15-Where's My Phone?

204 14 1
                                    

(Leo's pic)

Raquel's POV

Ang aga ko nagising ngayon. Makapag-jogging na nga lang muna.

Nag-toothbrush na ko agad tapos nag-bihis na ko ng pang-jogging.

Pag-baba ko gising na si Prince kaya naisipan kong isama ko na lang sya.

Habang nag-jojogging ako may naramdaman ako na parang may naka-tingin sakin. Pero everytime na titingin ako sa likod ko parang wala namang tao kaya dere-deretso lang ako. Napa-tigil lang ako sandali nung natanggal yung sintas ng sapatos ko. Tumigil ako para itali yon tapos bigla namang nag-bark si Prince. Tumingin ako kung may tao ba sa likod ko eh wala naman.

Sa sobrang weird na ng nararamdaman ko naisipan kong bumalik na sa bahay.

Pag-balik ko sa bahay gising na si kuya tsaka si mama.

"Oh anak nag-jogging ka pala. Sakto yung dating mo"

"Sorry ma, hindi ako nakapag-paalam. Ayoko namang gisingin ka"

"Ok lang. Kailangan mo rin namang mag-exercise"

Medyo na-insulto ako dun ng konti ah. Para namang ang taba ko na masyado para sabihin ni mama yon.

Umakyat na muna ako sa kwarto ko para maligo at mag-bihis tapos bumaba na ulit ako para kumain.

Masarap na sana yung pagkain eh kaso hindi na ko nakaka-kain ng lasagna. Eh pano naman ako makaka-kain eh laging nag-rerequest si kuya sa gabi pag tulog na ko-_- At na-realize ko lang na ganon yung ginagawa nya, kagabi lang.

Nagulat naman kami nung biglang dumating si Ivan. Ano kayang ginagawa nya dito?

"Ivan kumain ka na muna"

"Sige po tita"

-

"Ah tita isasabay ko nga po pala si Raquel ngayon"

"Huh? Nililigawan mo rin ba yung anak ko?"

Parang nabulunan ako sa sinabi ni mama. Ako liniligawan ng best friend ko na kamuka ni V ng BTS. Oo tama yun. Kamuka nya si V. Ngayon ko rin lang na-realize sa tagal namin magkaibigan.

"Hindi po tita. Best friend ko po kasi si Raquel kaya ganito tsaka tita kawawa naman po si Raquel nag-lalakad sya mag-isa kaya isasabay ko na lang po"

Wow ah ako pa kawawa?!?! Sinabi ko bang kailangan ko ng awa? Ha?! Sus!

-

Ivan's POV

Haayyss. Late ako nagising. Kailangan ko na talagang bilisan. Kailangan ko namang tulungan yung kaibigan ko. Naligo na ko agad tapos nag-bihis na ko.

Bigla namang nag-text si Trevor.

From:Trevor

Bro, nasundo mo na ba si Raquel?

Yung totoo? Atat ba to? Napa-aga na nga ng konti yung gising ko eh.

To:Trevor

Papunta na ko. Alam kong gusto mo na syang kausapin pero bro bawal eh. Hintayin mo na lang na magka-bati kayo.

Agad naman syang nag-reply.

From:Trevor

Bro, hindi ko na kaya. Paano kung hindi na nya ko kauspin kahit kailan?

Totoo anong ginawa sayo ni Raquel at nagka-ganyan ka? Yan yung gusto kong tanungin sakanya eh.

To:Trevor

It Started With A BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon