"Congrats!!" Bati agad sakin nila kuya pag-lapit ko sakanila.
"Ohh? Ano pa bang hinihintay natin? Maghanap na tayo ng makakainan" sabi ni tita...naging mas abnormal talaga si tita nung dumating si Trevor eh...
"Let's go!" Sabi naman ni mama.
"Uhh ma, sunod na lang po kami" sabi pa ni Trevor kay mama...
Grabe sya...mama na talaga tawag nya ah...abnormal...
"May sasabihin ka ba?"
Napakamot sya sa batok nya tapos napa-lip bite sya...
Kinakabahan ba sya? Haha how funny!!!
"Uhh eh...ummm hope you like my gift..." tapos may iniabot sya sakin...
Parang libro sya...ganon kalaki...
Tinignan ko lang sya ng 'are you serious??' face ko...
"Please open it now..."
"Ok"
Tapos binuksan ko na...
Omo!!!! 화양연화 Pt.2!!!!! Shemay!!! Balak ko pa lang bumili nito eh!! Meron na kasi ako nung part 1...
Sa sobrang saya ko niyakap ko sya!!
"Trevor thank you so much!!!"
Nakita ko namang nag-blush sya...ang cute nya pag nagbu-blush sya haha!!
"Let's go?"
---
Habang nasa kotse kami hawak ko yung kamay ni Trevor... bakit ba?! Ang saya ko eh!!"Forgot to tell you, I really liked your gift" bulong ko pa sakanya. Alam ko naman kasing nag-effort syang mag-hanap nun eh...
Nag-smile lang sya sakin.
"Hmm kailangan bang magka-holding hands kayo?" Singit pa ni kuya
"Wag ka nga epal Ranz! Ang cute kaya nila tignan!!" Sabi pa ni tita...
"Inggit ka lang wala ka kasing girlfriend" hindi ko alam bakit yan ang lumabas sa bibig ko. Sira na rin yata ulo ko haha!!
"Sinong nagsabing wala ha?!"
"Omo!! Bakit di mo sinabi sakin?? May gf ka na!?!?"
"Huh? Ah hindi girlfriend...nililigawan pa lang..."
"Wag kang maniwala dyan anak. Niloloko ka lang nyan. Inggit lang yan sa inyo ni Trevor"
Walang hiya rin tong kuya ko eh.
"Walang hiya ka!!!!" Buti na lang at naawat ako ni Trevor kung hindi baka nasapak ko na tong magaling kong kuya.
---
"Raquel!! Congrats!! Sorry kung di kami nakapunta sa graduation mo sa Korea ah"Niyakap pa nila ako sa saya.
"It's fine"
"Yah! That's enough!!" Singit pa ni Trevor. Haha ang sweet talaga nitong lalaking to...masyado nga lang protective.
Nandito kami ngayon sa bahay...it feels so good to be back home...
Lahat sila nandito...sila Ivan, Leo. Nandito rin yung kapatid ni Trevor. Sayang nga lang at wala si Mark...
"Nasan nga pala si Mark?"
"Hindi pa ba sinasabi ni Trevor? Bumalik na sya sa US...dun na sya nag-aral...and hindi na yata sya babalik dito"
"Ohhh I see..."
Nagulat naman ako nung bigla akong inakbayan ni Trevor.
"Sorry baby"
"Baby?! Kayo na?!" Sabay pang sabi nung dalawa.
"No! Of course not! Gusto lang nyang itawag sakin yun! Hindi nya ba naike-kwento yun sa inyo?"
"Nope"
Bigla namang may lumapit sa akin na aso.
Akala ko si Prince pero hindi...kanino ba to?
"Princess, say hi to your mommy!!" Kinuha ni Trevor yung aso tapos nilapit nya sakin yun.
"Baby, isn't she cute?" Pagtatanong pa nya sakin.
Nagulat naman ako nung lumapit si Tanya.
"Kuya, sinagot ka na? She's prettier than before" tapos nag-smile sya sakin.
Mas matured na sya compared nung huli ko syang nakita.
Bigla namang lumapit sakin si Prince.
"Hi baby!! I missed you!!"
"I thought I was your baby?" Pagpapacute pa ni Trevor.
"Sira!"
"Pati sa aso nagseselos ka na rin? Grabe ka bro!" Sabi pa ni Ivan.
Hindi ko talaga napigilang tumawa dahil dun.
Bigla namang hinawakan ni Ivan yung kamay ko.
"Yah! Watch it!!"
"Why? Nothing's wrong..." singit bigla ni Leo na parang nang-aasar. Hindi ko talaga maiwasang matawa dito sa tatlong to.
"Yah!!! Bitaw sabi eh!!" Sabi pa ni Trevor kay Ivan habang tinatanggal nya yung pagkakahawak ni Ivan sa kamay ko. Abnormal talaga tong dalawang to.
Ang isip bata ni Trevor!! Para syang batang ewan!! Basta!!
"OA mo bro! Haha!" pang-aasar pa nila Ivan.
"Yah! Why are you so happy?! Kampi ka rin ba sakanila?" pagtatampo pa nya sakin. Ewan ko ba dyan sa lalaking yan. Hindi naman yan masyado seloso...oo, may pagka pero...OA talaga eh haha!!
"Oo, haha!!!"
Bigla naman syang nag-pout.
"So cute" tapos pinisil ko yung ilong nya.
---
Ang saya ng araw na to. Kinwento ko yung mga nangyari sakin habang nasa Korea ako . Sa totoo lang bumabalik naman ako dito sa Pilipinas pag pasko. So hindi ganon karami yung kinwento ko ngayon kasi naikwento ko na yung iba last year haha!! Tsaka months pa lang naman simula December...
Naitanong rin nila kung kalian ko daw balak sagutin si Trevor...
Sa totoo lang hindi ko rin alam...
Oo, nakapag-move on na talaga ako...masaya rin ako pag kasama ko si Trevor...
Gusto ko na syang sagutin...hindi ko lang alam kung kalian...
Alam ko namang hindi na babalik pa yung relasyon na meron kami dati...pero hindi naman masamang mag-simula ulit di ba?
BINABASA MO ANG
It Started With A Bet
Novela JuvenilIt started with a bet. How stupid right? Sa isang araw lang. Sa isang salita lang na lumabas sa bibig ng good-for-nothing badboy na si Trevor Lopez na gagawin nya ang bet ay nagsimula ang lahat. Paano kung dahil dun ay tuluyan na syang nahulog sa...