4- The Bet

470 29 3
                                    

Trevor's POV

Kilala pala ni Ivan yung babaeng yun. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. Ang kapal pa ng muka nya na sabihin na ako ang nagsta-stalk sakanya. Eh sya nga yung nagsta-stalk sakin eh. At Van-Van? Yan yung tawag nya kay Ivan? Bakit? Ang pangit naman. Hindi katulad ng pangalan ko nickname pa lang angas na. Sigurado naman akong yung Raquel ang gumawa nung nickname na yun kay Ivan eh. Alam kong hindi papayag si Ivan na yun ang itawag sakanya. Wag mong sabihin na may gusto sakanya si Ivan? Pero hindi rin, alam ko mga tipo ni Ivan eh. Sexy, maganda, yung mga ganon. Eh yung babaeng yon ang pangit-pangit. Pati ugali. Parang pinaglihi sa demonyo. Seryoso last week pa yan nasa isip ko eh. Bakit ba hanggang ngayon sya parin nasa isip ko. Wag mo sabihing tinamaan ako sakanya. Sh*t wag naman. B*tch please.

Bigla nalang akong natauhan nung tinawag ako ni Ivan.

"Bro!"

"Ano?!"

"Lalim ng iniisip natin ah! Si Raquel ba yan?" Sabay smirk.

Pano nya nalaman na yung abnormal na babaeng yun yung iniisip ko?

"Ha! Tama ako!"

Pucha! Nasabi ko! Anong klaseng bibig ba meron ako?! Iinom na lang ako ng tubig. Atleast sa ganon hindi na ko makakapagsalita pa.

"Type mo?"

Bigla ko namang naibuga sakanya yung iniinom kong tubig. Kasalanan nya naman nya eh!

"So type mo nga?!"

"Punasan mo na nga yang sarili mo!"

"Basta, type mo nga si Raquel" sabi nya habang pinupunasan nya yung sarili nya.

"Psh, ano bang nakain mo ngayon ha?! Wag mo na ulit kakainin"

"Hindi pa nga ako kumakain eh"

Eh baliw pala sya eh. Hindi sya kakain tapos ng dadamay pa sya at kung ano-ano pa sinasabi nya.

Binigay ko nalang sakanya yung sandwich na binili ko kanina. Baka mamaya kung ano nanaman masabi nya. Baka mamaya sabihin nya pang may nangyari na samin nung Raquel na yon.

Hindi nga halata na gutom sya eh. Kung makalamon...este kumain sya parang wala ng bukas.

"Bro, thanksh nga pala dito sha shandwich ah"

"Hindi ka nga gutom eh"

"Ay bro, may shakit ka ba?"

Kulang pa ba yung sandwich na binigay ko? Ano naman pumasok sa isip nya para sabihing may sakit ako?

"Bakit?"

"Bro, kashi shimula nung nagkakilala kayo ni Raquel parang hindi ka na nang-chicksh"

"Wow. Naintindihan ko"

Inubos nya muna yung nasa bibig nya bago sya ulit nagsalita.

"Bro kasi napansin ko lang na simula nung nagkakilala kayo ni Raquel parang hindi ka na masyado umiinom,  at nangchi-chicks"

May punto nga si Ivan don. Baka kinulam na ko nung Raquel na yon. Ano na bang nangyayari sakin?!?! Hindi na ko nakakapang-chicks pa. Hindi to pwede eh.

Bigla naman akong natigilan sa pag-iisip nung dumating si Leo.

"Yo! Yo! Mga tol!"

Weirdo talaga tong lalaking to. Laging may hangover. Hula ko nang-chicks to kagabi eh.

"Nang-chicks ka no?" Tanong ni Ivan sakanya.

"Paano mo nalaman?"

"Halata naman dyan sa smirk mo oh"

It Started With A BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon