akong kaibigan dito eh.

Hindi ko na sya pinilit na sumama samin ni Trevor kasi baka magalit pa sya sakin kung pipilitin ko pa sya.

Naghintay lang ako sa labas tapos dumating naman agad si Trevor.

"Hi baby! Namiss kita!"

"Serious baby? Anong nakain mo? Nagkita lang tayo kaninang umaga ah"

It Started With A BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon