(Yan yung pic nung girl na kasama ni Trev:))
Nagulat ako nung may biglang nagsalita sa likod kaya nabitawan ko yung frame.
Sa sobrang panic ko pupulutin ko na sana yung mga bubog pero may kamay na pumigil sakin.
Pag-tingin ko si Ivan lang ang nakita ko.
Hinila nya ko patayo.
Naka-tingin lang sya sakin. Nagulat ako nung biglang may naramdaman ako sa kamay ko. Umiiyak ba ko?
"Psh. Don't cry" tapos pinunasan nya yung luha sa mata ko.
"Bakit mo ba naman kasi pupulutin yung basag na frame? Gusto mo bang mabubog?" Paninita pa nya.
Kinuha nya yung picture na nasa frame kanina. Mukang nataranta sya nung nakita nya yung picture.
"Uhh nakita mo ba?"
Tumango-tango lang ako.
Nung nakita nya yung papel na kasama nung frame parang nataranta nanaman sya.
"Nabasa mo?" Tumango na lang ulit ako.
Biglang may naramdaman nanaman ako. Umiiyak ba talaga ako? Bakit ba ko nasasaktan? Eh ano naman kung may ex sya? Ex na naman nya yun eh. Tsaka bakit ba ko nagkaka-ganito eh hindi naman kami ah.
"Halika na. Iuuwi na kita. Ayokong makita ka ni Trevor na ganito. Baka mag-alala pa yun sayo."
Hinila na nya ko pababa.
"Ummm manang mauna na po kami. Paki-sabi na lang po kay Trevor. At tsaka manang may bubog nga pala sa kwarto ni Trevor paki-walis na lang po. Sorry po may nabasag po eh"
"Ok po sir Ivan. Sasabihin ko na lang po kay sir Trevor na dumaan po kayo dito"
Tapos umalis na kami ni Ivan.
Hindi ko alam bakit ako nagkaka-ganito. Dapat bang maramdaman ko to? Di bale, lilipas rin to. Ngayon lang to, bukas ok na ko. Tsaka hindi naman kami kaya hindi dapat ako nagseselos ng ganito.
Ivan's POV
Hinatid ko na si Raquel sakanila. Ayokong masaktan si Raquel kaya iniwasan ko nalang na magka-gulo. Bakit ba naman kasi nandun pa yon? Bakit hindi pa nya yon tinapon?
Habang nasa kotse kami ni Raquel bigla naman syang nag-salita. At alam kong nasaktan sya dun sa kanina. Halata naman sa boses nya eh.
"Ah, Ivan, may sineryoso din pala si Trevor no?" hindi ko alam bakit nya sinabi yon pero parang tinatawanan nya yung sinabi nya. Naiintindihan ko naman sya, gusto nalang nyang tawanan yung sakit na nararamdaman nya. Sasagutin ko sana sya pero nag-salita ulit sya.
"Akala ko hindi kayang mag-seryoso ng isang player"
"Raquel, I know I shouldn't be saying this to you pero nag-simula lang syang maging player nung niloko sya ni-" hindi ko na tinuloy yung sasabihin ko kasi alam kong mas masasaktan lang sya.
"Bakit sya naging player?" seryoso nyang tanong.
"Raquel, inisip nya kasing masasaktan lang sya kung nag-mahal pa sya ulit. Na pinag-laruan lang sya. Kaya simula non hindi na sya nag-seryoso. Simula non nag-iba na sya. Sineryoso nya ng sobra yung relasyon nila tapos inisip nyang hindi sya sineryoso. Nasaktan lang talaga sya ng sobra"
"Pero tingin mo ba may feelings pa rin sya dun sa babaeng tinutukoy nya sa sulat?"
Hindi ko na sya sinagot kasi nasa tapat na rin kami ng bahay nila.
Lumabas na sya ng kotse. Para syang zombie. Hindi ko alam kung bakit nya iniisip pa na may feelings pa si mokong dun kay Stacey eh.
Bago pa pumasok si Raquel sakanila bumaba muna ako ng kotse. Hinila ko sya para mapa-harap sya sakin.
"Raquel, seryoso sayo si Trevor. Mahal ka nya. Give him a chance. Di bale kakausapin ko sya about dito. Wag mo ng isipin yung mga nangyari ngayon ok? Mahal ka nya" ngumiti sya ng pilit tapos pumasok na sya.
Tinawagan ko si Trevor. Kailangan kong sabihin sakanya to eh. Ang tanga kasi ni mokong eh. Bakit nandun pa yung picture nila.
Sinagot nya yung tawag. Bago pa sya mag-salita inunahan ko na sya.
"Yah! Mag-kita nga tayo! Dun sa coffee shop malapit sa inyo! May atraso kang g*go ka!" tapos binabaan ko na sya.
Oo alam ko mean pero may kasalanan naman talaga sya eh. Saktan ba naman nya yung best friend ko? Na nililigawan nya? Psh.
Nag-drive na ko papunta sa coffee shop. Nakadating naman agad ako dun. Nandun na sya naka-upo. Umupo na ko.
"Ano ba nanaman kasalanan ko? Ha?!?! G*go ka bababaan mo pa ko ng phone?"
"Si Raquel" tipid kong sagot sakanya.
Bigla naman syang kinabahan.
"Anong nangyari kay Raquel?!?!"
Linapag ko sa mesa yung letrato nila ni Stacey at yung sulat na sinulat nya.
"Ano to?" tapos kinuha nya yun. Bigla namang nanlaki yung mata nya nung nakita nya yun.
"San mo to nakuha?" natataranta nyang tanong.
"G*go hindi ako"
"Don't tell me nakita at nabasa to ni Raquel"
"Bakit ba naman kasi nasa bahay mo pa yan?!"
"Kailangan kong puntahan si Raquel. Kailangan kong i-explain sakanya to"
Pinigilan ko syang tumayo.
"Bakit?"
"Wag kang mag-papakita sakanya for now. I think she's not yet ready. If you showed yourself to her it'll be harder for her to forget what she saw and what she read about your past"
Medyo napa-isip sya sa sinabi ko. Sa totoo lang nagulat din ako sa sinabi ko eh. Hindi ko alam na lalabas yun sa bibig ko.
"So when's the right time?"
"Just wait for her heart to heal. It's obvious that she was hurt after everything"
"Hindi ko naman kasi alam na nandun pa yung pic na yun at nasa likod nun yung sulat" parang may guilt syang nararamdaman nung sinasabi nya yun. Dapat lang no! Hindi na lang ako sumasagot sa mga sinasabi nya.
"Ang tanga ko naman kasi eh. Ang g*go ko! Sa lahat ng tao sya pa talaga nakabasa nun? Sya pa talaga nakakita?"
"Bro, it's not your fault. Just calm down ok? I'll just be the one who'll explain everything to her"
"No. I should be the one because it's all my f*cking fault"
"I told you it's not a good idea if you show up now! The only thing you can do for now is f*cking calm yourself"
"Ok if that's the only thing that I can do then I'll just calm my f*cking self"
BINABASA MO ANG
It Started With A Bet
Genç KurguIt started with a bet. How stupid right? Sa isang araw lang. Sa isang salita lang na lumabas sa bibig ng good-for-nothing badboy na si Trevor Lopez na gagawin nya ang bet ay nagsimula ang lahat. Paano kung dahil dun ay tuluyan na syang nahulog sa...