Raquel's POV
Nagulat ako pagpasok ko dahil nakita ko si Stacey. Anong meron? Akala ko ba lumipat na sya ng school?
Parang simula nung nagkita kami sa mall bigla syang bumalik.
"Hi!"
"Hi?" awkward kong sabi. Panong hindi? Marami naman akong rason para maramdaman to eh!
After a while dumating na yung teacher.
Omo!!!! Malapit na daw yung prom!!! Hay...bigla akong napa-isip...yayayain kaya ako ni Mark? Oo? Ewan ko ba?
---
Lunch na. Pumunta si Mark sa room ko.
Hanggang sa makarating kami sa canteen hindi pa rin nya ko tinatanong about sa prom.
Pupunta kaya sya? Baka naman hindi?
Kumakain na kami ngayon. Hindi na ko mapakali. Itatanong ko na.
"Mark"
"Hmm?" sabay tingin sakin.
"Ummm pupunta ka ba sa---bahay?" bakit ko yun nasabi. Pinuno ko yung bibig ko ng pagkain dahil sobrang awkward ng naitanong ko.
"Of course. Ihahatid kita pauwi"
Nung natapos na kaming kumain hinatid na nya ko sa room ko.
"Hintayin mo ko mamaya ah" sabi nya sakin tapos ginulo nya yung buhok ko. Hindi ko alam pero may naaalala ako. Si--
Pumasok na ko sa room dahil ayoko ng alalahin pa ang mga bagay na wala naman talaga halaga.
---
Uwian na. Almost buong klase iniisip ko lang kung yayayain ba ko Mark sa prom... iniisip ko kung pupunta ba sya or what...
Nung naghihintay na ko sa labas bigla namang dumaan sila Trevor sa harap ko. Nagka-tinginan kami...para bang nag-slow motion ang lahat? Tsaka para bang bumilis yung tibok ng puso ko. Bakit? Hindi ko na dapat to nararamdaman.
"Raquel!" nagulat naman ako nung tinawag ako ni Mark.
"You ok? Huh?"
"Yup. Let's just go home"
"Where?"
"You're bringing me home right?"
Bigla naman syang ngumiti ng nakakaloko.
Nung tumagal bago ko lang narealize kung ano yung meaning nun sakanya.
"I mean you're bringing me home to our house"
"Ok"
Tapos kinuha nya yng bag ko at hinawakan nya yung kamay ko.
Mark!! Wag kang ganyan!! Kinikilig ako!
Pero bigla ko namang naalala yung kanina. Yung tingin nya...nakakatunaw. Yung slow motion yung bilis ng tibok ng puso ko kanina. Kakaiba eh.
Hay...bigla ko na naman syang naalala...
Pag-dating namin sa bahay hindi pa rin nya ko tinatanong.
"Thanks bye!"
Nakalabas na ko ng kotse nya. Eto na Raquel. Pag hindi ka nya yinaya. Sasayaw kang mag-isa.
Binagalan ko ng konti yung paglakad ko. Pero nung bubuksan ko na sana yung gate.
"Raquel!" sabay hug nya sakin mula sa likod.
Shemay!!! Pwede na kong kainin ng lupa. Now na!!
"Ma-"
"Give me 20 seconds" singit pa nya.
Bumitaw na sya sa pagkaka-yakap nya sakin. Hay!! Kung pwedeng yakapin nya ko hanggang bukas eh!
"Why? Kulang ba?" pangaasar pa nya.
Pinalo ko lang sya ng mahina sa braso nya.
"Don't worry. You'll get more of those...sa prom night"
"What--"
"Bye!" sabay takbo nya palayo sakin.
Anong ibig sabihin nya non? Yinayaya nya ba ko? Ano?!?!
Pumasok na ko ng bahay at nandon na si kuya.
"Mukang kinikilig ka ata" pangaasar pa nya.
"Tse!" dumiretso na ko sa kwarto ko tapos bumalik na ko sa baba.
"Kuya, may itatanong lang sana ako"
"Ano?"
"Uhh pag sinabi ba ng lalaki na uhhh--pano ko ba to ieexplain..."
"Yinaya ka ni Mark sa prom?"
"Ewan? Yun nga yung itatanong ko sayo eh"
"Paki-explain nga ng maayos para maintindihan ko"
"Wag kang magagalit. Niyakap kasi ako ni Mark kanina tapos sinabi nyang 'You'll get more of those...sa prom night' ganon...so hindi ko sure kung yinaya ba nya ko or what"
"Tanga! Syempre yinaya ka nya!"
"Eh wala naman syang sinabing 'wil you be my date to the prom?' wala namang ganon eh"
"Bahala ka. Tsaka pwede ka namang pumunta kahit wala kang kapartner eh"
---
"Class, bukas na yung prom. Ready na ba kayo? May partner na ba kayo? I'm so excited na!!"
Weird talaga ng teacher namin...
---
Nandito na kami ni Mark sa bahay. Pababa na ko ng kotse ng bigla nya kong pigilan.
"Wait"
"Hmm?"
Please yayain mo ko Mark. Ayokong mapahiya. Ang tagal ko ng naghihintay para dito. Para yayain mo ko sa prom. Meron na nga akong isusuot eh...
"Wala. See you tomorrow. Love you" sweet nyang sabi.
Hindi pa rin nya ko yinaya...baka naman magde-date lang kami bukas...
---
Mamayang gabi na yung prom...pupunta ba ko? Hindi. Hindi naman ako yinaya ni Mark eh...
Matutulog na lang ako...
"Anak!!!!" sigaw ni mama na nasa labas ngayon ng kwarto ko.
"Pasok!"
Agad naman syang pumasok sa kwarto ko na may dalang malaking box.
"Ano yan?"
"Basta" tapos iniabot nya sakin yung box na malaki.
Infairness dun sa box mabigat nga.
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
"Kanino to galing?"
"Mark!!!" halata sa pagkakasabi nyang kinikilig nga sya.
Merong gown sa loob nung box. White sya. Merong petals na nakapatong sa gown. Meron pang card.
Agad ko namang kinuha yung card at binasa ko yun.
Hope you liked the dress:)) I'd like to see you in that dress later;) I'll be there at 6...
-Mark, your prince charming
Omo!! I think I really I am falling...bakit ba naman kasi ganito mag-effort si Mark...mamamatay na ko sa kilig eh!
BINABASA MO ANG
It Started With A Bet
Fiksi RemajaIt started with a bet. How stupid right? Sa isang araw lang. Sa isang salita lang na lumabas sa bibig ng good-for-nothing badboy na si Trevor Lopez na gagawin nya ang bet ay nagsimula ang lahat. Paano kung dahil dun ay tuluyan na syang nahulog sa...