Raquel's POV
Niyaya ko muna sa Ivan na kumain muna samin, tutal nakaka-hiya namang hinahatid sundo nya ko. Nakaka-panibago nga sya eh. Hindi naman sya dati ganyan. Naging ganyan lang sya nung nag-away kami ni Trevor. Ewan ko ba dyan sa lalaking yan. Parang alien.
Tinext nya lang si tita Isa para makapag-paalam sya na dito muna sya mag-memeryenda.
--
Pag-tapos nya kumain ng brownies umalis na rin sya agad. Nung paakyat na ko ng kwarto ko nagulat naman ako nung biglang may tumunog na phone. Hindi ko naman phone yon. Pag-tingin ko sa mesa phone pala ni Ivan yung tumutunog. Naiwan nya yung phone nya. Patay na!
Tumatawag si Trevor sakanya. Sasagutin ko ba? Pero hindi ko naman phone to eh. Sagutin ko na lang para sabihin ko na naiwan ni Ivan yung phone nya.
Hindi pa ko nakakapag-salita sinigawan nya na ko agad.
[Yah! Ivan! Bakit hindi mo sinagot agad!] mabingi-bingi ako sa sigaw nya.
Magsasalita na sana ako kaso nag-salita nanaman sya.
[Ah Ivan naihatid mo na ba si Raquel sakanila? Bantayan mo ng mabuti yan ah. Kung hindi lang nya sinabi na layuan ko sya edi sana ako gumagawa nyang ginagawa mo. Di bale bro, salamat talaga sa ginagawa mo ah. Pag nagka-ayos na kami babawi ako]
Napa-nganga na lang ako sa narinig ko. Totoo ba yung lahat ng yon? Kaya ba hinahatid sundo ako ni Ivan dahil sinabi ni Trevor na gawin nya yon? Ang tanga ko naman at hindi ko man lang naisip yon. So may pakielam naman pala si Trevor sakin kahit ako yung nagalit sakanya. Ganon ba sya ka-willing mag-hintay na magka-ayos kami?
[Ivan! Yah! Hoy! Sumagot ka nga! Bahala ka nga!] tapos inend na nya yung call.
Umakyat na ko sa kwarto ko. Magpapa-drive sana ako kay kuya papunta kila Ivan para maibalik ko yung phone nya pero naisip ko parang ayoko na. Biglang tinamad na ko. Tutal pupunta naman si Ivan dito bukas eh. Hindi naman nya alam na alam ko na si Trevor ang nag-utos sakanya. Hay matutulog na ko.
Sleep...sleep...sleep...
Wah! Hindi ako maka-tulog! Makikinig na lang ako ng music sa phone ko tapos pag inantok ako tatanggalin ko na yung earphones ko.
Hinanap ko yung earphones ko tapos nakinig na ko sa music.
--
Hello hello (what!)
Hello hello (what!)
Tell me what you want right now
Hello hello (what!)
Hello hello (what!)
Imma give it to you girl right now
Jimin I want you!! Please be my boy friend!! Park Jimin!! Wahhh!!!
"Hoy!"
Bigla ko namang naramdaman na may bumatok sakin.
Pag-dilat ko ng mata nakita ko si kuya sa harap ko naka-tingin sakin na mukang diring-diri. Panaginip lang pala. Akala ko pa naman tinatanong na ko ng BTS kung anong gusto ko. Sayang.....
Naka-tulog lang pala ako ng nakikinig ng music... Hayyyyy... Tinanggal ko na yung earphones sa tenga ko.
"Bakit ka nga pala nandito?"
"Ah siguro wala yung kwarto ko sa tabi ng kwarto mo kaya wala akong naririnig na nagsisisigaw dito" sinabi nya yan in a sarcastic way.
"Ano ba sinasabi ko habang natutulog"
"Jimin I want you!! Please be my boy friend!! Park Jimin!! Wahhh!!!. Yan yung pinagsasasabi mo" in-act pa talaga nya ah. Eh parang yan rin yung sagot ko sakanila nung tinanong nila kung anong gusto ko. Psh.
"Sorry naman. Malay ko bang panaginip lang pala"
"Kung totoo lang sana eh" Bulong ko sa sarili ko.
"Bilisan mo na! Maligo ka na tapos bilisan mong mag-bihis! Nahiya naman akong ma-late ka!" hindi naman sya sarcastic ah! Nahiya naman ako sakanya!!
"Hindi ka rin sarcastic no!"
"Baka mahiya naman yung panaginip mo!? Edi balikan mo si Jimin! Matulog ka ulit kung gusto mo!" gusto ko nga sana balikan si Jimin kaso mala-late na ko eh kaya hindi na pwede.
"Jimin, Jimin, eh mas gwapo naman ako dun"
"Kuya!! Narinig ko yon!! Never ka magiging mas gwapo kay Jimin!" tapos lumabas na sya sa kwarto ko. Hindi naman sya bastos ah! Kinakausap ko lang naman sya at sinaraduhan nya lang naman ako ng pinto.
Naligo na lang ako at nag-bihis na ko agad.
Pag-baba ko tulog pa si Prince kaya hindi muna ako nakipag-laro sakanya.
"Good morning anak! Ang saya mo yata ngayon?"
"Good morning po ma! Wala lang po to"
"Panong hindi sasaya yan. Hanggang sa panaginip pinag-papantasyahan nya yung K-pop idol nya" singit pa ni kuya.
Ano bang masama sa pagiging fan girl. Tsaka anong magagawa ko eh bias ko si Jimin eh. Psh. Pakielamero kahit kailan.
"Hay nako Ranz hindi naman nya pinag-papantasyahan yung mga idol nya eh. Tsaka normal lang talaga na maging ganyan yung kapatid mo dahil fan girl sya" haayyyysss. Buti pa si mama naiintindihan yung sitwasyon ko. Hindi kagaya ng kapatid ko na kung magsalita akala mo ang daming alam pero sa totoo wala! Psh!
Kumain na ko habang nag-eexplain si mama sa sitwasyon ko.
Bigla namang dumating si Ivan. Tsaka parang may mali. Ayun, tama. Naka shades sya. Ano naman kaya problema nito? Wala namang araw dito sa bahay naka shades sya. Psh. Abnormal-_-
"Good morning po tita!"
"Good morning Ivan!"
Umupo muna sya sa sofa. Ano naman kaya trip neto? Hindi pa rin nya tinatanggal yung shades nya. Ewan, trip nya yan, pabayan mo nga sya.
Hanggang sa matapos akong kumain hindi pa rin nya yun tinatanggal.
Nilapitan ko na sya.
"Anong trip yan?"
"Ha ah ma-araw kasi"
"Wah! Ma-araw na pala sa loob ng bahay no?" sarkastiko kong sabi.
"Sige na nga. Naka shades ako kasi.." tapos tinanggal nya yung shades nya.
Grabe may eye bags sya. Hindi ko alam kung matatawa ba ko or what pero parang naaawa ako dahil parang kulang sya sa tulog.
Tapos sinuot na ulit nya yung shades nya.
"Hindi ka ba natulog?"
"Hindi ako naka-tulog kasi hinahanap ko yung phone ko. Sa totoo lang hindi ko nga nahanap eh"
Yung phone nya! Oo nga pala, naiwan nya yon dito kagabi.
"Oo nga pala, naiwan mo yung phone mo dito kagabi. Kunin ko lang sa taas ah"
"What? Hay nag-puyat pa ko para hanapin yun tapos nandito lang pala. Psh. Stupid me I didn't know that all along nandito pala yung phone ko"
"Sorry rin kasi dapat ibabalik ko yung phone mo sayo pero inantok ako kaya hindi na ko naka-punta pa sa inyo"
"No, that's fine"
Umakyat na ko para kunin yung phone nya at binalik ko na agad sakanya yun. Pasalamat sya nandito lang sa bahay yung phone nya at hindi nanakaw yung phone nya.
--
Author's Note
Wah! 2 chaps natapos ko ngayon!! Woohoo let's celebrate!! Mabagal yung net kaya hindi ako nakapag-download so naisipan ko nalang mag-UD haha! Pasalamat sa net na mabagal!!! Haha!! Sino ba talaga mas gwapo? Si Jimin o si Ranz? Ako si Jimin pa rin^^ Hintayin ko sagot nyo guys^^ Sana pati silent readers mag-comment:))Hahaha!! Thanks guys!!
BINABASA MO ANG
It Started With A Bet
Novela JuvenilIt started with a bet. How stupid right? Sa isang araw lang. Sa isang salita lang na lumabas sa bibig ng good-for-nothing badboy na si Trevor Lopez na gagawin nya ang bet ay nagsimula ang lahat. Paano kung dahil dun ay tuluyan na syang nahulog sa...