2- Library

621 29 8
                                    

Trevor's POV

"Bro!" Sabay akbay sakin ni Ivan.

"May kailangan ka?"

"Wala naman" tipid nyang sagot.

"Sama ka?"

"Saan?"

"Sa library"

Bigla naman syang tumawa nung sinabi kong sa library ako pupunta. Ano bang masama kung sa library ako pupunta?!?! G*go talaga to kahit kailan.

"Anong nakakatawa sa sinabi ko ha!?!?"

Tumigil na sya sa kakatawa. Buti naman naisipan nyang tumigil. Kung hindi yan tumigil kanina ko pa yan inupakan.

"Bro last time I checked hindi ka, ehem, nerd"

Maka-nerd tong g*gong to. Bawal na ba pumuntang library. Eh sa gusto ko pumasa sa quiz eh.

"Bahala ka nga dyan!" Dumeretso nalang ako sa library kesa magsayang ako ng oras dito kay Ivan.

---

Pagdating ko sa library marami pa namang upuan kaso yung mga students dito kada table isang tao lang nakaupo. Eh ayaw ko namang may katabi ako so naghanap-hanap pa ko ng mauupuan ko.

---

Nung makahanap na ko ng upuan binilisan ko na agad. Nung malapit na ko sa table bigla namang may nerd na humarang sakin na maraming dalang libro kaya nadapa sya nung magka-bungguan kami. At ang masaklap pa ang awkward ng pwesto namin ngayon. Nakapatong pa naman sya sakin. Ang tanga tanga kasi nya eh! Hindi tumitingin sa daanan!

That awkward moment na titig na titig sya sayo at parang ayaw pa nyang tumayo.....eto yon!

"Picturan mo na ko, baka matunaw ako sa titig mo. Alam ko namang gwapo ako eh"

Nanlaki yung mata nya nung sinabi ko yon tapos tumayo na sya agad.

"Ay sorry" tapos pinagpag nya yung palda nya at pinulot nya yung salamin nya. Napansin ko rin na may itsura naman sya kapag walang salamin. Kaso parang wala syang pambili ng suklay. Ilang years na kaya nya yan hindi sinusuklay?

Pero na-badtrip ako sakanya ah! Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh! Maganda na sana bulag nga lang.

Pinulot nya isa isa yung mga libro nya tapos tumalikod na sya. Pero bago pa sya makalayo hinila ko yung braso nya kaya napaharap sya sakin.

"Hoy, ganon ganon na lang yon?"

"Nag-sorry naman na ko eh"

Aba, sumasagot pa sya ah.

"Next time nga tumingin ka sa dinadaanan mo ha!"

"Pwede ba ikaw, bago ka maging demanding, siguraduhin mong tumitingin ka rin sa dinadaanan mo" mahinahon nyang sabi tapos umalis na sya. Napanganga ako ng literal sa sinabi nyang yon. Hindi ko akalain na sasagutin nya ko ng ganon. Wala pang nag-dare na sagutin ako ng ganon. Ang nakakagulat pa isang babae ang naglakas loob na sagutin ako. Hindi lang basta babae, nerd pa!

Sa sobrang inis ko at sobrang gulat ko sa nangyari naisipan ko na lang na bumalik nalang sa room.

---

"Bro, may problema ba?" tanong agad sakin ni Leo.

"Oo nga, sa library ka galing di ba?"

"Alam nyo tigil-tigilan nyo ko. Baka sainyo ko maibuhos yung galit ko"

"Easy bro"

"Kayo nga magsabi sakin, mahina ba ko?!"

"Ha?!" Gulat na gulat sila sa tanong kong yon.

"Sino nagsabing mahina ka?! Eh sa chicks palang ang lakas na ng dating mo" sabi ni Ivan.

"Hula ko babae problema mo" sabi ni Leo.

"Oo babae, pero hindi chicks"

Nagtataka sila sa sinabi ko.

"Kasi kanina sa library naghahanap ako ng mauupuan ko tapos may babaeng humarang sa harapan ko kaya natumba sya sakin tapos nung sinabihan ko sya na tumingin sa dinadaanan nya sinagot nya ko na 'pwede ba ikaw, bago ka maging demanding, siguraduhin mong tumitingin ka rin sa dinadaanan mo' "

"Sinagot ka bro?!"

"Oo kaya feeling ko ang hina hina ko"

"Wag mo ng isipin yun bro, pero ano ba itsura nung babae?"

"Nerd na walang pambili ng suklay"

"Akala ko naman chicks hindi naman pala. Kung maka-asta akala mo kung sinong maganda"

"Alam mo dun ko napatunayan na totoo nga yung kasabihang don't judge a book by its cover"

"Bro, ano connect?"

"Na hindi porket nerd at maamo ang muka. Mabait na"

"P*tang*nang utak yan, Trev"

Binatukan ko si Ivan.

"Para saan yon?"

"Para sayo"

"Alam ko. What I mean is...Psh. Wag na nga!"

May itatanong pa sana si Leo kaso biglang dumating si Sir.

---

Ang boring ng class. Sa lahat ng subjects kanina, kahit isa hindi ka magaganahang makinig. Psh. Pag hindi talaga ako pumasa sa quiz kasalanan to nung nerd na nakabanggaan ko. Hindi ako nakapag-aral dahil sakanya.

Pumunta nalang kami nila Ivan ng canteen. Papunta pa lang sana kaming canteen kaso bigla kong nakita yung bwisit na nerd na nakabungguan ko kanina sa library. At hindi na ko nagtaka kung bakit ganon itsura nya. Taga-section 1 pala sya.

"Bro, ok ka lang" bigla akong natauhan sa sinabi ni Leo.

"O-ok lang"

"Para kang nakakita ng multo dyan ah" sabi ni Ivan.

"Nakakita ka ng chicks no?" G*go talaga tong si Leo. Walang alam sa mundo kung hindi chicks. Lakas mang-chicks ng g*gong yan eh. Kinain na nga ata ng sistema.

"G*go muka ka nang chicks" see?? Kinain na nga ata si Leo ng sistema.

"Sabihin nyo inggit lang kayo sakin kasi ako pinaka-gwapo" aba g*go talaga tong si Leo ah.

"Alam mo hindi naman masama umasa eh. Pero kung ako sayo titigilan ko nalang umasa kasi ako rin ang masasaktan sa huli lalo na kapag alam ko naming sa simula pa lang ay wala na kong pag-asa. Sakin hindi ko na kailangan malaman ang totoo dahil alam kong ako ang pinaka gwapo satin" pagkatapos sabihin ni Ivan yan binatukan naman sya ni Leo.

"Alam nyo wag na kayo magtalo. Wala naman kayong mapapala eh. Kasi nung pinanganak kayo wala pa yung salitang gwapo. Nung pinanganak lang ako bago yun nauso"

Nakikita ko sa mata ni Ivan na gusto nya kong sabihan ng vain eh.

"Ano vain?! Tsk!"

It Started With A BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon