Nagulat ako nung bigla akong tinawag ni Stacey kaya napatingin ako sakanya.
"Ummm Raquel ok lang bang magrest room muna ako? Natapon kasi yung tubig ko eh..." wala na kong nagawa dahil basang-basa na yung palda nya kaya pumayag na ko.
"Ummm Raquel sorry talaga...di bale next time I'll be more careful...I'll just see you in class later" tapos umalis na sya.
"Hi baby!" Tapos umupo sya sa tabi ko.
"Is that Stacey?" Pagtatanong pa ni Ivan.
"Yup"
"Bakit umalis sya agad?" Pagtatanong pa ni Leo.
"Natapunan kasi sya ng tubig...basang-basa na yung palda nya so pinabayaan ko na syang umalis"
"Is that so?? Well I guess she's a bit clumsy"
Stacey's POV
"Raquel ok lang bang umikot muna tayo sa school? Hindi ko pa kasi napupuntahan lahat ng mga lugar dito tsaka mamaya ka pa naman susunduin ng boyfriend mo di ba?"
"Sure. Let's go?"
---
Napagod ako sa paglalakad namin...well, titiisin ko pa rin...alam ko namang may mapapala ako eh.Nagrest room muna ako.
Paglabas ko nakita kong hawak nung dalawang kaibigan ni Tracey si Raquel. At parang sasampalin ni Tracey si Raquel kaya lumapit agad ako sakanila.
Nung sasampalin na ni Tracey si Raquel agad naman akong lumapit at buti nahawakan ko yung kamay ni Tracey. Sinampal ko si Tracey ng super lakas kaya napahawak sya sa pisngi nya.
Bigla naman akong napatingin dun sa dalawa nyang kaibigan na may hawak kay Raquel.
"Anong tinitingin-tingin nyo? Let go of her!" Binitawan naman nila agad si Raquel.
"Tandaan mo to, hindi pa tayo tapos!" sigaw pa ni Tracey.
"Ganon?? Then magexpect ka na hindi lang yan ang makukuha mo the next time na sasaktan mo yung kaibigan ko"
Bigla naman akong hinawakan ni Raquel na parang pinipigilan nya akong lumapit kay Tracey.
"Are you fine? Anong ginawa nya sayo?" Pagtatanong ko pa nung umalis na sila Tracey.
"I'm fine. Hindi naman nya ko nasaktan eh"
"Good kung ganon. Bumalik na tayo sa room. Baka nandun na yung boyfriend mo"
"Ummm Stacey...kung pwede...uhh...wag mo na to sabihin kay Trevor...or kahit sakanilang tatlo"
Napataas na lang ako ng kilay sa sinabi nya.
"Bakit naman hindi??"
"Ayaw ko kasing magalala pa sakin si Trevor eh...tsaka kung sinabi mo pa to dun sa dalawa panigurado sasabihin nila kay Trev" pageexplain pa nya.
"Ah ok. It's your choice"
Bigla naman nyang kinuha yung phone nya nung may nagtext sakanya.
"Sino yun?" Pagtatanong ko pa
"Ah si Trev. Sabi nya mauna na lang daw tayo sa canteen. Baka late daw sila idismiss eh"
"Ahh ganon ba? Then..let's go!" Pagyayaya ko pa.
Nung nakarating na kami sa canteen bumili na ako ng food.
Hay...ang tagal naman nila Trevor...nagugutom na ko...
"Uhh Raquel ok lang bang mauna na akong kumain? I'm starving na kasi eh" pagtatanong ko pa. Eh panong hindi eh I'm really starving na.
"Uh sure, baka matagal pa kasi sila Trev eh"
Kumain na ko habang hinihintay namin sila Trev.
Bigla ko namang natanaw si Ivan mula sa malayo. I guess kasama nya si Trev...
Then it hits me...I can't let them know that I'm the Stacey that Raquel was talking about. I need to think of a way to escape this... why am I so stupid...nadala ako sa bait nitong girl na to...
I pretended na nasagi ko yung water kaya natapon yun sa palda ko. Tinawag ko naman si Raquel
"Ummm Raquel ok lang bang magrest room muna ako? Natapon kasi yung tubig ko eh..."
Pumayag naman sya kaya kinuha ko na yung bag ko pero nagpaalam muna ako sakanya.
"Ummm Raquel sorry talaga...di bale next time I'll be more careful...I'll just see you in class later" tapos umalis na ko.
Nagmadali akong pumunta ng rest room dahil basang-basa yung palda ko. Bago pa man ako makapasok naririnig ko na yung paguusap nila Tracey.
"Is your cousin out of her mind?? She's crazy!"
"I know pumayag ako sa gusto nya but that doesn't include the fact that she can hurt me!"
"If your face got ruined, she'll probably owe you big time"
Pumasok na ako agad kahit galit na galit sya.
"Look who's here" mataray na sabi nung isa nyang kaibigan.
I just rolled my eyes...galit ba sya? Psh she's so dumb...
"Stacey magkalinawan nga tayo...di ba ang pinagusapan lang natin is acting lang to...wala sa usapan nating pwede mo akong saktan"
"Psh...cous, of course acting lang yun...ano ka ba...why would I hurt you on purpose? Bakit ba kasi balak mo syang sampalin?"
"Eh hindi ko na napigilan yung sarili ko eh"
"Cous, tiisin mo lang, makakabawi rin naman tayo eh. Just wait...makakaganti rin tayo sa babaeng yan"
"Uhhh cous, bakit nga pala basa yang palda mo?"
"Huh? Oh this?? Nothing...alam mo namang hindi ako pwedeng makita nila Trev di ba? So binasa ko yung sarili ko para may reason akong umalis"
"You mean muntik na kayong magkita?"
"Ganon na nga"
"Ummm ano ba talagang nangyayari dito?"
Bigla namang napataas ng kilay si Tracey nung tinanong yun nung kaibigan nya.
"Uhhh kakampi ba natin sya?" Tapos napatingin sakin yung kaibigan nya.
"Yup"
"Well wala lang ang lahat ng nangyari kanina. All of that was just a show"
BINABASA MO ANG
It Started With A Bet
Roman pour AdolescentsIt started with a bet. How stupid right? Sa isang araw lang. Sa isang salita lang na lumabas sa bibig ng good-for-nothing badboy na si Trevor Lopez na gagawin nya ang bet ay nagsimula ang lahat. Paano kung dahil dun ay tuluyan na syang nahulog sa...