"Good morning kuya!" Bati nya sakin.
Nagulat naman ako sa nakita ko pag dilat ko...
"Tanya?"
"Kuya, you cried. Didn't you?"
Paki nya? Pero may weird kay Tanya these days. Para bang concerned na sya sakin. Ewan ko ba. From a brat bigla sya naging ganyan...
Hindi ko na sinagot pa ang tanong nya at ginulo ko lang ang buhok nya.
Lumabas na si Tanya ng kwarto ko. Naligo na ko at pumunta na ko sa dining area.
"Kuya come on!! Let's eat!"
Tumabi ako sakanya. After namin kumain ay gusto daw nyang manuod ng movie.
Ano ba kasing nangyayari sa batang to? Alam ba nyang umiiyak ako? Baka naman iniisip nyang may taning na tong buhay ko? Ahhh!! Ano ba kasi!!
"Uh Tanya, why are you so concerned with me? And why are you changing? I mean you're a brat..." tanong ko sakanya habang nakaupo kami sa sofa.
"I know you cry every night" deretso nyang sabi.
"I don't want you to feel alone. I know something's between you and your girlfriend. Maybe you guys had a misunderstuding or something. I just want you to feel that someone's still by your side"
Ehh? Nanggaling ba talaga yun sa bibig ng kapatid ko? Sabi na hindi dapat to nanonood ng kung ano ano eh. Tignan mo, kung ano ano na pinagsasasabi.
Hindi ko nalang sya sinagot. Nagsmile nalang ako sakanya.
Ewan ko ba. Parang napangiti na lang talaga ako sa sinabi nya.
Pinabayaan ko na lang sya manood magisa. Medyo wala kasi akong ganang manood eh...
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Anong ginagawa ko? Eto, umaasa nanaman. Tinititigan ko nanaman yung picture nya.
Alam kong hindi na magiging kami pa...pero bakit pa nga ba ako umaasa?
Sinabi ko na sa sarili ko na hindi na ko aasa pa...na kakalimutan ko na sya...pero bakit hindi ko magawa?
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako...ano ba talagang problema ko? Bakit ba lagi ko syang iniiyakan?
Marami namang iba dyan ah. Hindi ko naman kailangan ubusin yubg luha ko dahil sa isang babae.
Ivan's POV
Hanggang ngayon pinagsisisihan ko pa rin yung ginawa ko...ako naman kasi ang may kasalanan eh...
Ang tanga ko...kung ano anong plano pa naisip ko...
Anong nangyari? Naging successful pero ano ngayon?! Nagka-leche leche.
Sa totoo lang matagal na naming hindi nakakausap si Trev. Well nakakausap namin sya sa school...but I mean yung personalan...
Yinaya ko si Leo kung gusto nyang pumunta kila Trev para kamustahin sya. Pumayag naman sya.
Pag dating namin sa bahay nila Trev nasa sala si Tanya.
"Hi kuya Ivan, kuya Leo!" Ang saya nya...anong nangyari sa batang to? P*ta ang bait na nya ngayon ah.
"Nasan si Trev?" Pagtatanong pa ni Leo.
"In his room" sagot nya tapos umakyat na kami.
Umakyat na kami. Kumatok ng mahina si Leo pero walang sumasagot.
"Ivan, bakit hindi sumasagot yung mokong na yun?" P*ta natatakot ba sya? Bakit sya nagda-drama?
"Aish!" Binuksan ko na yung pinto.
Nakahiga si Trev sa kama. May picture ni Raquel sa sahig...
"Trev!! Bakit?! Bakit?! Bakit mo to ginawa!!!!" Maluluha na si Leo.
Hindi ko alam pero natatawa ako sa pinag-gagagawa nya ngayon...
Binatukan ko si Leo.
"Ano?! Tatayo ka na lang dyan? Wala ka na bang paki kay Trevor ha!"
Anong pinag-sasasabi nya?
"Buhay pa yan tanga!"
"Hoy!" Panggigising ko pa kay Trevor.
Unti unti naman syang dumilat...
"Anong ginagawa nyo dito?!" Inis nyang tanong...
Problema nya? Galit ba sya samin?
"Buhay ka?!" Gulat na tanong ni Leo.
"Kailan pa ba ko namatay?!"
"Akala ko kasi...akala ko nag-suicide ka na..."
"Bakit naman ako magpapakamatay?! Oo, may problema ako, nasaktan ako ng sobra, tapos na ang lahat samin. But that doesn't mean tatapusin ko yung buhay ko no! Natutulog yung tao tapos guguluhin nyo pa tulog ko"
Hindi ko alam pero parang naging masaya ako ng konti...para bang feeling ko gumagaan na yung pakiramdam ni Trev. Pero nanghihinayang pa rin ako dahil sa paghihiwalay nila...lalo na at involved ako dun...nangyari ang lahat ng yun dahil sa sarili kong katangahan.
Ewan ko ba. Naguguluhan na rin ako eh...hindi ko alam kung magagalit ba ako. Matutuwa...ewan ko ba.
Nagulat naman kami nung pumasok si Tanya sa kwarto at dere-deretso sya papalapit sa picture na nasa sahig...
Pinulot nya yun at tinitigan nya na para bang may inaalala sya...
"It's her"
"Sino?"
"Ate Raquel"
Nanlaki ang mga mata namin nung narinig namin yung sinabi ni Tanya.
"How'd you know her?"
"Sya yung girlfriend ni kuya Mark"
Ano?! Sila na?! Hindi ko alam kung magagalit ba ako o ano. Paanong hindi? Parang ang bilis nya naman maka-move on. Pero may karapatan nga ba talaga akong magalit? Nasaktan namin sya...
"Kilala mo rin sya kuya? Bakit meron kang picture nya?"
"Uhhh" hindi makasagot si Trev.
"Akin yan. Crush ko kasi sya dati nung hindi pa sila ni Mark" sagot ni Leo.
Muntik na kami dun ah.
Hindi ko na talaga alam kung ano dapat kong maramdaman ngayon eh...bakit ba parang feeling ko nagrerebelde si Raquel...ewan ko...nalilito na talaga ako.
---
Author's Note
Para sa mga silent readers...vote and comment din pag may timeXD joke.
BINABASA MO ANG
It Started With A Bet
JugendliteraturIt started with a bet. How stupid right? Sa isang araw lang. Sa isang salita lang na lumabas sa bibig ng good-for-nothing badboy na si Trevor Lopez na gagawin nya ang bet ay nagsimula ang lahat. Paano kung dahil dun ay tuluyan na syang nahulog sa...
